25/12/2021
"Kung walang edukasyon at kalayaan, na siyang pundasyon at liwanag na gabay ng mga tao, walang repormang posible, walang panukalang makapagbibigay ng resultang ninanais niyo".
- G*t. Jose Rizal
Sa ika-30 ng Disyembre, ipinagdiriwang ng buong bansa ang anibersaryo ng kamatayan ng ating dakilang bayani, si Dr. Jose P. Rizal. Ito ay upang gunitain ang nasyonalismo ni Rizal na ang buhay at pamana ay nagbigay inspirasyon sa hindi mabilang na iba na ialay ang kanilang buhay sa paglilingkod sa bayan.
Kaugnay nito, ipinapabatid na ang mga KABATAANG OPISYAL NG MUNISIPYO 2021 sa ilalim ng TANGGAPANG NG ALKALDE NG BUHI, na magkakaroon ng mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng araw ni Rizal ngayong Disyembre 30, 2021 na may temang "Rizal: Para sa Agham, Katotohanan, at Buhay"
Patungkol sa pagdiriwang na ito, ang pagsasagawa ng kompetisyon sa ibat-ibang kaugnay ng larangan ay inorganisa ng mga Kabataang Opisyal ng Munisipyo ng Buhi. Mangyari lamang po na makipag-ugnayan sa inyong mga opisyal sa SK , o sa mga sektoral na kinatawan.
PALIGSAHAN SA PAGGAWA NG POSTER
PANUNTUNAN
1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng interesadong indibidwal sa loob ng munisipalidad ng Buhi na labinlima (15) hanggang dalawamput-apat (24) na taong gulang.
2. Bawat sektor (Mountain, Lake, Asog Line, Road, Cross Road, at Poblacion) ay kakatawanin ng isang (1) kalahok.
3. Ang bawat kalahok ay dapat nabakunahan na laban sa Covid-19. Mangyari lamang na dalhin ang Vaccination Card bilang patunay.
4. Ang patimpalak ay gagawin sa Araw ni Rizal, ika-30 ng Disyembre 2021 sa oras ng ika-siyam (9:00 n.u.) ng umaga sa New Municipal Hall ng Buhi.
5. Ang komite ay magbibigay ng mga pangguhit na kagamitan bago mag simula ang paligsahan.
6. Ang gagawing poster ay batay lamang sa temang ibibigay ng komite sa araw ng paligsahan.
7. Iguguhit at gagawin lamang ang poster sa loob ng isang (1) oras.
8. Ang anumang poster na ipinasa ay hindi maaaring bawiin upang palitan o baguhin. Ang desisyon ng mga hurado pagkatapos ay ganap at hindi na mababawi.
9. Ang mga nanalo ay bibigyan ng premyo sa hapon, sa gagawing Pansarang Programa. Ang mga mananalo ay bibigyan ng sumusunod na premyo
Unang pwesto – Php 1 000.00 at Sertipiko
Pangalawang Pwesto – Php 750.00 at Sertipiko
Pangatlong Pwesto – Php 500.00 at Sertipiko
10. Ang mga hindi pinalad na kalahok ay bibigyan ng Consolation Prizes at Sertipiko ng Partisipasyon.
PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG POSTER
SINING NG PAGKABUO
30%
KAUGNAYAN SA PAKSA
20%
PAGPAPAKAHULUGAN
20%
PANGKALAHATANG BISWAL
15%
ORIHINALIDAD
15%
KABUUAN
100%
PALIGSAHAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY
PANUNTUNAN
1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng interesadong indibidwal sa loob ng munisipalidad ng Buhi na labinlima (15) hanggang dalawamput-apat (24) na taong gulang.
2. Bawat sektor (Mountain, Lake, Asog Line, Road, Cross Road, at Poblacion) ay kakatawanin ng isang (1) kalahok.
3. Ang bawat kalahok ay dapat nabakunahan na laban sa Covid-19. Mangyari lamang na dalhin ang Vaccination Card bilang patunay.
4. Ang patimpalak ay gagawin sa Araw ni Rizal, ika-30 ng Disyembre 2021 sa oras ng ika-siyam ng umaga (9:00 n.u.) sa New Municipal Hall ng Buhi.
5. Ang komite ay magbibigay ng sulatang papel at ballpen bago mag simula ang paligsahan.
6. Ang gagawing sanaysay ay batay lamang sa temang ibibigay ng komite. Isusulat at gagawin lamang ang sanaysay sa loob ng isang (1) oras.
7. Ang bilang ng salita ay hindi dapat bababa ng tatlong daan (300) at hindi lalagpas sa anim na daan (600).
8. Ang lahat ng piyesa ay dapat orihinal at hindi nailathala. Kung sakaling gagamit ng batayan dapat siguraduhin na ito ay nasa APA Citation Style.
9. Ang anumang sanaysay na ipinasa ay hindi maaaring bawiin upang palitan o baguhin. Ang desisyon ng mga hurado pagkatapos ay ganap at hindi na mababawi.
10. Ang mga nanalo ay bibigyan ng premyo sa hapon sa gagawing Pansarang Programa. Ang mga mananalo ay bibigyan ng sumusunod na premyo:
Unang pwesto – Php 1 000.00 at Sertipiko
Pangalawang Pwesto – Php 750.00 at Sertipiko
Pangatlong Pwesto – Php 500.00 at Sertipiko
11. Ang mga hindi pinalad na kalahok ay bibigyan ng Consolation Prizes at Sertipiko ng Partisipasyon.
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY
KAUGNAYAN SA TEMA AT PAKSA
30%
KABUUAN NG IDEYA / DALOY NG KAISIPAN
30%
PAGKAMALIKHAIN AT EMOSYON
30%
LINAW AT LINIS
10%
KABUUAN
100%
PALIGSAHAN A SA PAGGAWA NG SLOGAN O SAWIKAIN
PANUNTUNAN
1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng interesadong indibidwal sa loob ng munisipalidad ng Buhi na labinlima (15) hanggang dalawamput-apat (24) na taong gulang.
2. Bawat sektor (Mountain, Lake, Asog Line, Road, Cross Road, at Poblacion) ay kakatawanin ng isang (1) kalahok.
3. Ang bawat kalahok ay dapat nabakunahan na laban sa Covid-19. Mangyari lamang na dalhin ang Vaccination Card bilang patunay.
4. Ang patimpalak ay gagawin sa Araw ni Rizal, ika-30 ng Disyembre 2021 sa oras ng ika-siyam (9:00 n.u.) ng umaga sa New Municipal Hall ng Buhi.
5. Ang bawat kalahok ay bibigyan lamang ng puting kartolina at marker sa paggawa ng sawikain. Kung kinakailangan, ang kalahok ay maaring magdala ng lapis o pangkulay kung nais niyang magdagdag ng disenyo sa kanyang isusumiteng slogan.
6. Ang gagawing sawikain ay batay lamang sa temang ibibigay ng komite.
7. Isusulat at gagawin lamang ang sawikain sa loob ng isang (1) oras.
8. Ang anumang sawikain na ipinasa ay hindi maaaring bawiin upang palitan o baguhin.
9. Ang desisyon ng mga hurado pagkatapos ay ganap at hindi na mababawi.
10. Ang mga nanalo ay bibigyan ng premyo sa hapon sa gagawing Pansarang Programa. Ang mga mananalo ay bibigyan ng sumusunod na premyo:
Unang pwesto – Php 1 000.00 at Sertipiko
Pangalawang Pwesto – Php 750.00 at Sertipiko
Pangatlong Pwesto – Php 500.00 at Sertipiko
11. Ang mga hindi pinalad na kalahok ay bibigyan ng Consolation Prizes at Sertipiko ng Partisipasyon.
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY
KAUGNAYAN SA TEMA AT PAKSA
40%
PAGKAMALIKHAIN
30%
ORIHINALIDAD
20%
LINAW AT LINIS
10%
KABUUAN
100%
RAWITDAWIT (Spoken Word Poetry)
PANUNTUNAN
1. Ang spoken word poetry ay ang pagsasaad ng kwento sa pamamagitan ng isang tula. Ito ay isang anyo ng tula kung saan ang may-akda ay naglalahad ng tula sa madlang tao sa pamamagitan ng pagsasalaysay o "narration" sa Wikang Ingles. Kumpara isang sa normal na tula, mas malikhain at mapaghamong gawin ang spoken word poetry.
2. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng interesadong indibidwal sa loob ng munisipalidad ng Buhi na labinlima (15) hanggang dalawamput-apat (24) na taong gulang.
3. Bawat sektor (Mountain, Lake, Asog Line, Road, Cross Road, at Poblacion) ay kakatawanin ng isang (1) kalahok.
4. Ang bawat kalahok ay dapat nabakunahan na laban sa Covid-19. Mangyari lamang na dalhin ang Vaccination Card bilang patunay.
5. Ang bawat kalahok ay magsusumite ng isang (1) orihinal na komposisyon lamang na nakasulat sa Tagalog o Buhinon.
6. Dapat isumite ng mga kalahok ang kopyang dokumento ng kanilang mga orihinal na pyesa sa [email protected] bago ang ika - 28 ng Disyembre, 2021 bago ang ika-12 ng hatinggabi. Kalakip ng isinumiteng piraso ay kailangang nakalagay sa email ang pagkakakilanlan ng kalahok katulad ng pangalan, address, at detalye ng kontak.
7. Ang hindi pagsunod sa mga itinakdang alituntunin ay magreresulta sa awtomatikong diskwalipikasyon.
8. Ang aktwal na pagtatanghal ng kanilang piyesang nagawa ay gagawin sa Araw ni Rizal, ika-30 ng Disyembre 2021 sa ika-isa ng hapon (1:00 n.h.) sa New Municipal Hall ng Buhi.
9. Ang piyesa ay dapat tugma sa nasyonal na tema: “Rizal: Para sa Agham, Katotohanan, at Buhay”.
Ang kalahok ay bibigyan ng 3 hanggang 10 minuto para ipakita ang kanilang piyesa.
10. Ang komposisyon ng manlalahok ay kinakailangang memorisado at maari silang magsuot ng kasuotan na naayon sa kanilang piyesa. Ngunit hindi kinukumbinse ang manlalahok na bumili pa ng kanilang kasuotan sa araw ng pagtatanghal.
Instrumental o musical background ay pinapayagang na isabay sa kanilang paghahatid ng kanilang piyesa.
11. Ang desisyon ng mga hurado pagkatapos ay ganap at hindi na mababawi.
12. Lahat ng kalahok ay makakatanggap ng sertipiko at ang tatlong nagwagi ay makakatanggap ng karagdagang papremyo.
Unang pwesto - Php 1,000.00
Pangalawang pwesto - Php 750.00
Pangatlongng pwesto - Php 500.00
13. Ang mga hindi papalarin na kalahok ay makakatanggap ng Consolation Prizes.
PAMANTAYAN SA PAGHUHUSGA
NILALAMAN (pagsunod sa tema, maayos na daloy ng mensahe)
30%
PAGKAORIHINAL
20%
Stage presence (antas ng kumpiyansa, ekspresyon ng mukha/emosyon, kilos, impak sa madla)
20%
PAGHAHATID AT PAGGANAP (kasuotan, pagbigkas, tono, at emosyon)
30%
KABUUAN
100%
TAGISAN NG TALINO
PANUNTUNAN
1. Ang patimpalak na ito ay bukas para sa lahat ng kabataan ng Bayan ng Buhi na may edad na labing-lima hanggang dalawampu't-apat (15-24) na taong gulang.
2. Bawat sektor (Mountain, Lake, Asog Line, Road, Cross Road, at Poblacion) ay kakatawanin ng dalawang (2) kalahok lamang.
3. Ang bawat kalahok ay dapat nabakunahan na laban sa Covid-19. Mangyari lamang na dalhin ang Vaccination Card bilang patunay.
4. Ang patimpalak ay gagawin sa Araw ni Rizal, ika-30 ng Disyembre 2021 sa oras ng ika-isa ng hapon (1:00 n.h.) sa SB Session Hall sa bagong munisipyo ng Buhi.
5. Ang Tagisan ng Talino ay mayroong tatlong bahagi; (1) Madali, (2) Katamtaman, at 3) Mahirap.
6. Ang uri ng pagsusulit ay pagpipili para sa madali at katamtamang bahagi, at pagtukoy naman para sa mahirap na bahagi.
7. Bawat bahagi ay mayroong sampung (10) tanong. Ang bawat tamang sagot ay may katumbas na puntos. Isang puntos (1) para sa madali, tatlong puntos (3) para sa katamtaman, at limang puntos (5) para sa mahirap na bahagi.
8. Ang mga tanong ay iikot lamang sa Buhay at mga Gawa ni Rizal.
Ang mga kalahok ay sasagot bilang isang grupo na kinakatawan ang kanilang sektor.
9. Para sa madali at katamtamang bahagi, bibigyan ang mga kalahok ng tatlong pagpipilian na may nakasulat na titik “A”, “B”, at “K”. Babasahin ang mga tanong ng dalawang ulit at bibigyan ng tatlumpong segundo para sa madaling bahagi at isang minuto para sa katamtamang bahagi para makapag isip. Pagkatapos ng oras ay itataas ng mga kalahok ang kanilang sagot.
10. Para naman sa mahirap na bahagi, bibigyan ng papel at panulat ang mga kalahok. Babasahin ang tanong ng tatlong beses, bibigyan ng isang minuto at tatlumpong segundo ang mga kalahok upang mag-isip. Isusulat nila ang sagot sa ibinigay na papel. Pagkatapos ng oras ay ipapasa ang papel para sa pagtatama ng sagot.
11. Ang tatlong grupo na may pinakamaraming puntos ang mananalo at itatanghal bilang nagwagi ng unang pwesto, pangalawang pwesto, at pangatlong pwesto.
12. Sa pagkakataon na magkakaroon ng parehas na puntos, magkakaroon ng pagtutuos kung saan ang quizmaster ay magbibigay ng tanong at sasagutin ng pabilisan. Ang unang makakakuha ng tamang sagot ang mananalo.
13. Ang mga nanalo ay bibigyan ng premyo sa hapon sa gagawing Pansarang Programa. Ang mga mananalo ay bibigyan ng sumusunod na premyo
Unang pwesto – Php 2 000.00 at Sertipiko
Pangalawang Pwesto – Php 1500.00 at Sertipiko
Pangatlong Pwesto – Php 1000.00 at Sertipiko
14. Ang mga hindi pinalad na grupo ay bibigyan ng Consolation Prizes at Sertipiko ng Partisipasyon.
TIGSIK
PANUNTUNAN
1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng interesadong indibidwal sa loob ng munisipalidad ng Buhi na labinlima (15) hanggang dalawamput-apat (24) na taong gulang.
2. Bawat sektor (Mountain, Lake, Asog Line, Road, Cross Road, at Poblacion) ay kakatawanin ng isang (1) kalahok.
3. Ang bawat kalahok ay dapat nabakunahan na laban sa Covid-19. Mangyari lamang na dalhin ang Vaccination Card bilang patunay.
4. Ang karaniwang pormat ay dapat sundin: 2-4 na linya bawat saknong, mula 5 hanggang 6 na saknong.
5. Ang mga kalahok ay dapat magbigay ng pamagat para sa kanilang piyesa.
6. Ang piyessa ay dapat magkaroon ng mga katangian ng katatawanan at pangungutya, na maaaring tumutula o hindi.
7. Ang bawat kalahok ay magsusumite ng isang (1) orihinal na komposisyon lamang na nakasulat sa Buhinon.
8. Dapat isumite ng mga kalahok ang kopya ng kanilang mga orihinal na pyesa sa [email protected] bago ang ika -28 ng Disyembre, 2021 sa ika-12 ng hatinggabi.
9. Kalakip ng isinumiteng piraso ay kailangang nakalagay sa email ang pagkakakilanlan ng kalahok katulad ng pangalan, address, at detalye ng kontak.
10. Ang hindi pagsunod sa mga itinakdang alituntunin ay magreresulta sa awtomatikong diskwalipikasyon.
11. Ang aktwal na pagtatanghal ng kanilang piyesang nagawa ay gagawin sa Araw ni Rizal, ika-30 ng Disyembre 2021 sa ika-isa ng hapon sa New Municipal Hall ng Buhi.
12. Ang piyesa ay dapat tugma sa nasyonal na tema: “Rizal: Para sa Agham, Katotohanan, at Buhay”.
13. Ang komposisyon ng manlalahok ay kinakailangang memorisado at maari silang magsuot ng kasuotan na naayon sa kanilang piyesa. Ngunit hindi kinukumbinse ang manlalahok na bumili pa ng kanilang kasuotan sa araw na iyon.
14. Ang desisyon ng mga hurado pagkatapos ay ganap at hindi na mababawi.
Lahat ng kalahok ay makakatanggap ng sertipiko at ang mga nanalo ay makakatanggap ng karagdagang papremyo.
Unang pwesto - Php 1,000.00
Pangalawang pwesto - Php 750.00
Pangatlongng pwesto - Php 500.00
15. Ang mga hindi papalarin na kalahok ay makakatanggap rin ng consolation prizes.
PAMANTAYAN SA PAGHUHUSGA
Pagsunod sa tema (dapat na may kaugnayan sa tema at nagpapahayag ng makapangyarihan at makabuluhang mensahe)
30%
Lohika at organisasyon ng mga ideya, istruktura (malinaw na daloy na pagkakabuo ng pyesa, pagkakaugnay ng anyo at istruktura)
20%
Stage presence (antas ng kumpiyansa, ekspresyon ng mukha/emosyon, kilos)
30%
Klaro ng Paglalarawan at Wika (pagbigkas, tono, at pagpapatawa)
20%
KABUUAN
100%