24/09/2026
PAGBATI AT PASASALAMAT SA ATING MGA SITIO LEADER VOLUNTEERS!
Mula sa ating Punong Barangay ANDREW L.DEL ROSARIO ay ang pagbati sa ating mga Sitio Leader Volunteers na buong malasakit at kusang-loob na naglalaan ng kanilang oras para sa pagbabantay, pagtulong at pagseserbisyo sa ating barangay.
Ang inyong pagiging aktibo, maaasahan at laging handang tumulong ay malaking bahagi ng pagpapanatili ng katahimikan, kaayusan at pagkakaisa sa inyong sitio.
Kayo ay tunay na katuwang ng Pamahalaang Barangay sa pagbibigay,pagtugon at pangangalaga ng ating mga kabarangay.
Maraming salamat sa inyong oras, pagsisikap at malasakit. Ang inyong simpleng paglilingkod ay malaking ambag para sa isang mas ligtas, maayos na Sitio Bagio at sa buong Barangay Bagumbayan.
Mabuhay ang ating mga Sitio Leader Volunteers!