08/06/2026
๐งญ MGA DAPAT GAWIN PAG MAY LINDOL
Kapag may lindol (earthquake), napakahalagang manatiling kalmado at alam mo ang mga tamang hakbang bago, habang, at pagkatapos ng lindol. Mga ka barangay, Narito ang mga dapat gawin:
๐ก BAGO ANG LINDOL
โMaghanda ng emergency kit na may lamang pagkain, tubig, flashlight, first aid kit, powerbank, cellphone at whistle.
โAlamin ang mga ligtas na lugar sa bahay, paaralan, o opisina.
โSiguraduhin na matibay at maayos ang bahay โ ipaayos ang mga bitak o sira.
โMakipag-usap sa pamilya tungkol sa evacuation plan at kung saan kayo magkikita kung magkahiwalay.
โMaghanda ng important documents sa waterproof bag.
๐ต HABANG LUMILINDOL
โManatiling kalmado at huwag tumakbo.
โDUCK, COVER, and HOLD โ yumuko, magtago sa ilalim ng matibay na mesa, at hawakan ito hanggang tumigil ang pagyanig.
โLumayo sa bintana, salamin, kabinet, at mabibigat na bagay na pwedeng bumagsak.
โKung nasa labas, lumayo sa mga gusali, puno, poste, at kable ng kuryente.
โKung nasa sasakyan, ihinto sa ligtas na lugar at huwag bumaba agad.
๐ข PAGKATAPOS NG LINDOL
โSuriin kung may nasugatan at bigyan ng paunang lunas kung kaya.
โPatayin ang kuryente, gas, at tubig kung may sira o tagas.
โLumayo sa mga gusali at tumungo sa maluwag na lugar.
โMag-ingat sa aftershocks โ huwag agad bumalik sa loob ng bahay o building.
โMakinig sa balita o opisyal na abiso mula sa mga awtoridad.
โKung nasa tabing-dagat, lumayo agad sa baybayin dahil posibleng may tsunami.
๐๐๐ PAALALA
Ang lindol ay hindi natin kayang pigilan, pero kaya nating paghandaan. Manatiling kalmado, alerto, at handa โ dahil ang kaalaman at kahandaan ang pinakamabisang sandata laban sa sakuna. ๐๐ช