BAT 4 WPS Pangasinan

BAT 4 WPS Pangasinan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BAT 4 WPS Pangasinan, Government Organization, Bolinao.

26/03/2026
Barangay Advocacy Team para sa West Philippine Sea, Inilunsad sa Dasol, PangasinanTIGNAN|| Bilang bahagi ng panawagan ng...
20/03/2026

Barangay Advocacy Team para sa West Philippine Sea, Inilunsad sa Dasol, Pangasinan

TIGNAN|| Bilang bahagi ng panawagan ng pamahalaan upang mapalawak ang kamalayan ng komunidad patungkol sa pangangalaga ng ating soberanong karagatan, pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Dasol, Pangasinan katuwang ang 71st Infantry (KAIBIGAN) Battalion, Philippine Army ang paglunsad ng Barangay Advocacy Team for West Philippine Sea (BAT 4 WPS) na ginanap sa 3rd Floor Municipal Building, Brgy. Poblacion, Dasol, Pangasinan noong Marso 19, 2026.

Apatnapung mga opisyales mula sa 18 barangay ng Dasol ang nakilahok sa mga serye ng diskusyon ng 71st IB at 1st Provincial Mobile Force Company patungkol sa kasalukuyang isyu sa West Philippine Sea at Kahalagahan ng Komunidad bilang mga Force Multipliers.
naglalayong palawakin pa ang kaalaman at kamalayan ng mga kalahok patungkol sa kahalagahan at paglalaban ng ating karapatang soberanya sa West Philippine Sea.

Bahagi rin sa aktibidad ang mga workshops at presentasyon ng mga planong maaring makatulong sa pag papalawak ng kaalaman at kooperasyon hinggil sa pangangalaga ng ating mga karagatan.

Nagtapos ang aktibidad sa pamamagitan ng pormal na paglada sa Pledge of Commitment sa pangunguna ni Ginoong Jesse A. Calaustro, Municipal Administrator, kasama sina Lieutenant Colonel Christopher C. Manimtim, Commanding Officer ng 71st IB, Ms. Karen P. Cuya, MLGOO at mga opisyal ng lokal na kapulisan bilang simbolo ng pagkakaisa at pagtanggap ng responsibilidad ng bawat isa sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan para sa West Philippine Sea.

Sa pamamagitan ng BAT 4 WPS, inaasahan ding mapapalalim ang ugnayan ng komunidad sa mga ahensya ng gobyerno at mas mapapalawak ang impormasyon sa tamang pangangalaga at pagpapanatili ng ating mga yamang dagat at magbigay-diin sa kahalagahan ng edukasyon at partisipasyon ng bawat isa upang masiguro na ang ating karagatan ay mapangalagaan para sa kasalukuyan at mga susunod pang henerasyon.









BAT 4 WPS Pangasinan
Pangasinan 1st PMFC, Pangasinan PPO
Pangasinan Police Provincial Office
ALPHA "Avenger" Company
71IB BRAVO BRAVE Company
Charlie"CRUSADER"Company,71IB
Charity Riders for 1 Ph - CR1P
Radyo Pilipinas Dagupan

20/03/2026

Address

Bolinao

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BAT 4 WPS Pangasinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share