Team ML

Team ML Ang Team ML ay naglalayong mag-MULAT ng makatotohanang paglilingkod sa Barangay Cay-Pombo. Laging uunahin ang Interes ng Mamamayan.

MAMAMAYAN UNA SA LAHAT- ay isang kilusan na naglalayong mag-MULAT ng makatotohanang paglilingkod sa Barangay Cay-Pombo. Ang aming pangkat ay pinangungunahan ng tumatakbong Punong Barangay Mona Mateo, bunsong kapatid ng ating mahal na yumaong Kapitan Ato Mateo. Kasama ang mga masisipag na tumatakbong kagawad na sina Albert Mateo, Salie Bautista, Jun Dela Cruz at Mario Gumatay, at kasama din ang m

ga matatalino at puno ng talentong mga kabataan sa pangunguna ng tumatakbong SK Chairman Lemuel Francisco at mga SK kagawad na sina, Charie Flores, Kenshin Sayson, Khenrei Santos, Ayban Vencio, Juniel Intal at Ace Mendoza.

20/03/2026

Maligayang Eid Mubarak sa ating mga kapatid na Muslim! 🌙✨

Nawa’y ang banal na pagdiriwang na ito ay maghatid ng kapayapaan, pagmamahalan, at kasaganaan sa inyong mga tahanan. Saludo kami sa inyong pananampalataya, sakripisyo, at patuloy na pagbibigay inspirasyon sa iba.

Sa araw na ito ng pasasalamat at pagbibigayan, nawa’y mapuno ang inyong puso ng saya at ang inyong pamilya ng walang hanggang biyaya.

Eid Mubarak! 💚

16/03/2026

🎉 Mula sa Mamamayan Una Sa Lahat Family, binabati ka namin ng isang Maligayang Kaarawan, Kapitana Ramona Mona Mateo! 🎂💚

Nawa’y maging masaya at puno ng magagandang alaala ang araw na ito. Salamat sa pagiging inspirasyon at sa kabutihang palagi ninyong ipinapakita sa ating mga mamamayan.

Hiling namin ang patuloy na magandang kalusugan, kasiyahan, at maraming blessings sa bawat araw ng inyong buhay. Maging puno sana ng tawa, pagmamahal, at saya ang bagong taon na darating para sa inyo! ✨😊

07/03/2026

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐮𝐚𝐧 𝐝𝐞 𝐃𝐢𝐨𝐬! 🙏🎉

Ang San Juan de Dios ay kinikilalang 𝐩𝐚𝐭𝐫𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚. Nawa’y magsilbing inspirasyon sa ating lahat ang kanyang 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐭𝐢𝐡𝐚𝐧, 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭, at 𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐰𝐚.

Ang 𝐌𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐔𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐋𝐚𝐡𝐚𝐭 ay taos-pusong nakikiisa sa buong komunidad ng 𝐁𝐥𝐞𝐬𝐬𝐞𝐝 𝐒𝐚𝐜𝐫𝐚𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐏𝐚𝐫𝐢𝐬𝐡 at sa lahat ng mamamayan ng 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐂𝐚𝐲 𝐏𝐨𝐦𝐛𝐨 sa pagdiriwang ng kapistahang ito.

Dalangin namin na patuloy na pagpalain ng Diyos ang ating pamayanan ng kalusugan, pagkakaisa, at kapayapaan.

Maligayang Kapistahan! 🎊
Pagpalain nawa tayong lahat sa pamamagitan ng panalangin ni San Juan de Dios. 🙏

25/02/2026

🇵🇭💚 IKA-40 TAON NG EDSA PEOPLE POWER 💚🇵🇭

Ngayong ika-40 anibersaryo ng makasaysayang EDSA People Power, ating ginugunita ang lakas ng pagkakaisa ng sambayanang Pilipino. Isang mapayapang rebolusyon na nagpatunay na ang tunay na kapangyarihan ay nasa mamamayan.

Sa panahong hinaharap natin ang iba’t ibang hamon, nawa’y magsilbing paalala ang EDSA na kapag tayo’y nagkakaisa para sa tama, walang imposible.

💚 Mamamayan Una sa Lahat.
Para sa bayan. Para sa kinabukasan.



18/02/2026

🟢 Ash Wednesday | Mamamayan Una sa Lahat

Ngayong Araw ng Miyerkules ng Abo, sama-sama tayong magnilay at magbalik-loob sa Diyos.
Panahon ito ng pagsisisi, pag-aayuno, at taimtim na panalangin.

Nawa’y magsilbi itong paalala na sa kabila ng lahat, ang pananampalataya at kabutihan ang ating gabay tungo sa mas maayos at makataong komunidad.

🙏 Isang mapagpalang Ash Wednesday sa ating lahat.

Happy Birthday, Konsi Jayson! 🥳🎉🎂
23/01/2026

Happy Birthday, Konsi Jayson! 🥳🎉🎂

Maligayang Kaarawan, Konsi Jayson Ato Mateo!
Pagbati mula sa Mamamayan Una Sa Lahat 💚💚💚










Address

Cay-Pombo
Bulacan
3022

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Team ML posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Team ML:

Share