Vice Mayor Aron Ronald Cruz

Directions

Vice Mayor Aron Ronald Cruz Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Vice Mayor Aron Ronald Cruz, Public Service, Bulacan.

Isang malugod at mapagpalang pagbati sa ika-112 taong Anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo!Ako po ay nakikiisa sa inyong buo...
27/07/2026

Isang malugod at mapagpalang pagbati sa ika-112 taong Anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo!

Ako po ay nakikiisa sa inyong buong kapatiran sa pagdiriwang ng makasaysayang araw na ito.

Nawa'y patuloy na pagpalain ang inyong buong kapatiran at gabayan ang pamamahala sa patuloy nitong pagtataguyod ng matibay na pananampalataya, pagkakaisa, at pag-ibig.


Hindi nalilimot ang mga yapak ng KATAPANGAN,�Na nagbukas ng landas tungo sa KALAYAANSa bawat tibok ng pusong MAKABAYAN,�...
11/06/2026

Hindi nalilimot ang mga yapak ng KATAPANGAN,�Na nagbukas ng landas tungo sa KALAYAAN
Sa bawat tibok ng pusong MAKABAYAN,�Ipagbunyi ang KASARINLAN sa lupang SINILANGAN

Sa paggunita ng Araw ng Kalayaan, ating binibigyang-pugay ang mga bayaning Pilipino na nag-alay ng kanilang buhay para sa ating kalayaan. Nawa’y patuloy nating isabuhay ang kanilang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagkakaisa at tapat na paglilingkod.

Maligayang Araw ng Kalayaan! Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭


24/04/2026
Magandang araw po mga minamahal kong bulakenyo's💛Sa mga kababayan ko pong nangangailan ng gamot na LUSECO 5mg at 2.5mg p...
20/04/2026

Magandang araw po mga minamahal kong bulakenyo's💛

Sa mga kababayan ko pong nangangailan ng gamot na LUSECO 5mg at 2.5mg para sa may mga type 2 diabetis mellitus. Ito po ay libre ninyong makukuha, magtungo lamang po sa aking opisina at dalhin ang inyong reseta.


19/04/2026

Maraming Salamat Team Bulakan ARC sa buong puso ninyong paglalaro sa ACBL Makata Cup.

Hindi man umabot sa dulo ang naging laban natin, pero malinaw sa bawat laro ninyo ang dedikasyon ng bawat isa. Mas buo, mas matatag, at mas may tiwala sa isa’t isa.

Maraming salamat sa mga players at coaches sa walang sawang pagsusumikap, at sa lahat ng sumuporta sa Team Bulakan ARC.

Hindi dito nagtatapos. Mas marami pa tayong laban na pagsasamahan.

Patuloy akong susuporta sa inyo sa mga susunod pang laban. See you next season 💛

Ika-35 Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng BulakanNagdaos ng ika-35 pangkaraniwang pagpupulong ang Sanggu...
13/04/2026

Ika-35 Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng Bulakan

Nagdaos ng ika-35 pangkaraniwang pagpupulong ang Sangguniang Bayan upang talakayin ang mga panukalang ordinansa, resolusyon, at iba pang mahahalagang usapin na nangangailangan ng aksyon at rekomendasyon ng mga kaukulang lupon. Ang mga paksang ito ay bahagi ng patuloy na gawain ng Sanggunian sa pagbuo ng mga lokal na patakaran.

Sa pamamagitan ng maayos na talakayan at deliberasyon, patuloy na ginagampanan ng Sangguniang Bayan ang tungkulin nito sa pagsusulong ng mga programang makatutulong sa pag-unlad at maayos na pamamahala sa Bulakan.

Ika-31 Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng BulakanIsinagawa ang ika-31 pangkaraniwang pagpupulong ng Sang...
09/03/2026

Ika-31 Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng Bulakan
Isinagawa ang ika-31 pangkaraniwang pagpupulong ng Sangguniang Bayan kung saan tinalakay ang iba’t ibang panukalang ordinansa, resolusyon, at mga usaping may kaugnayan sa patuloy na pagpapaunlad ng ating bayan. Inilahad din ang mga panukalang nangangailangan ng pagsusuri at pag-aaral ng mga kaukulang lupon.
Sa pamamagitan ng mga deliberasyon at koordinasyon ng mga kasapi ng Sanggunian, patuloy na hinahanap ang mga hakbang at solusyon upang mas mapabuti ang serbisyo at mga programang inihahatid sa mamamayan ng Bulakan.

Ika-29 na Pangkaraniwang Pagpupulong ng Ika-12 Sangguniang Bayan ng BulakanMatagumpay na naisagawa ang ika-29 na pangkar...
03/02/2026

Ika-29 na Pangkaraniwang Pagpupulong
ng Ika-12 Sangguniang Bayan ng Bulakan
Matagumpay na naisagawa ang ika-29 na pangkaraniwang pagpupulong ng ika-12 Sangguniang Bayan ng Bulakan kung saan masusing tinalakay ang mga mahahalagang isyu at usaping kinahaharap ng ating bayan kasabay ang pagbibigay ng pagkakataon sa ating kandidata sa Binibining Bulacan 2026 na si Bb. Sophia Estares upang makapagsalita at madinig ang kanyang boses. Layunin ng pagpupulong na makabuo ng mga konkretong hakbang at solusyon para sa patuloy na kaunlaran at kapakanan ng bawat Bulakenyo. Hawak kamay nating tinutugunan ang mga hamon ng bayan para sa isang mas maayos at progresibong Bulakan.

Isinagawa ang Ika-28 na Regular na Sesyon ng Sangguniang Bayan ng Bulakan, kung saan tinalakay ang mga mahahalagang isyu...
25/01/2026

Isinagawa ang Ika-28 na Regular na Sesyon ng Sangguniang Bayan ng Bulakan, kung saan tinalakay ang mga mahahalagang isyu at nagpasya sa iba’t ibang resolusyon na naglalayong isulong ang kaunlaran at kapakanan ng mamamayan ng dakilang Bayan ng Bulakan. Hawak kamay para sa mas maunlad na kinabukasan.


Address

Bulacan
3017

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vice Mayor Aron Ronald Cruz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category