Buhi Freshwater Fishery Farm

Buhi Freshwater Fishery Farm Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Buhi Freshwater Fishery Farm, Government Organization, Santa Clara, Camarines Sur, Buhi.

12/02/2026
17 Mag-aaral ng Barcelonita Fisheries School–Aquaculture, Natapos ang 10-Araw na Work Immersion sa BFAR V–BFFFMatagumpay...
07/02/2026

17 Mag-aaral ng Barcelonita Fisheries School–Aquaculture, Natapos ang 10-Araw na Work Immersion sa BFAR V–BFFF

Matagumpay na natapos ng labing-pitong (17) mag-aaral ng Barcelonita Fisheries School ang kanilang work immersion sa larangan ng aquaculture mula Enero 19 hanggang 28, 2026, sa BFAR 5–Buhi Freshwater Fishery Farm sa Buhi, Camarines Sur.

Sa ilalim ng programa, sumailalim ang mga mag-aaral sa praktikal na pagsasanay hinggil sa pagpaparami ng binhi ng tilapia, hito, at mga ornamental na isda. Natutunan nila ang mga pamamaraan tulad ng induce spawning ng African catfish, wastong pag-aalaga ng tilapia at hito, pag-hatch ng Artemia cyst, tamang pag-aanak ng iba't ibang uri ng ornamental fish, monosex tilapia production, at iba pang kaugnay na teknolohiya.

Tinitiyak ng nasabing pasilidad na ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa iba't ibang gawain at aktibidad na hindi lamang nakatuon sa pagpapalawak ng kanilang teknikal na kasanayan kundi pati na rin sa pagpapaunlad ng wastong asal, disiplina, at pagiging responsable na mahalaga sa kanilang magiging propesyon at pang-araw-araw na buhay. Sa pamamagitan ng programang ito, nahuhubog ang kanilang kakayahang makibagay sa tunay na kalagayan sa lugar ng trabaho at maging responsableng mamamayan ng lipunan.




31/01/2026
BFAR-BFFF, Nagkaloob ng 1,000 pcs. Potential Tilapia BroodstockJose Panganiban, Camarines Norte – Nagkaloob ang Bureau o...
27/01/2026

BFAR-BFFF, Nagkaloob ng 1,000 pcs. Potential Tilapia Broodstock

Jose Panganiban, Camarines Norte – Nagkaloob ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sa pamamagitan ng Buhi Freshwater Fishery Farm, ng mahigit 1,000 pcs. potential tilapia broodstock sa JPang-BFAR Multi-species Hatchery na matatagpuan sa bayan ng Jose Panganiban. Sa pamamagitan nito, masisiguro ang sapat, malapit, at madaling pag-access sa tilapia fingerlings para sa mga benepisyaryo ng bayan ng Jose Panganiban. Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng BFAR Region V na paunlarin ang sektor ng pangingisda at palakasin ang kabuhayan ng mga lokal na komunidad.

January 22, 2026Matagumpay na isinagawa ang unang Farm Target Meeting Setting ng Buhi Freshwater Fishery Farm (BFFF) sa ...
22/01/2026

January 22, 2026

Matagumpay na isinagawa ang unang Farm Target Meeting Setting ng Buhi Freshwater Fishery Farm (BFFF) sa pangunguna ni Atty. Nilo B. Consuelo, Farm Manager, kasama si Ms. Rosalie Borbo Mape, Assistant Farm Manager, at mga staff ng BFFF at Bombon MSFH.
Tinalakay ang mga plans, activities, at programs upang mapabuti ang produksyon, operasyon, at implementasyon ng aquaculture practice ng Buhi Farm.
Nagbahagi rin si Atty. Nilo ng kanyang kaalaman tungkol sa wastong pag-aalaga ng tilapia at hito sa labing pito (17) na estudyante mula sa Barcelonita Fisheries School-Cabusao, Camarines Sur na kasalukuyang nagsasagawa ng kanilang work immersion sa aquaculture.

Address

Santa Clara, Camarines Sur
Buhi

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Buhi Freshwater Fishery Farm posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share