04/06/2026
APRUBADO NA HA 3rd & FINAL READING ha Kongreso an pag convert han extension campuses han ESSU ARTECHE & ESSU BALANGIGA ngadto hin REGULAR NGA CAMPUSโผ๏ธ
Lubos nating ikinagagalak na aprubado na sa Ikatlo at Huling Pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill No. 9464, na naglalayong gawing regular campuses ang mga extension campuses ng Eastern Samar State University (ESSU) sa mga bayan ng Arteche at Balangiga.
Kasama natin sa pagsusulong ng mahalagang panukalang ito si House Minority Leader at 4Ps Partylisy Representative, Cong. Marcelino โNonoyโ Libanan, at nagpapasalamat tayo sa suporta ng ating mga kapwa mambabatas na naging katuwang natin upang maisulong ito hanggang sa pag-apruba sa plenaryo.
Nawa'y maging inspirasyon rin ito sa ating mga kabataan upang magpursige sa kanilang pag-aaral upang makamit nila ang magandang kinabukasan para sa kanilang sarili at pamilya.