16/06/2026
Sa patuloy na pagtutulungan ng ating mga lokal na pinuno at mga tagapamahala ng edukasyon, mas napapalakas ang mga programang nagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral.
Lubos po kaming nagpapasalamat kay Mayor Bartolome "Omeng" Ramos sa kanyang pagkakaloob ng mga medical equipment na malaking tulong sa pangangalaga ng kalusugan ng aming mga mag-aaral at kawani ng paaralan.
Taos-puso rin po naming pinasasalamatan ang aming District Supervisor, Dr. Cecilia P. Buenaventura, sa kanyang suporta at pagsisikap upang maisakatuparan ang pagkakaloob ng mahalagang kagamitang ito.
Ang inyong malasakit at patuloy na suporta sa sektor ng edukasyon ay tunay na nagbibigay-inspirasyon sa aming buong komunidad ng paaralan.
Maraming salamat po sa inyong kabutihan at dedikasyon sa paglilingkod!