31/08/2026
Selebrasyon ng Buwan ng Wika at Kasaysayan 2026
Muling ipinagdiwang ng Balabag Elementary School ang Buwan ng Wika at Kasaysayan 2026, bilang pagpapakita ng patuloy na pagpapahalaga, pagmamahal, at pagpapayaman sa wikang Filipino at sa kasaysayan ng ating bansa.
Sa kabila ng pagpapatupad ng bagong patakaran ng Department of Education (DepEd) hinggil sa Instructional Blocks, naging makabuluhan at masigla pa rin ang pagdiriwang. Patuloy na isinabuhay ng mga g**o at mag-aaral ang diwa ng Buwan ng Wika at Kasaysayan sa pamamagitan ng integrasyon ng mga gawaing pangwika at pangkasaysayan sa mga talakayan at iba’t ibang gawain sa klase.
Muling nabigyang-buhay ang makukulay at makasaysayang kasuotang Pilipino, kasabay ng pagpapakita ng pagmamalaki sa ating wika, kultura, at pagkakakilanlan. Naging posible ang matagumpay na pagdiriwang sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap at malikhaing pakikilahok ng mga g**o at mag-aaral.
Samantala, nagbigay-aliw at dagdag-kaalaman ang mga miyembro ng Filipino Club at Araling Panlipunan Club sa pamamagitan ng kanilang Room-to-Room Trivia Quest, isang gawaing naglalayong subukin at palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa wika, kasaysayan, kultura, at mga mahahalagang personalidad at pangyayari sa ating bansa.
Ang makabuluhang selebrasyong ito ay naging matagumpay dahil sa buong-pusong dedikasyon at suporta ng mga g**o ng Balabag Elementary School, gayundin sa aktibong pakikiisa ng mga mag-aaral at mga magulang.
Ang pagdiriwang ay pinangunahan nina Bb. Carol T. Asis, Filipino Coordinator, at Gng. Cindy R. Fuenllona, Araling Panlipunan Coordinator, sa pakikiisa ng buong pamunuan, mga g**o, mag-aaral, at mga magulang ng Balabag Elementary School.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, patuloy nating pinayayaman ang ating wika, kasaysayan, kultura, at pagka-Pilipino, hindi lamang tuwing buwan ng Agosto, kundi sa bawat araw na ating ginagamit, ipinagmamalaki, at ipinapasa sa susunod na henerasyon ang ating pagkakakilanlan.