02/09/2026
Noong nakaraang buwan ng Agosto, matagumpay na isinagawa ang National Certificate (NC) II Certification in Bread and Pastry Production na nilahukan ng mga San Rafaeleños. Ang mga kalahok ay sumailalim sa masusing pagsasanay at hands-on skills development bilang paghahanda sa kanilang certification assessment. Sa pagtatapos ng programa, nakamit ang 100% passing rate, na nagpapakita ng kanilang sipag, dedikasyon, at kahandaan na gamitin ang kanilang mga bagong kasanayan bilang dagdag na oportunidad sa kabuhayan.
Bilang bahagi rin ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan, nakibahagi ang Public Employment Service Office (PESO) sa pamamagitan ng pagbibigay ng skills training sa mga Boy and Girl Officials, partikular sa Bread and Pastry Production. Layunin nitong mahubog ang kanilang praktikal na kasanayan at mabigyan sila ng dagdag na kaalaman na maaari nilang magamit sa hinaharap bilang potensyal na pagkakakitaan.
Samantala, ang Barangay Banca-Banca ay nagkaroon din ng Beauty Care Training Community-Based Training sa barangay Poblacion noong Agosto, na naglalayong magbigay sa mga residente ng alternatibong livelihood skills at dagdag na oportunidad para sa self-employment o pagkakaroon ng sariling pagkakakitaan.
Patuloy ang Municipal Government of San Rafael sa pagpapatupad ng mga livelihood at skills development programs para sa mga San Rafaeleño. Sa pamamagitan ng PESO at pakikipagtulungan sa mga kaukulang ahensya at sektor, layunin ng mga programang ito na hindi lamang magbigay ng training kundi makalikha ng mas maraming oportunidad para sa trabaho, negosyo, at pangmatagalang kabuhayan.
Ang mga programang ito ay patuloy na naisasakatuparan sa pamamagitan ng tulong at suporta ng ating Punong Bayan, Mayor Cipriano D. Violago, Jr., bilang bahagi ng kanyang patuloy na pagsusulong ng mga programang nagbibigay-kakayahan at oportunidad sa bawat San Rafaeleño.