07/09/2026
STANDARD FIRST AID AND BASIC LIFE SUPPORT | September 5, 2026
Kahit na masama ang panahon, nagpatuloy pa rin ang aming pagbibigay-kaalaman para sa mga kabataang Bulakenyo. 🌧️⛑️
Sa pagkakataong ito, isinagawa ang Standard First Aid and Basic Life Support (SFA-BLS) Orientation, isang mahalagang programa na naglalayong magbigay sa ating mga kabataan ng sapat na kaalaman at pangunahing kasanayan sa tamang pagtugon sa oras ng emergency.
Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, natutunan ng mga kalahok ang mga pangunahing prinsipyo ng First Aid, Basic Life Support, CPR, at iba pang life-saving techniques na maaaring maging malaking tulong sa oras na kinakailangan.
Ang programang ito ay isinagawa sa atas ng ating MDRRMC Chairman, Mayor Vergel C. Meneses, sa pangunguna ni MDRRM Officer 3 Ma’am Rosario C. Mariano, katuwang ang Local Youth Development Officer Mr. Adrian Del Rosario.
Bilang mga kabataan, hindi man natin alam kung kailan darating ang isang emergency, maaari nating piliing maging handa, maalam, at may kakayahang tumulong.
Dahil ang isang simpleng kaalaman sa First Aid at BLS ay maaaring maging pagkakataong makapagligtas ng isang buhay. 🫶🩹
Matuto. Maging Handa. Makapagligtas ng Buhay.
Kabataang Handa, Komunidad na Ligtas! 🛟♥️
#24/7AtYourService