24/10/2025
Activity for today
Day 1
Emergency Cash Transfer Payout
Nos of. Beneficiaries: 1580
Source of Funds: DSWD
Unang Araw na pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng nakaraang malakas na Bagyong Opong na dumaan sa ating bayan at probinsya.
Kagyat na tumugon ang ating lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng MSWD na alamin ang dami ng naapektuhang mga kabahayan sa bawat barangay! Ang pamahalaang barangay siyang nangasiwa ng pangangalap ng bilang ng mga apektadong mga kabahayan at pamilyang apektdo.
May dalawang uri ng beneficiary:
1. Partiallly Damaged House- tatanggap ng halagang Php 5,160.00
2. Totally Damaged House- Php 9,997.50
Lubos ang pasasalamat ng Malaluan-Barcelona Administration sa ating Gobernador Bonz Dolor sa mabilis na aksyon na maibigay agad-agad ang nasabing tulong o ayuda sa ating mga kababayan.
Sa pagkakaisa at pagtutulungan madaling magagawa at maisasakatuparan ang kagyat na tulong at serbisyo na nararapat na maibigay sa taong bayan.
# Serbisyong Malasakit
# Salamat po Lord sa Biyaya