Mayor Khadafeh Toy Mangudadatu

Mayor Khadafeh Toy Mangudadatu An avenue to communicate with Mayor Khadafeh "Toy" Gaguil Mangudadatu of Pandag Municipality
(1)

I've just reached 45K followers! Thank you for continuing support. I could never have made it without each one of you. 🙏...
21/09/2025

I've just reached 45K followers! Thank you for continuing support. I could never have made it without each one of you. 🙏🤗🎉

11/06/2025

OPISYAL NA PAHAYAG
HINDI PA TAPOS ANG LABAN


Ukol sa Kalagayan ng mga Inihain Naming Election Protest sa Bayan ng Pandag

Ipinapaabot po namin sa publiko at sa aming mga tagasuporta na bagama’t unang hindi pinaboran at dinismiss ng Regional Trial Court ang mga election protest na aming inihain kaugnay sa 2025 National at Local Elections sa Bayan ng Pandag, ito ay hindi nangangahulugang tapos na ang aming paghahangad ng katotohanan at katarungan. Hindi pa tapos ang laban. Buo pa rin ang aming loob dahil pinahintulutan ng Regional Trial Court na umusad ang aming Notice of Appeal at inatasan nitong ipadala ang mga record ng kaso sa Commission on Elections (COMELEC), na siyang may kapangyarihan sa mga ganitong uri ng apela.

Ang makabuluhang hakbang na ito ay magsisilbing pagkakataon para sa COMELEC na pag-aralan at suriin ang kaso. Tiwala kami na sa pamamagitan ng prosesong ito, malalaman natin ang totoong pasya ng taumbayan ng Pandag. Hinihikayat namin ang mga tagasuporta na manatiling may pag-asa, mapagmatyag, at nagkakaisa habang ipinagpapatuloy natin ang marangal at makatarungang hangaring matiyak na bawat boto ay pinahahalagahan, at tinig ng bawat taga-Pandag ay binibigyang saysay.

Shukran.

30/05/2025

Jum’ah Mubarak!

Please be Guided!
26/05/2025

Please be Guided!

24/05/2025

WAKASAN NA ANG PANINIIL(tiraniya)
MAPADTIMBANG sa KAWAGIB NANDO iTOTOlu su BANTANG
MAGUINDANAO, MAGANDANOW

10/05/2025

OFFICIAL STATEMENT
MAYOR KHADAFEH “TOY” MANGUDADATU

On the Pandag Clash, False Accusations, and Biased News Reporting of

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Ta'ala Wabarakatuh!

Una sa lahat, nakikiramay po ako sa pamilyang nawalan ng mahal sa buhay na nasawi sa trahedyang naganap ngayong araw, May 10, 2025. Ako rin po ay nalulungkot sa mga nadamay at naapektuhan, kabilang ang mga pamilya na napilitang lumikas. Ang buhay ng bawat isa sa ating bayan ay mahalaga at hindi dapat maging biktima ng karahasang hindi naman nila pinili.

Hindi na po ito bago. Hindi na ito ang unang beses na ginamit ni Odjie ang ganitong istilo ng paninira laban sa akin at sa aming pamilya. Sa katunayan, marami na siyang isinampang kaso laban sa akin sa mga nakaraang taon. Lahat ay pawang gawa-gawa at halatang pulitikal ang motibo. Wala sa mga kasong iyon ang may matibay na ebidensya laban sa akin. Ginagamit lang ito para sirain ang pangalan ko at pahinain ang tiwala ng mga tao sa akin.

At ngayon, gamit ang Facebook Live ni Odjie Balayman, at ilang news outlets na hindi man lang kumukuha ng aking panig, ipinipilit na ako raw ay may private army at ako ang nasa likod ng karahasan. May mga ulat pa na sinadyang pinalabas na “Deadly Clash in Pandag: Student Killed, Families Displaced as Ousted Mayor Allegedly Orchestrates Attack Through Private Army” — habang wala ni isang tanong o panig ang kinuha mula sa akin o sa aming pamilya.

Ito po ang katotohanan: wala po kaming kinalaman sa kahit anong armadong grupo o pagsalakay. Hindi ho namin kailanman gagamitin ang dahas para makuha o manatili sa pwesto. Para din sa pagkakaalam ng lahat: Ako po ang kasalukuyang Mayor ng Pandag. Andito ako naninilbihan at hindi nagtatago kahit ano pa ang ibato nila sa akin.

Dahil dito, kami ay kikilos upang magsampa ng nararapat na legal na aksyon laban kay Odjie Balayman kaugnay sa kanyang mga mapanirang pahayag, kasinungalingan, at gawa-gawang akusasyon laban sa akin at sa aking pamilya. Panahon na para matigil ang ganitong klaseng pulitika ng paninira dito sa bayan ng Pandag. Hindi ito makakatulong sa ating bayan at lalo lamang nitong inilalagay sa panganib ang kapayapaan at pagkakaisa.

Kaya’t sa mga mamamahayag at news outlets: Panagutin din natin ang sarili natin. Ang tanging basehan ng kwento ninyo ay ang kalaban kong sa politika na halatang desperado na. This kind of one-sided and reckless reporting is a direct violation of the basic tenets of responsible journalism—TRUTH, ACCOUNTABILITY, and FAIRNESS. Hindi po ito ang klase ng pamamahayag na nararapat sa sambayanang Pilipino.

At sa aking mga kababayan at minamahal na mga taga-Pandag: huwag po tayong magpagamit. Huwag po tayong magpadala sa takot o paninira. Nakalulungkot ang mga nangyari, pero mas nakalulungkot kung hahayaang magpatuloy ang kasinungalingan.

Nananawagan din ako sa AFP, PNP, DILG, COMELEC, at mga kinauukulan na magsagawa po ng patas na imbestigasyon. Tukuyin ang totoo. Panagutin ang dapat managot—kahit sino pa siya.

Sa huli, ang katotohanan ang mananaig. At hindi kailanman matatalo ng intriga ang taong totoo ang layuning maglingkod.

MAYOR KHADAFEH “TOY” MANGUDADATU
Municipal Mayor, Pandag
May 10, 2025

Privileged and Honored to be part of this Historical Event…  Asalamo Alaykom  Bangsamoro
03/05/2025

Privileged and Honored to be part of this Historical Event…
Asalamo Alaykom Bangsamoro

Shukran ka Barangay Kayupo sa Mainit,Mapagmahal at kasing sarap ng Kamote at Saging na binayo (linupak) sa bisaya…  Maha...
03/05/2025

Shukran ka Barangay Kayupo sa Mainit,Mapagmahal at kasing sarap ng Kamote at Saging na binayo (linupak) sa bisaya… Mahal na mahal ko din kayo…

Alhamdulillah! Maraming maraming salamat mga minamahal kong Pandagueños sa Barangay Kabuling at Barangay Kayaga damang d...
01/05/2025

Alhamdulillah! Maraming maraming salamat mga minamahal kong Pandagueños sa Barangay Kabuling at Barangay Kayaga damang dama ko ang inyong pagmamahal… Mahal na Mahal ko din kayong lahat, Mula noon hangang ngayon sama sama pa din tayong harapin ang ano mang hamon upang labanan ang mga mapang api at mapag malabis sa Pandag..


29/04/2025

Alhamdulillah! pangen shukoor ako kano langon nu mga lukes pagali ko sa PANDAG Magsur. Inipa ilay no ando pinagedam no sa laki taman kano mga tang gapeda ando mga lukes, uloan tano a mana so Datu sa Talayan Incoming Governor Datu Ali Midtimbang su Vice Governor Ustaz Hisham Nando, so papedtayan tano a Congressman Esmael Toto Mangudadatu taman kano mga bisita ebpon sa embala bala a dalpa sa Magsur.Alhamdulillah! balasan kaw nu Allah swt. kano kinan jihad nu sa oras ando su mayaw na senang na dala nu imbuko sabap kano limo ando lilini nu kano UBJP.

UBJP PFP GRAND PROCLAMATION RALLY PANDAPAT PANDAG!
29/04/2025

UBJP PFP GRAND PROCLAMATION RALLY PANDAPAT PANDAG!

Address

Malangit
Buluan

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+63644212149

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Khadafeh Toy Mangudadatu posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share