04/06/2026
๐ข PLEB Meeting Update | June 3, 2026
Isinagawa ang pagpupulong ng Peopleโs Law Enforcement Board (PLEB) noong Hunyo 3, 2026, alas-9:00 ng umaga sa Sangguniang Bayan Session Hall.
Kabilang sa mga pangunahing agenda ng pagpupulong ang pag-apruba sa mga katitikan ng nakaraang pulong na ginanap noong Mayo 21, 2026 at Mayo 26, 2026.
Nagkaroon din ng malalim na talakayan at palitan ng mga pananaw at obserbasyon ang mga miyembro ng Board kaugnay ng mga usapin na kasalukuyang dinidinig. Bahagi nito ang masusing pagsusuri sa mga isyu at ebidensyang nakapaloob bilang paghahanda sa pagbuo ng naaangkop at makatarungang desisyon.
Sa kasalukuyan, ang Board ay nasa proseso na ng pagbalangkas at pagbuo ng desisyon para sa mga usaping nakabinbin, alinsunod sa umiiral na mga batas, tuntunin, at prinsipyo ng katarungan at pananagutan.
Patuloy na ginagampanan ng Peopleโs Law Enforcement Board-Boac Chapter ang mandato nito upang matiyak ang patas, maayos, at transparent na pagdinig sa mga usaping inihaharap dito, para sa kapakanan ng mamamayan at ng institusyon ng pagpapatupad ng batas.