06/08/2025
AUGUST 6, 2025 | WALK- THROUGH INSPECTION
Isinagawa ang walk- through inspection sa mga nagbebenta ng mga pagkain malapit sa paaralan ng BAI BAGONGAN PAGLAS ELEMENTARY SCHOOL kaninang alas 12 ng tanghali sa pangunguna ni Acting Punong Barangay Roslayni P. Piang, katuwang ang mga Barangay Kagawad, Lupong Tagapamayapa at Sangguniang Kabataan members upang masiguro na ligtas ang pagkain na binibenta malapit sa ating paaralan.
๐ฃ๐ฃPAALALA: Ipinagbabawal na ang pangbebenta ng mga pagkaing nakakasama sa kalusugan ng mga bata at panatilihing malinis ang mga binebentang pagkain.
Sa pangangalaga ng ating mga kabataan, sama-sama ang Barangay sa pagsusulong ng malusog na kinabukasan!