17/05/2022
Nilagdaan na ni Pres. Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11768 o ang batas na nagpapalakas sa Sangguniang Kabataan (SK) at nag-i-institutionalize ng karagdagang mga reporma para lalong mapagsigla ang mga kabataan sa paglahok sa local governance.
Sa pamamagitan ito ng pagbibigay ng honorarium at iba pang mga benepisyo at mga pribilehiyo sa mga opisyal ng SK. Inaamendahan ng naturang batas ang ilang mga probisyon ng RA No. 10742 o ang SK Reform Act of 2015.
READ: https://bit.ly/3wjT0nU