BulSUONE Meneses

BulSUONE Meneses Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BulSUONE Meneses, Political organisation, Triple Junction subdivision, Matungao, Bulacan.

KAISA ANG CPTED SA LABAN TUNGO SA TUNAY NA MAPAGPALAYANG PAMANTASANPormal nang inihain ng BulSUONE sa Administrasyon ang...
24/08/2026

KAISA ANG CPTED SA LABAN TUNGO SA TUNAY NA MAPAGPALAYANG PAMANTASAN
Pormal nang inihain ng BulSUONE sa Administrasyon ang isang petisyon na naglalayong repasuhin at baguhin ang mga inilabas na alituntunin ng College of Professional Teacher Education (CPTED) patungkol sa dress code at grooming.
Kinikilala at ginagalang natin ang layunin ng kolehiyo na hubugin ang pagiging propesyonal ng mga future educators. Ngunit, mariin nating iginigiit na ang disiplina, kakayahan, at propesyonalismo ay hindi kailanman masusukat sa haba ng buhok, sa paggamit ng makeup, o sa kung paano ipinapahayag ng isang estudyante ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pananamit. Ang tunay na propesyonalismo ay nakikita sa pag-uugali, respeto sa kapwa, at dedikasyon sa pag-aaral.
Upang maprotektahan ang kalayaan at karapatan ng mga estudyante laban sa mga alituntuning nagiging kadena ng diskriminasyon, ipinapanawagan ng petisyon ang mga sumusunod:
1. Pagrepaso sa Prohibition ng "Cross-Dressing": Ang pananamit ay hindi basehan ng kakayahang magturo at matuto. Kung pinapayagan ito sa mga espesyal na okasyon tulad ng College Night, walang sapat at rasonableng dahilan upang ipagbawal ito sa mga regular na araw ng pasok.
2. Muling Pagsusuri sa Hair Restrictions: Ang mahigpit na panuntunan na nagbabawal sa paghaba ng buhok ng mga lalaking mag-aaral ay dapat ibasura. Ang haba ng buhok ay hindi tumutukoy sa kalinisan, disiplina, o kapasidad bilang isang g**o.
3. Pag-alis sa Ban sa Cosmetics: Ang pagiging presentable ay walang pinipiling kasarian. Walang masama sa paggamit ng makeup o lipstick (tulad ng foundation o concealer) ng mga lalaking estudyante dahil hindi ito nakakasagabal sa kahit na anong academic activity.
4. Bukas na Diyalogo sa Pagitan ng Admin at Estudyante: Hinihiling natin na magkaroon ng malinaw at bukas na usapan ang CPTED administration at ang mga student representatives upang makabuo ng mga patakarang tunay na ligtas, makatao, at inklusibo.
5. Pagsuspinde sa mga Sanctions: Habang isinasagawa ang pagrepaso at dayalogo, hinihiling natin na huwag munang patawan ng parusa, pagbawalan pumasok, o i-discriminate ang mga estudyanteng hindi sumusunod sa mga nasabing restriksyon sa panlabas na anyo.
Ang isang pamantasan ay dapat nagsisilbing ligtas na espasyo kung saan malayang nakikilala ng mga estudyante ang kanilang sarili. Hindi dapat maging kapalit ng edukasyon ang pagkitil sa ating pagkatao.
Patuloy tayong maninindigan para sa mga patakarang rumerespeto sa pagkakaiba-iba at nagtataguyod ng pantay na pagtingin para sa lahat ng Iskolar ng Bayan!
Access the full petition letter here: https://tinyurl.com/eau2wpj4

14/08/2026

Nagkakaisang Tinig ng mga BulSUans Laban sa PAX SILICA, Pormal nang Isinumite sa Tanggapan ni Senator Risa Hontiveros

Sa pangunguna ng BulSU SG Chairperson Senator Paul Bajado, pormal nang ipinaabot sa Tanggapan ni Senator Risa Hontiveros ang kolektibong posisyon ng BulSU Student Government Committee , BulSU Student Government – Environmental Committee, mga Local Student Councils, Student Organizations, at mga mag-aaral ng BulSU bilang panawagan para sa pagbabasura ng PAX SILICA Project.

Kasunod ito ng paghahain ni Senator Risa Hontiveros ng resolusyon sa Senado upang imbestigahan ang PAX SILICA at ang mga posibleng epekto nito sa kalikasan, mamamayan, at bansa. Kaugnay nito, naimbitahan din ang BulSU SG Environmental Committee sa pagdinig ng Senado upang direktang marinig at bitbitin ang paninindigan ng mga BulSUan hinggil sa usapin.

Mula sa Pamantasan hanggang sa Senado, bitbit ang isang nagkakaisang paninindigan: hindi dapat isantabi ang kalikasan at kapakanan ng mamamayan sa ngalan ng diumano’y pag-unlad.

Patuloy nating palalakasin ang tinig ng mga BulSUan at mag-aaral sa mga usaping may direktang epekto sa ating kinabukasan.

𝗑𝗒 𝗧𝗒 π—•π—¦π—žπ—˜ π—£π—’π—¦π—§π—£π—’π—‘π—˜π— π—˜π—‘π—§: π—§π—›π—˜ π— π—”π—‘π——π—”π—§π—˜ π—œπ—¦ π—œπ—‘ π—§π—›π—˜ π—•π—”π—Ÿπ—Ÿπ—’π—§, 𝗑𝗒𝗧 π—œπ—‘ π—–π—’π—‘π—šπ—₯π—˜π—¦π—¦!Higit 100 kabataan, youth organizations, at mga i...
14/08/2026

𝗑𝗒 𝗧𝗒 π—•π—¦π—žπ—˜ π—£π—’π—¦π—§π—£π—’π—‘π—˜π— π—˜π—‘π—§: π—§π—›π—˜ π— π—”π—‘π——π—”π—§π—˜ π—œπ—¦ π—œπ—‘ π—§π—›π—˜ π—•π—”π—Ÿπ—Ÿπ—’π—§, 𝗑𝗒𝗧 π—œπ—‘ π—–π—’π—‘π—šπ—₯π—˜π—¦π—¦!

Higit 100 kabataan, youth organizations, at mga indibidwal ang nagkaisa sa panawagan na ituloy ang 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections. Hindi dapat ipagpaliban ang halalan. Hindi dapat palawigin ang termino nang walang panibagong mandato mula sa taumbayan.

Kasama ang Akbayan Youth, Model SK Network (MSK), Center for Youth Advocacy and Networking (CYAN), Philippine Anti-Discrimination Alliance of Youth Leaders (PANTAY), Youth Against Kurakot, at iba pang mga organisasyon at indibidwal, naninindigan tayo: ang mandato ay nasa balota, wala sa Kongreso.Hindi pa huli para makiisa. Dagdagan pa natin ang bilang ng mga kabataang handang manindigan para sa karapatang bumoto.

Kung ikaw ay parte ng isang youth organization, youth leader, o indibidwal na sumasang-ayon, makiisa at maging signatory sa Unity Statement.

See full statement here: https://tinyurl.com/49k4njnx

MALAKING KALTAS-PONDO, NAGBABANTA SA BULSU NGAYONG 2027!Matapos ang ating naging matagumpay na pagkalampag at pagpapasa ...
14/08/2026

MALAKING KALTAS-PONDO, NAGBABANTA SA BULSU NGAYONG 2027!

Matapos ang ating naging matagumpay na pagkalampag at pagpapasa ng position paper sa House of Representatives, isang malaking hamon ang muling kinakaharap ng ating pamantasan. Inilabas na ang panukalang badyet para sa taong 2027, at malinaw ang posisyon ng pambansang gobyerno sa pagkakait sa sapat na pondo para sa mga Iskolar ng Bayan.

Batay sa opisyal na National Expenditure Program document para sa BulSU, asahan natin ang higit β‚±181 milyong pisong kaltas sa kabuuang pondo ng ating pamantasan. Ang Total Agency Budget ng BulSU para sa kasalukuyang taong 2026 ay nagkakahalaga ng β‚± 2,109,744,000. Para sa panukalang badyet ng taong 2027, ibinaba ito sa β‚± 1,928,510,000. Pinakamatindi ang kaltas sa Capital Outlays ng pamantasan, na nagkakahalaga na lamang ng β‚± 101,360,000 para sa 2027.

Ano ang ibig sabihin ng lantarang kaltas-pondong ito para sa mga ordinaryong BulSUan? Ayon mismo sa ating Agenda 1, ang kaltas-pondong ito ay lantarang pagtalikod ng estado sa mandato ng Article XIV, Section1 ng ating Konstitusyon na protektahan at itaguyod ang karapatan ng bawat mamamayan sa de-kalidad at abot-kayang edukasyon.

Ang kakulangan sa pondo ay isang "manufactured scarcity" na direktang sumasagasa sa kalidad ng ating edukasyon. Libu-libong aplikante ang hindi matatanggap taon-taon β€” hindi dahil kulang sila sa galing, kundi dahil napipilitan ang pamantasan na maglagay ng artipisyal na enrollment cap bunsod ng kawalan ng pisikal at logistikal na kapasidad. Ang patuloy na hindi paglalaan ng sapat na Capital Outlay ay nagreresulta sa mga nag-uumapaw na klasrum, paggamit ng mga pasilyo bilang espasyo sa pag-aaral, at kakulangan sa armchairs at desks para sa mga nakapasok. Direktang manipestasyon din ng pag-ipit sa pondo at kawalan ng institusyonal na proteksyon sa gitna ng reorganisasyon ng pamantasan ang kinakaharap na banta sa College of Nursing, kung saan pilit silang inililipat mula sa Malolos Campus patungo sa San Rafael sa halip na palakasin at pondohan ang pananatili ng isang matagal nang kolehiyo. Ang patuloy na pag-ipit sa Personnel Services ay naglilimita sa permanenteng plantilla positions, na nagtutulak sa pamantasan na umasa sa mga contractual at part-time na g**o na nabibigyan ng hindi makatarungang dami ng teaching loads. Sa gitna ng krisis pang-ekonomiya, nananatiling underfunded ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) kung ikukumpara sa tunay na pangangailangan ng mga mag-aaral para sa transportasyon at internet connectivity.

Hindi natin maaaring tanggapin ang kakulangan sa pondo bilang isang normal na sitwasyon β€” sapagkat ang kakulangang ito ay direktang desisyon at patakaran ng estado, hindi isang aksidente lamang. Ang batayang karapatan natin sa edukasyon ay hindi isang pribilehiyo na pwedeng tawaran pababa taon-taon. Panahon na upang palakasin ang ating panawagan. Iisang boses nating igigiit na ang sapat na pondo ay isang batayang obligasyon ng estado, at nararapat na sundin ng gobyerno ang pamantayang 6% of GDP allocation para sa edukasyon na nirerekomenda ng UNESCO upang punan ang mga pangangailangan ng bawat SUC. Ang estado ay may pangako nang itayo nito ang Bulacan State University, at nandito tayo para siguruhing tutuparin nila ito. Isulong ang laban. Para sa edukasyon. Para sa bayan.

TULOY ANG LABAN!Isa na namang panibagong yugto ang ating sisimulan matapos ang opisyal na pagpapanibago ng pagkilala sa ...
14/08/2026

TULOY ANG LABAN!

Isa na namang panibagong yugto ang ating sisimulan matapos ang opisyal na pagpapanibago ng pagkilala sa BulSUONE bilang isang Main Campus-Wide-Based Organization, sa pamamagitan ng isinagawang Online Colloquium na pinangunahan ng Office of Student Organizations and Activities (OSOA).

Sa bawat hamon na kinakaharap ng ating pamantasan, patuloy tayong maninindigan. Sa bawat panawagan ng mga estudyante, patuloy tayong makikinig at kikilos, at sa bawat laban para sa isang progresibo, makamasa, at palaban na BulSU, patuloy tayong makikiisa.

Sa panibagong yugto ng BulSUONE, sama-sama nating ipagpapatuloy ang laban para sa mga BulSUan at para sa isang pamantasang tunay na nagsisilbi sa mga estudyante.

𝗑𝗒 𝗧𝗒 π—•π—¦π—žπ—˜ π—£π—’π—¦π—§π—£π—’π—‘π—˜π— π—˜π—‘π—§: π—§π—›π—˜ π— π—”π—‘π——π—”π—§π—˜ π—œπ—¦ π—œπ—‘ π—§π—›π—˜ π—•π—”π—Ÿπ—Ÿπ—’π—§, 𝗑𝗒𝗧 π—œπ—‘ π—–π—’π—‘π—šπ—₯π—˜π—¦π—¦!Higit 100 kabataan, youth organizations, at mga i...
13/08/2026

𝗑𝗒 𝗧𝗒 π—•π—¦π—žπ—˜ π—£π—’π—¦π—§π—£π—’π—‘π—˜π— π—˜π—‘π—§: π—§π—›π—˜ π— π—”π—‘π——π—”π—§π—˜ π—œπ—¦ π—œπ—‘ π—§π—›π—˜ π—•π—”π—Ÿπ—Ÿπ—’π—§, 𝗑𝗒𝗧 π—œπ—‘ π—–π—’π—‘π—šπ—₯π—˜π—¦π—¦!
Higit 100 kabataan, youth organizations, at mga indibidwal ang nagkaisa sa panawagan na ituloy ang 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections. Hindi dapat ipagpaliban ang halalan. Hindi dapat palawigin ang termino nang walang panibagong mandato mula sa taumbayan.
Kasama ang Akbayan Youth, Model SK Network (MSK), Center for Youth Advocacy and Networking (CYAN), Philippine Anti-Discrimination Alliance of Youth Leaders (PANTAY), Youth Against Kurakot, at iba pang mga organisasyon at indibidwal, naninindigan tayo: ang mandato ay nasa balota, wala sa Kongreso.Hindi pa huli para makiisa. Dagdagan pa natin ang bilang ng mga kabataang handang manindigan para sa karapatang bumoto.
Kung ikaw ay parte ng isang youth organization, youth leader, o indibidwal na sumasang-ayon, makiisa at maging signatory sa Unity Statement.
See full statement here: https://tinyurl.com/49k4njnx

BULSU ADMIN, KALIGTASAN NG BULSUANS UNAHIN! HUWAG GAWING PENDING!Habang patuloy na binabagyo ng sakuna at baha ang ating...
10/08/2026

BULSU ADMIN, KALIGTASAN NG BULSUANS UNAHIN! HUWAG GAWING PENDING!
Habang patuloy na binabagyo ng sakuna at baha ang ating mga komunidad, hindi sapat ang patingi-tinging tugon. Ang pagpapalit lamang ng porma ng klase patungong Alternative Learning Modality (ALM) ay hindi tunay na suspensyonβ€”ito ay karagdagang pasanin sa mga estudyanteng nakikipagbakbakan sa kawalan ng kuryente, internet, at kaligtasan ng kanilang mga pamilya.
Upang tunay na maprotektahan ang buong komunidad ng Bulacan State University, mariin naming iginigiit ang bitbit naming 6-POINT DEMAND PARA SA BULSU ADMINISTRSTION
1. EXTEND THE SUSPENSION OF CLASSES
Suspension, not Alternative Learning Modality. Walang mag-aaral ang dapat piliting mag-aral at pumasa ng requirements habang inililigtas ang kanilang mga tahanan.
2. IMPLEMENT COMPREHENSIVE ACADEMIC EASE
I-freeze ang mga nakatakdang deadlines at alisin ang pressure sa mga huling submissions. Ang totoong academic ease ay nagpapakita ng pag-unawa sa mga mag-aaral na nawalan ng kakayahang tumutok sa akademya dahil sa kalamidad.
3. OPEN BULSU FACILITIES AS EMERGENCY EVACUATION SITES
Ang pamantasan ng bayan ay para sa bayan. Kinakailangang buksan ang mga ligtas na pasilidad ng BulSU upang magsilbing pansamantalang kanlungan para sa mga estudyante at kawani na naapektuhan at nawalan ng masisilungan.
4. PROVIDE SYSTEMATIC AND IMMEDIATE ASSISTANCE TO BULSU STUDENTS
Inaasahan ang administrasyon na manguna sa paglalatag ng malinaw na programa para sa relief at agarang tulong pinansyal o materyal sa mga mag-aaral na labis na nasalanta.
5. ESTABLISH A CLEAR AND RAPID EMERGENCY RESPONSE SYSTEM
Wala nang puwang para sa mga delayed na anunsyo. Kailangang magtatag ang pamantasan ng isang mabilis at maaasahang sistema ng komunikasyon at pagpapasya upang hindi na malagay sa alanganin ang mga bumibiyaheng estudyante at g**o.
6. PUT STUDENT, FACULTY, AND NON-TEACHING PERSONNEL SAFETY ABOVE ACADEMIC CONTINUITY
Buhay bago ang kalendaryo. Unahin ang kapakanan, kalusugan, at kaligtasan ng bawat miyembro ng komunidad bago ang anumang akademikong obligasyon.
Hindi hinihingi ng mga Iskolar ng Bayan ang simpatiya lamang; ang iginigiit natin ay pananagutan, empatiya, at agarang aksyon. BulSU Administration, pakinggan at tugunan ang tunay na kalagayan ng inyong mga nasasakupan!

LUMABAS KAYO SA INYONG MGA TUYONG OPISINA AT LUSUNGIN ANG BAHANG PINAPASALO NINYO SA MGA ESTUDYANTE!Sa bawat minutong lu...
05/08/2026

LUMABAS KAYO SA INYONG MGA TUYONG OPISINA AT LUSUNGIN ANG BAHANG PINAPASALO NINYO SA MGA ESTUDYANTE!
Sa bawat minutong lumilipas na walang malinaw na anunsyo ng suspensyon, inilalagay sa alanganin ang libu-libong BulSUan.
Habang hinihintay ang desisyon mula sa mga opisina ng pamantasan, marami nang estudyante ang kasalukuyang nakikipagsapalaran sa malakas na ulan, naglalakad sa mga baha, at nai-stranded sa mga terminal makapasok lamang.
Sa ganitong sitwasyon, hindi sapat ang mag-obserba lamang.
Ang kawalan ng maagap na suspensyon ay nagdudulot ng labis na pasanin at direktang panganib sa mga mag-aaral na pinipilit bumiyahe sa kabila ng mapanganib na kondisyon sa labas. Hindi natin dapat iasa sa "resilience" o pagtitiis ng mga estudyante ang patuloy na pag-andar ng klase sa gitna ng sama ng panahon.
Ang mga kalendaryo, pasok, at attendance ay maaari pang bawiin at gawan ng paraan, ngunit ang kaligtasan ng mga Iskolar ng Bayan ay hindi kailanman dapat isugal. Ang mga desisyon sa panahon ng sakuna ay dapat nakasandig sa aktuwal na hirap na nararanasan ng mga estudyante sa lansangan, hindi lamang sa kung ano ang mas pabor sa sistema ng unibersidad.
Kaya't mariin naming hinihikayat ang BulSU Administration na agarang magsuspende ng klase. Silipin ang tunay na kalagayan ng komunidad, pakinggan ang hinaing ng mga mag-aaral, at magpasya nang inuuna ang kaligtasan ng lahat. Huwag nang hintaying may mapahamak pang estudyante bago kumilos.
SUSPEND THE CLASSES NOW!

Nagkakaisang Pagtutol ng Bulacan State University Student Government – Environmental Committee, kaisa ang Student Counci...
31/07/2026

Nagkakaisang Pagtutol ng Bulacan State University Student Government – Environmental Committee, kaisa ang Student Councils, Student Organizations, at mga Mag-aaral ng Bulacan State University sa PAX Silica Project
Kami, ang Bulacan State University Student Government – Environmental Committee, kaisa ang Student Councils, student organizations, at mga mag-aaral ng Bulacan State University, ay nagpapaabot ng aming mariin at nagkakaisang pagtutol sa PAX Silica Project.
Hindi kami tutol sa pag-unlad, agham, o teknolohiya. Naniniwala kaming mahalaga ang inobasyon sa pagtataguyod ng pambansang kaunlaran. Gayunpaman, naninindigan kami na ang tunay na pag-unlad ay hindi dapat nakabatay sa pagsasamantala sa ating likas na yaman, pagpapalalim ng pagdepende sa dayuhang interes, o pagsasakripisyo sa kapakanan, kalikasan, at kinabukasan ng mamamayang Pilipino.
Ang PAX Silica ay isang pandaigdigang inisyatiba na pinangungunahan ng Estados Unidos na naglalayong palakasin ang supply chain ng artificial intelligence (AI), semiconductors, at critical minerals sa mga bansang itinuturing nitong "trusted allies." Bagama't ipinapangako nito ang paglikha ng trabaho at pagpasok ng mga dayuhang pamumuhunan, nananatiling seryoso ang mga usaping pangkapaligiran, pang-ekonomiya, at pampulitika na kaakibat ng naturang proyekto.
Una, malaki ang banta nito sa ating kalikasan at likas na yaman. Ang paggawa ng semiconductors at pagpapatakbo ng AI data centers ay nangangailangan ng napakalaking suplay ng tubig at enerhiya. Kasabay nito ang tumitinding pagmimina ng critical minerals na maaaring magdulot ng pagkakalbo ng kagubatan, pagkasira ng kabundukan, polusyon sa hangin at tubig, pagkawala ng biodiversity, at mas mataas na gastusin sa kuryente at iba pang pangunahing serbisyo. Sa gitna ng lumalalang krisis sa klima, hindi natin maaaring ipagpalit ang ating kapaligiran sa isang industriyang ang pangunahing pakinabang ay mapupunta sa mga dayuhang korporasyon.
Ikalawa, may panganib na lalo lamang maiipit ang Pilipinas sa tunggalian ng mga bansa. Bilang bahagi ng estratehiya ng Estados Unidos at Israel upang bawasan ang pagdepende nito sa China, maaaring mailagay ang Pilipinas sa gitna ng tumitinding tensiyong geopolitikal. Sa halip na palakasin ang ating pambansang soberanya, maaari tayong maging instrumento lamang sa kompetisyon ng mga dayuhang kapangyarihan habang ang mamamayang Pilipino ang sasalo sa mga panganib nito.
Ikatlo, walang katiyakan na tunay na makikinabang ang mga Pilipino sa industriyang ito. Malaki ang posibilidad na manatili lamang ang Pilipinas sa mababang antas ng produksyon gaya ng assembly at packaging ng microchips, habang ang pananaliksik, disenyo, mataas na teknolohiya, at malaking kita ay mananatili sa mga dayuhang kumpanya. Sa halip na itaguyod ang tunay na pambansang industriyalisasyon, pinananatili lamang tayo bilang murang lakas-paggawa at tagapagluwas ng hilaw na materyales.
Ikaapat, patuloy na pinapaboran ng ganitong mga proyekto ang mga dayuhang mamumuhunan sa pamamagitan ng malalaking tax incentives at iba pang insentibo, habang maliit ang naibabalik na kita para sa pampublikong serbisyo. Ang mga pondong dapat sana'y mapupunta sa edukasyon, kalusugan, at iba pang serbisyong panlipunan ay nalilihis upang bigyang-pribilehiyo ang malalaking dayuhang negosyo.
Bilang mga BulSUan at kabataang naninindigan para sa pangangalaga sa kalikasan, pambansang soberanya, at makatarungang pag-unlad, nananawagan kami ng:
- Tuluyang pagtigil at pagbasura sa PAX Silica Project, na nagsusulong ng isang modelo ng pag-unlad na higit na nakikinabang ang mga dayuhang kapangyarihan at malalaking korporasyon kaysa sa sambayanang Pilipino;
- Pagpapatupad ng isang komprehensibong National Artificial Intelligence (AI) Law na magtatakda ng malinaw na mga pananggalang na patakaran, mekanismo ng pananagutan, at mahihigpit na regulasyon sa pagpapaunlad at paggamit ng artificial intelligence, semiconductors, data centers, at iba pang umuusbong na teknolohiya upang matiyak na ang mga ito ay nagsisilbi sa pambansang interes, karapatang pantao, at pangangalaga sa kalikasan.
- Pagbuo ng isang Just Digitalization Roadmap na magtitiyak na ang digitalisasyon at modernisasyon ay magiging makatarungan, inklusibo, at nakasentro sa mamamayanβ€”hindi nag-iiwan sa mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, kabataan, Katutubo, at iba pang sektor habang isinusulong ang paglago ng ekonomiya;
Ganap na transparency sa lahat ng kasunduan, feasibility studies, environmental impact assessments, at iba pang dokumentong may kaugnayan sa proyekto;
- Paggalang sa karapatan ng mga Katutubo (Indigenous Peoples) at iba pang lokal na komunidad sa kanilang mga lupaing ninuno, kabilang ang mahigpit na pagpapatupad ng Free, Prior, and Informed Consent (FPIC) at pagtiyak na ang kanilang karapatan, kultura, kabuhayan, at kapaligiran ay hindi isinasakripisyo sa ngalan ng mga dayuhang pamumuhunan;
- Pagsusulong ng isang pambansang polisiya sa agham, teknolohiya, at industriyalisasyon na nakabatay sa pambansang soberanya, environmental justice, at kapakanan ng mamamayan, sa halip na sa interes ng mga dayuhang kapangyarihan at transnasyunal na korporasyon.
Hindi kami tutol sa teknolohiya. Ang aming tinututulan ay ang isang modelo ng digitalisasyon at "kaunlaran" na nagpapalalim sa pagdepende ng Pilipinas sa dayuhang interes, nagsasakripisyo sa kalikasan at sa karapatan ng mga komunidad, at hindi nagbubuo ng tunay na pambansang industriyalisasyon.
Naniniwala kami na ang tunay na pag-unlad ay hindi nasusukat sa dami ng dayuhang pamumuhunan o laki ng mga imprastraktura. Ang tunay na pag-unlad ay yaong nagpapalakas sa sariling kakayahan ng bansa, gumagalang sa ating soberanya, nangangalaga sa kalikasan, at inuuna ang kapakanan ng mamamayan kaysa sa interes ng mga dayuhang korporasyon
Higit kailanman, huwag nating hayaang makinabang ang mga dayuhan sa yaman ng ating bansa habang ang mga Pilipino ang patuloy na nawawalan ng bahagi sa sariling likas na yaman.
NO TO PAX SILICA!
PARA SA TUNAY NA MAKABAYAN AT MAKAKALIKASANG PAG-UNLAD!
Litrato mula sa proposed site ng PAX Silica AI Industrial hub sa New Clark City sa Capas, Tarlac na kinuha ni Michael Vargas | Philippine Star
https://www.facebook.com/share/p/1Bc2GdQy7p/

BULSU KONTRA PAX SILICA MOBILIZATIONNagtitipon ang mga BulSUan, progresibong organisasyon, at iba't ibang sektor sa Mini...
27/07/2026

BULSU KONTRA PAX SILICA MOBILIZATION
Nagtitipon ang mga BulSUan, progresibong organisasyon, at iba't ibang sektor sa Miniforest, Bulacan State University upang sama-samang ipahayag ang mariing pagtutol sa Pax Silica.
Sa harap ng mga polisiyang hindi tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan, hindi tayo mananahimik. Hindi tayo papayag na ang kinabukasan at kapakanan ng bayan ay maisantabi para sa mga proyektong hindi naman nakatuon sa kagyat na pangangailangan ng mamamayan.
Mula sa loob ng pamantasan, umaalingawngaw ang panawagan ng mga BulSUan:
NO TO PAX SILICA!
Ang laban para sa makabuluhang edukasyon, sapat na serbisyong panlipunan, at makatarungang paggamit ng pondo ng bayan ay laban ng bawat estudyante at mamamayan.
NO TO PAX SILICA!

Address

Triple Junction Subdivision, Matungao
Bulacan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BulSUONE Meneses posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share