Burgos, Pangasinan Waterworks

Burgos, Pangasinan Waterworks The official page of Burgos Municipal Waterworks System Office.

27/07/2025

PAUNAWA SA PUBLIKO

Ang aming Poblacion Pumping Station ay bumalik na sa operation kaninang 11:00 PM (July 27, 2025) Sunday, subalit maaring makaranas po tayo ng hindi maganda, malinaw o kaaya-ayang tingnan.

Sa kadahilanang ito, humihingi ang Burgos Municipal Waterworks System at ang Lokal na Pamahalaan ng Burgos ng lubos na pang-unawa at paumanhin sa mga consumer ng BMWS.

24/07/2025

WATER SUPPLY ADVISORY

WHAT: SCHEDULED WATER INTERRUPTION

WHEN: JULY 26, 2025 (SATURDAY) AT
6:00 AM - 8:00 PM

REASON: NGCP SCHEDULED POWER INTERRUPTION/ PUMPING
STATION GENERATOR NOT COMPATIBLE WITH THE NEW
CONTROL SWITCH/ PANEL BOARD

AFFECTED AREAS:
LOW PRESSURE TO NO WATER
1. PUBLIC MARKET
2. NATIONAL ROAD
3. DON MATIAS
4. ALUDIG AREA
5. VITO CACAYASEN
6. A. BONILLA ST.
7. V. BRAGA ST.
8. F. BRAGA ST.

LET'S SAVE WATER IN PREPARATION FOR THE UPCOMING
WATER INTERRUPTION

WE APOLOGISE FOR THE INCONVENIENCE.

THANK YOU FOR BEARING WITH US.

23/06/2025

PAUNAWA SA PUBLIKO

Ang aming Poblacion Pumping Station ay bumalik na sa operation kaninang 2:00 PM (June 23, 2025), kasabay narin ng pag-flashing sa aming mga riser, subalit maaring makaranas po tayo ng hindi maganda, malinaw o kaaya-ayang tingnan.

Sa kadahilanang ito, humihingi ang Burgos Municipal Waterworks System at ang Lokal na Pamahalaan ng Burgos ng lubos na pang-unawa at paumanhin sa mga consumer ng BMWS.

22/06/2025

PAUNAWA SA PUBLIKO

Nais po naming ipaalam na nagkaroon po tayo ng electro-mechanical problem sa ating Poblacion Pumping Station. Pinapayuhan namin ang ating mga apektadong kababayan na gumawa muna ng mga pansamantalang solusyon upang magkaroon ang kanilang kabahayan ng magagamit na tubig. Ang Don Matias Pumping Station ang pinanggagalingan ng supply natin ng tubig sa kasalukuyan. At dahil sa limitadong kapasidad nito, pinapayuhan namin ang lahat na mag-ipon ng tubig.

Asahan po ninyo na ginagawa po namin ang aming makakaya upang agarang maibalik sa normal ang aming serbisyo. Muli, kami po ay humuhingi ng inyong ibayong pag-intindi at pang-unawa sa anumang abalang dulot nito.
Maraming Salamat

09/06/2025

𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑𝐖𝐎𝐑𝐊𝐒 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 | 𝐉𝐔𝐍𝐄 𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟓

Pinapayuhan ang publiko, lalo na ang mga consumer ng Poblacion Waterworks Station, na tiyaking sarado ang kanilang mga gripo upang maiwasan ang pagbaha sakaling bumalik na ang normal na suplay ng tubig sa kanilang mga tahanan.

Asahan natin na sa muling pagbabalik ng normal na suplay ng tubig sa ating mga tahanan, hindi agad ito magiging maganda, malinaw o kaaya-ayang tingnan.

Sa kadahilanang ito, humihingi ang Lokal na Pamahalaan ng Burgos ng lubos na pang-unawa at paumanhin sa mga consumer ng Poblacion Waterworks Station.

/JNOblanca (PIO)


Yan po ang updates ng ating katubigan mga minamahal natin na consumers...
02/06/2025

Yan po ang updates ng ating katubigan mga minamahal natin na consumers...

02/06/2025
29/05/2025

PAUNAWA

29/05/2025

PAUNAWA
Nais po naming ipaalam na kasalukuyan pong ginagawa ng buong pamunuan ng BMWS at ng Lokal na Pamahalaan ang lahat ng paraan sa agarang panunumbalik ng aming normal na serbisyo. Dahil sa hindi matukoy ang hangganan ng pinsalang dulot sa mga kagamitan ng pagtama ng kidlat kahapon, Ikinalulungkot po naming ipaalam na hindi po agarang maayos ang ating supply ng tubig. Aabutin po ng ilang araw ang pagsasaayos, kung kayat pinapayuhan namin ang ating mga apektadong kababayan na gumawa muna ng mga pansamantalang solusyon upang magkaroon ang kanilang kabahayan ng magagamit na tubig. Ang Don Matias Pumping Station ang tanging pinanggagalingan ng supply natin ng tubig sa kasalukuyan. At dahil sa limitadong kapasidad nito, pinapayuhan namin ang lahat na mga-ipon ng tubig sa mga service areas na nasa PUBLIC MARKET, NATIONAL ROAD, DON MATIAS AREA, A. BONILLA ST., V. BRAGA ST., ALUDIG AREA, VITO CACAYASEN AREA na inaasahang sa gabi lang darating ang supply ng tubig na mag-ipon at laging i-check ang mga gripo kung aalis ng bahay.

Asahan po ninyo na ginagawa po namin ang aming makakaya upang agarang maibalik sa normal ang aming serbisyo. Lagi po kaming magbibigay ng abiso sa mga gagawin pong pagkumpuni ng ating nasirang pasilidad. Muli, kami po ay humuhingi ng inyong ibayong pag-intindi at pang-unawa sa anumang abalang dulot nito.
Maraming Salamat

29/05/2025

Magandang hapon po...Sa mga nagtatanong po kung kailan babalik ang supply ng tubig natin dpo namin masasabi kung kailan pero ginagawan po ng agarang sulosyon.Hindi lng kasi panel board ang may natamaan kundi pati motor nya po sa loob po.Hinihingi po namin ang inyong pang unawa.Salamat po

29/05/2025

FYI.....

Address

M. Ruiz Street , Poblacion
Burgos
2410

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Burgos, Pangasinan Waterworks posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share