09/04/2026
π«π’ PAALALA SA LAHAT NG MOTORISTA AT NEGOSYANTE!
Alinsunod sa Municipal Ordinance No. 19-08-238 ng Bayan ng Bulalacao, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaan ng mga malalaking sasakyan at kagamitan sa loob ng mismong town proper upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at maayos na daloy ng trapiko.
π MGA SASAKYANG HINDI PINAPAYAGAN:
β Mga sasakyang may kargang hayop (livestock)
β Closed vans
β Mga sasakyang walang mahalagang dahilan sa pagpasok sa bayan
β Farm equipment (baler, combine, cultivator, tractor, thresher, at iba pa)
β Heavy equipment (backhoe, bulldozer, cement mixer, crane, excavator, at iba pa)
β Trailers (ATV, cargo, chemical, car/motorcycle carrier, at iba pa)
β Trucks (delivery, dump, tanker, flatbed, tow truck, at iba pa)
π PAALALA:
Ang lahat ng nabanggit na sasakyan ay dapat dumaan sa BYPASS ROAD sa lahat ng oras, maliban kung:
βοΈ May emergency o kalamidad
βοΈ May legal na proyekto na may kaukulang permit
βοΈ May delivery ng produkto sa loob ng bayan
βοΈ May ibang valid na dahilan alinsunod sa ordinansa
β οΈ MGA PARUSA SA PAGLABAG:
πΈ Multang β±2,500.00 o community service na hindi bababa sa 40 oras, o pareho
πΈ Posibleng kumpiskahin ang driverβs license o plaka habang iniimbestigahan
π° PARAAN NG PAGBABAYAD:
Ang multa ay babayaran sa Municipal Treasury Office (MTO) na mag-iisyu ng opisyal na resibo.