LGU-BulalacaoSerbisyong May Puso at Malasakit-SMPM

LGU-BulalacaoSerbisyong May Puso at Malasakit-SMPM Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from LGU-BulalacaoSerbisyong May Puso at Malasakit-SMPM, Government Organization, poblacion, Bulalacao.

PAUNAWA:Sa lahat po na nagpalista sa BIGMAC pero hindi napasama sa AKAP, kayo po ay priority na mapasama sa AICS na nahi...
01/09/2024

PAUNAWA:

Sa lahat po na nagpalista sa BIGMAC pero hindi napasama sa AKAP, kayo po ay priority na mapasama sa AICS na nahingi ng ating Punong Bayan Hon. Ernilo C. Villas sa mga senador.

Magkakaroon parin po ng VALIDATION para sa nasabing listahan.

Para naman po sa mga hindi nakapag-palista, wala pa po kami bagong schedule para dito.

Kung kayo po ay nasa unang listahan pero nawala sa final list, ito po ang mga kadahilanan:
1. Kayo po ay na-tag na 4ps beneficiary
2. Kayo po ay kabilang sa livelihood settlement grant( para po ito sa mga navalidate sa barangay)
3. Kayo po ay nakakuha ng AICS/AKAP mula sa DSWD sa loob ng tatlong buwan.

Kung kayo po ay natanggal ngunit wala sa alin mang nabanggit na tatlong dahilan, magiging priority po kayo sa 2nd batch ng assistance.

Maraming Salamat po sa inyong malawak na pang-unawa.

PAALALA PARA SA VALIDATION&PAYOUT NG AYUDA SA KAPOS ANG KITA PROGRAM (AKAP):1. SCHEDULE:September 2 (Regional Evacuation...
31/08/2024

PAALALA PARA SA VALIDATION&PAYOUT NG AYUDA SA KAPOS ANG KITA PROGRAM (AKAP):

1. SCHEDULE:
September 2 (Regional Evacuation Center)
Barangay Bagong Sikat
Barangay Balatasan
Barangay Benli
Barangay Cabugao
Barangay Cambunang
Barangay Campaasan
Barangay Maasin

September 3 (Regional Evacuation Center)
Barangay Maujao
Barangay Milagrosa
Barangay Nasucob
Barangay Poblacion

September 4 (Poblacion Fishport Covered Court)
Barangay San Francisco
Barangay San Isidro
Barangay San Juan
Barangay San Roque

2. Mga dapat dalhin:
A. Original&Photocopy ng VALID ID (hindi expired, may birthday, bulalacao and address at parehas ang spelling ng pangalan sa listahan)
B. CERTIFICATE (makukuha sa barangay secretary)
> Certificate of Employment- Para po ito sa trabaho na mayroong amo. Papipirmahan ang Certificate sa inyong employer.
>TODA Certificate- Para po ito sa mga myembro ng TODA. Papipirmahan po ito sa TODA President.
>ATTESTATION- Para po ito sa mga trabaho na walang amo, o kaya may maliit na negosyo. Papipirmahan po ito sa sector na inyong kinabibilangan, sa kapitan at sa MSWDO.

3. Papayagan ang representative (asawa,nanay,tatay) basta kasama sa bahay. Ang mga requirements na dadalhin ay ipapangalan sa representative.

4.Magbaon ng pagkain,tubig at mahabang pasensya. Asahan po natin ang mahabang pila.

5. Kung nasa unang listahan po kayo at nawala sa final na listahan, ibig sabihin kayo po ay 4ps o kasama sa Livelihood Settlement Grant (LSG)

Ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ay mula sa program ng DSWD na nahingi ng ating Punong Bayan Hon. Ernilo C. Villas at nagkakahalaga ng 5 Milyong Piso para sa 1,500 beneficiaries.

Manatiling naka follow sa page ng Bulalacao Public Information para sa listahan.

📍PABATID📍Ang mga pangalan sa listahan ay beneficiary ng Livelihood Settlement Grant at hindi na mapapabilang sa AKAP Pay...
29/08/2024

📍PABATID📍
Ang mga pangalan sa listahan ay beneficiary ng Livelihood Settlement Grant at hindi na mapapabilang sa AKAP Payout sa September 2-4,2024

DSWD-AKAP  VALIDATION-PAYOUT FAQ:1.Nasaan ang masterlist?-Ang masterlist po ay makikita sa inyong mga barangay. Naibigay...
28/08/2024

DSWD-AKAP VALIDATION-PAYOUT

FAQ:
1.Nasaan ang masterlist?
-Ang masterlist po ay makikita sa inyong mga barangay. Naibigay na po namin ang kopya sa inyong barangay secretary

2.Paano pag hindi makaka punta ang nasa listahan?Pwede pa ba mapalitan?
-kung hindi makaka punta, hindi po ito pwedeng ilipat sa iba.

3.Ano ang mga dapat dalhin sa validation-payout?
A.hoto copy ng valid ID(buong pangalan, address, birthday at hindi expired) KAILANGANG TUGMA ANG PANGALAN NA NASA ID AT NASA MASTERLIST.KUNG MAY MALI SA SPELLING,MAG PROVIDE NG DISCREPANCY/CERT OF SAME PERSON MULA SA BARANGAY.

B. Certificate of Employment/certification/attestation(alin man sa tatlo) ITO AY KUKUNIN SA BARANGAY HALL.

4. Paano kung nakatanggap na ng AICS galing DSWD) sa loob ng Tatlong buwan? (June, July, August) pero nasa listahan?
-hindi po makaka tanggap ng AKAP kahit nasa listahan kapag nakatanggap na ng Aics galing DSWD.

5.Paano kapag nakatanggap na ng AICS galing MSWDO-LGU Bulalacao?
-Wala pong problema, makukuha po ninyo ang assistance galing sa AKAP kung sa BIGMAC o sa MSWDO Bulalacao kayo nakakuha ng AICS.

6.Saan at kelan ang validation-payout?
-sa Sept. 2-4 sa Regional Evacuation Center. 8:00 am ONWARDS

7.Paano po ang mga nagpalista pero wala sa masterlist?
-ang mga nag palista sa BIGMAC na hindi napasama sa AKAP masterlist ay ililista sa iba pang financial Assistance ng DSWD. P**i hintay ang iba pang announcement tungkol dito.

Maraming Salamat po.

Medical Assistance ba ang kailangan mo para sa:âś…Laboratory Servicesâś…Hospital Billâś…Chemotherapyâś…DialysisTumawag o mag txt...
04/08/2024

Medical Assistance ba ang kailangan mo para sa:
âś…Laboratory Services
âś…Hospital Bill
âś…Chemotherapy
âś…Dialysis

Tumawag o mag txt sa mga numerong nasa baba para kayo ay aming matulungan.
0966-028-1259
0966-028-1255
0917-886-6156

Pwede ding mag PM sa aming FB messenger Maip Bulalacao o mag email sa [email protected]

Meron pong mahigit 60 hospitals na nagbibigay ng serbisyo na kailangan ninyo. Hatid na serbisyo ng DOH sa patuloy na pakikipag ugnayan ng LGU Bulalacao.

TURN-OVER CEREMONY: Project LAWA at BINHINitong Hulyo 11, 2024 ay pormal na ngang isinalin sa Lokal na Pamahalaan ng Bul...
13/07/2024

TURN-OVER CEREMONY: Project LAWA at BINHI

Nitong Hulyo 11, 2024 ay pormal na ngang isinalin sa Lokal na Pamahalaan ng Bulalacao ang Proyektong Local Adaptation to Water Access (LAWA) at Breaking Insufficiency through Nutritious Nutritious Harvest for the Impoverished (BINHI) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Layunin ng proyektong ito na pagtibayin ang kakayahan ng mga mamamayan upang labanan ang epekto ng kakulangan sa tubig at pagkain dahil na rin sa naranasang mahabang tagtuyot.

Patuloy pa rin ang pagsusumikap ng ating Mahal na Punong Bayan Engr. Ernilo C. Villas na makakuha ng iba't ibang proyekto mula sa iba't ibang ahensya ng gobyerno upang patuloy na makatugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.

Kayo ba ay may sakit?Kayo ba ay kasalukuyang nasa hospital?Kayo ba ay kinakailangan ng gamutan?Wag kayong mag-alala..Ang...
12/07/2024

Kayo ba ay may sakit?
Kayo ba ay kasalukuyang nasa hospital?
Kayo ba ay kinakailangan ng gamutan?

Wag kayong mag-alala..

Ang Lokal na Pamahalaan ng Bulalacao ay nakipag-ugnayan sa Kagawaraan ng Kalusugan upang ang bawat Bulalacaonon ay matulungan lalo na sa panahon ng karamdaman.

Kaya naman, para sa mga kababayan natin maari kayong tumawag o mag txt sa numerong 09763920105/09121074145 o mag email sa [email protected] para sa inyong mga bayarin sa hospital.

Maroon pong 60 hospitals na ka partner natin sa buong region ng MIMAROPA Kabilang ang ilang hospital sa Batangas, Lucena, Quezon City.


Kayo ba ay may sakit?Kayo ba ay kasalukuyang nasa hospital?Kayo ba ay kinakailangan ng gamutan?Wag kayong mag-alala..Ang...
12/07/2024

Kayo ba ay may sakit?
Kayo ba ay kasalukuyang nasa hospital?
Kayo ba ay kinakailangan ng gamutan?

Wag kayong mag-alala..

Ang Lokal na Pamahalaan ng Bulalacao ay nakipag-ugnayan sa Kagawaraan ng Kalusugan upang ang bawat Bulalacaonon ay matulungan lalo na sa panahon ng karamdaman.

Kaya naman, para sa mga kababayan natin maari kayong tumawag o mag txt sa numerong 09763920105/09121074145 o mag email sa [email protected] para sa inyong mga bayarin sa hospital.

Maroon pong 60 hospitals na ka partner natin sa buong region ng MIMAROPA Kabilang ang ilang hospital sa Batangas, Lucena, Quezon City.

Address

Poblacion
Bulalacao

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGU-BulalacaoSerbisyong May Puso at Malasakit-SMPM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share