Barangay Tambubong Bocaue Bulacan

Barangay Tambubong Bocaue Bulacan Kap. Pablo M. Castillo Jr. (044) 7646988

22/08/2026
ANNOUNCEMENT | EDUCATIONAL ASSISTANCE PROGRAM Isang mahalagang hakbang para sa edukasyon at kinabukasan ng ating mga kab...
14/08/2026

ANNOUNCEMENT | EDUCATIONAL ASSISTANCE PROGRAM

Isang mahalagang hakbang para sa edukasyon at kinabukasan ng ating mga kabataan!
Ang Sangguniang Barangay ng Tambubong ay magsasagawa ng distribution ng Educational Assistance para sa mga approved applicants.
Sila ay halos galing sa application ng SK Educational Assistance na
binigay sa atin para tulungan ng ating Barangay pagdating sa Edukasyon.

Venue: Tambubong Elementary School
Date: August 15, 2026
Time: 1:00 PM – 3:00 PM

Sa lahat ng approved applicants, mangyaring dalhin ang inyong valid ID at ballpen at makiisa sa maayos at mabilis na proseso ng pamamahagi.

Ang programang ito ay isang proyekto ng Sangguniang Barangay ng Tambubong, sa pangunguna ni Kapitan Oyet Castillo, Jr., kasama sina:
• Kag. Nora Torbeles
• Kag. Joy Alquiroz
• Kag. Jun Dela Rama
• Kag. Gerry Nicolas
• Kag. Mert Sanchez
• Kag. Benny Nicolas
• Kag. John Ford Llagas
• SK Erica Mae Santiago

At katuwang din natin sa pagpapatupad ng programang ito sina Brgy. Secretary Jean Lazaro at Brgy. Treasurer Mary Rose Manzano.

Ang programang ito ay hindi lamang tungkol sa pamamahagi ng tulong pinansyal. Ito ay bunga ng pagtutulungan at pagsusumikap ng buong Sangguniang Barangay ng Tambubong, mula sa pagpapatupad ng programa, pangongolekta at pagsusuri ng mga kinakailangang requirements ng mga aplikante, hanggang sa maayos na paghahanda at pagsasagawa ng distribution.

Sa pamamagitan ng programang ito, hangad nating makatulong sa ating mga Kabataan.
Para sa Kabataan. Para sa Edukasyon. Para sa Kinabukasan.

Congratulations sa lahat ng approved applicants! Nawa’y maging inspirasyon at dagdag-suporta ang munting tulong na ito sa inyong patuloy na pag-aaral.

See you there!

KASALANG BARANGAY 2026August 16, 2026 | 3:00 PMKarilagan Stevia Farm and Pavilion, Tambubong, Bocaue, Bulacan
11/08/2026

KASALANG BARANGAY 2026

August 16, 2026 | 3:00 PM
Karilagan Stevia Farm and Pavilion, Tambubong, Bocaue, Bulacan

BARANGAY EDUCATIONAL ASSISTANCE PROGRAM 2026Handog ng Sangguniang Barangay ng Tambubong sa pangunguna ni Kapitan Oyet Ca...
29/07/2026

BARANGAY EDUCATIONAL ASSISTANCE PROGRAM 2026

Handog ng Sangguniang Barangay ng Tambubong sa pangunguna ni Kapitan Oyet Castillo Jr.

Magandang araw, mga ka-Barangay!

Una sa lahat, humihingi po kami ng paumanhin sa pagkaantala ng pag-post ng update tungkol sa ating Barangay Educational Assistance Program.

Narito na po ang listahan ng mga aplikanteng nagsagot sa aming Google Form para sa aplikasyon ng programa.

PAALALA:
Ang lahat ng nasa listahan ay KINAKAILANGANG magsumite ng kumpletong requirements para sa validation at evaluation ng kanilang aplikasyon.
Hindi pa po nangangahulugan na kayo ay opisyal nang benepisyaryo ng programa. Ang lahat ng aplikasyon ay dadaan muna sa masusing beripikasyon upang matiyak na kumpleto at wasto ang mga isinumiteng dokumento.

Ang pagsusumite ng requirements ay hanggang Linggo, August 2, 2026 sa ating barangay hall.

Sa mga nakapagpasa na ng kanilang requirements, maraming salamat po. Mangyari lamang na hintayin ang opisyal na anunsyo ng Final List of Beneficiaries, na ilalabas sa opisyal na page ng Pamahalaang Barangay ng Tambubong matapos ang validation at evaluation.

Mga Kailangang Isumite (3 Kopya ng Bawat Isa)
1. Photocopy ng kasalukuyan o pinakahuling School ID
2. Certificate of Enrollment o 3. Certificate of Matriculation (School Year 2026–2027)
4. Barangay Indigency
5. Long Brown Envelope (Lagyan ng pangalan at contact number)
6. Application Letter na naka-address sa:
Sangguniang Barangay ng Tambubong para kay Kap. Oyet Castillo Jr.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pag-unawa. Hangad po ng Pamahalaang Barangay ng Tambubong na maihatid ang tulong-edukasyon sa mga tunay na kwalipikado at nangangailangan.


GOOD NEWS, BRGY. TAMBUBONG!Magandang balita para sa ating mga mag-aaral!Magkakaroon po ang Barangay Tambubong ng Educati...
19/07/2026

GOOD NEWS, BRGY. TAMBUBONG!

Magandang balita para sa ating mga mag-aaral!

Magkakaroon po ang Barangay Tambubong ng Educational Assistance Program para sa lahat ng incoming 4th Year College Students, ALS SHS Students at TESDA Course na naka-enroll ngayong School Year 2026–2027.

📌 Unang hakbang: Kinakailangan lamang pong sagutan ang official Google Form na aming ilalabas bilang unang bahagi ng aplikasyon.

📅 Sa Hulyo 25, 2026, ipo-post po namin ang listahan ng mga qualified applicants na pasok sa ating programa.

Ang programang ito ay handog ng Sangguniang Barangay ng Tambubong sa pangunguna ni Kapitan Oyet Castillo, sa pakikipagtulungan namin sa Sangguniang Kabataan, bilang suporta sa ating mga mag-aaral na patuloy na nagsisikap makamit ang kanilang mga pangarap. Maaaring hindi man kalakihan ang halaga ng tulong, ngunit hangad naming makatulong sa inyong mga gastusin sa pag-aaral at maipadama na ang inyong barangay ay laging katuwang ninyo sa pagbuo ng mas magandang kinabukasan.

Narito po ang aming opisyal na Google Form.

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSezs3by2DIJEh9M8-fFGIPGIdr1xoxvDPUI6mAaVDQzVOBG7Q/viewform

Sa mga may katanungan po, mangyari lamang po mag-message sa ating official page o sa bumubuo ng Sangguniang Barangay ng Tambubong.

Abangan po ang iba pang mahahalagang anunsyo sa official page ng Barangay Tambubong.

Paalala: Kung kayo po ay nag-apply sa SK Educational Assistance at binanggit na i-eendorse po kayo sa Brgy Educational Assistance, ibig sabihin ang gagawin niyo na lamang po ay magsagot ng google form at maghintay ng official list of recipients dahil mafoforward na po sa amin ang inyong requirements from SK Officials for verification.

Maraming Salamat po!


Maligayang kaarawan sa ating butihing kapitan, Kap. Boyet Castillo!Nawa'y patuloy kayon pagpalain ng mabuting kalusugan,...
08/07/2026

Maligayang kaarawan sa ating butihing kapitan, Kap. Boyet Castillo!

Nawa'y patuloy kayon pagpalain ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at tagumpay sa lahat ng inyong hangarin.

Muli, maligayang kaarawan po!❣️🎉

ADVISORY | SUPER TYPHOON (BAVI) All local government units (LGUs) concerned are reminded to remain vigilant and proactiv...
07/07/2026

ADVISORY | SUPER TYPHOON (BAVI)

All local government units (LGUs) concerned are reminded to remain vigilant and proactive in preparing for potential weather disturbances. All concerned local chief executives (LCEs) are directed to undertake all the necessary critical preparedness actions and cause the widest dissemination of this Advisory within your respective areas of responsibility.

Read full advisory here: https://bit.ly/4vr5hTa

🚫💊 INTERNATIONAL DAY AGAINST DRUG ABUSE AND ILLICIT TRAFFICKING (IDADAIT) 2026 💊🚫The Sangguniang Barangay of Tambubong j...
30/06/2026

🚫💊 INTERNATIONAL DAY AGAINST DRUG ABUSE AND ILLICIT TRAFFICKING (IDADAIT) 2026 💊🚫

The Sangguniang Barangay of Tambubong joins the global community in observing the International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2026.

This observance serves as a reminder of our shared responsibility to prevent drug abuse, combat illicit drug trafficking, and promote healthy, safe, and drug-free communities.

Let us work together to raise awareness, strengthen prevention efforts, and support individuals and families affected by substance abuse. Through unity, education, and community action, we can help build a brighter and safer future for everyone.

Together, let us say:

✅ No to Illegal Drugs
✅ Yes to Healthy Living
✅ Yes to Strong Families
✅ Yes to Safe Communities

A drug-free community starts with each one of us.






Address

Tambubong
Bocaue
3018

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Tambubong Bocaue Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Tambubong Bocaue Bulacan:

Shortcuts

Share