08/10/2026
PABATID MULA SA BOCAUE WATER DISTRICT
Ipinapaalam sa lahat ng residente na magkakaroon ng pansamantalang pagkawala ng supply ng tubig sa buong Bocaue simula 7:00 ng umaga ng Oktubre 13 hanggang 4:00 ng hapon ng Oktubre 14, dahil sa nakatakdang shutdown ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa kanilang Common Purpose Facilities (CPF), na dinadaanan ng raw water supply mula sa Angat Dam.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ipon ng sapat na tubig para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan bago ang schedule ng pansamantalang pagkawala ng serbisyo.
Maraming salamat po.
MAHALAGANG PABATID
Magalang po naming ipinagbibigay-alam sa lahat na magkakaroon po tayo ng pansamantalang pagkawala ng serbisyo ng tubig sa mga apektadong lugar dahil sa nakatakdang shutdown na isasagawa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Common Purpose Facilities (CPF) nito na daanan ng raw water supply mula sa Angat Dam.
MGA APEKTADONG LUGAR: Buong Bayan ng Bocaue at lahat ng iba pang bayan ng Bulacan na kumukuha ng water supply sa Bulacan Bulk.
Simula: Oktubre 13, 2026 sa ganap na 7:00 AM Magtatapos: Oktubre 14, 2026 sa ganap na 4:00 PM
DAHILAN: Nakatakdang shutdown ng Tunnel 3-BNAQ6 para sa relokasyon ng mga linya ng tubo.
Pinapayuhan ang lahat ng aming konsesyonaryo na mag-ipon ng sapat na tubig na magagamit bago sumapit ang naturang takdang araw at oras.
Marahil, sa mga lugar na malayo sa aming interconnection points (IPs) na nasa Mc Arthur Highway ay maaaring makaranas ng mahinang water pressure dahil sa sabay-sabay na pagkuha ng tubig matapos maibalik ang Bulk Water Supply.
Kami ay umaasa sa inyong lubos na pag-unawa at pakikiisa.
Maraming Salamat po.
BOCAUE WATER DISTRICT