Gov Mel Go - Marinduque

Gov Mel Go - Marinduque Committed to transparent governance, effective service delivery, and building systems that work for the people.

Araw ng Kagitingan ngayon.Kasama sa mga sundalo sa Bataan ang ating sariling mga kababayang Marinduqueno na nagbuwis ng ...
09/04/2026

Araw ng Kagitingan ngayon.

Kasama sa mga sundalo sa Bataan ang ating sariling mga kababayang Marinduqueno na nagbuwis ng buhay para sa atin.

Yung tapang na yun, makikita pa rin natin yan ngayon. Sa ating mga OFW na nagtitiis sa ibang bansa para sa pamilya, sa ating mga frontliner, g**o, magsasaka, mangingisda.

Magkakaibang laban, iisang puso. Mabuhay ang bayaning Pilipino!

08/04/2026
I am proud to celebrate the strength of talent here in our province.Buong puso kong binabati ang ating mga nagwagi sa Ta...
08/04/2026

I am proud to celebrate the strength of talent here in our province.

Buong puso kong binabati ang ating mga nagwagi sa Talento Marinduqueño 2026. I see your dedication, your courage to perform, and your love for our culture shining on stage.

Ito ang tunay na galing ng Marinduqueño.

Singing Category
Champion – Ismael Madrino
1st Runner Up – Francine Nicole Doroin
2nd Runner Up – Angelo Salazar
3rd Runner Up – John De Sena

Unique Talents Category
Champion – Omar Antonio Doroin
1st Runner Up – Christian Montiano
2nd Runner Up – Krazy Flow
3rd Runner Up – John Michael Alvarez

Dance Category
Champion – MNHS Dance Troupe
1st Runner Up – CHZKYK
2nd Runner Up – Elite DC
3rd Runner Up – 478 High Impact

Sa bawat kalahok at sa lahat ng sumuporta, nagpapasalamat ako sa inyo. You remind us that talent is alive in every barangay, every school, every young dreamer who is willing to step forward.

Ipagpapatuloy ko ang pagbibigay ng oportunidad para maipakita ninyo ang inyong kakayahan at Talento Marinduqueño!

Gov. Mel Go at DOH Secretary Ted Herbosa, nagpulong kamakailan upang tugunan ang mga isyu sa Marinduque Provincial Hospi...
08/04/2026

Gov. Mel Go at DOH Secretary Ted Herbosa, nagpulong kamakailan upang tugunan ang mga isyu sa Marinduque Provincial Hospital.

Inilatag dito ang mga hakbang para mapabuti ang serbisyo at matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente.

Boac, Marinduque —Ligtas nang nakabalik sa kanyang pamilya si Artemio “Toto” Soriano Jr., isang mangingisda mula sa Gasa...
07/04/2026

Boac, Marinduque —Ligtas nang nakabalik sa kanyang pamilya si Artemio “Toto” Soriano Jr., isang mangingisda mula sa Gasan, matapos siyang maiulat na nawawala nang hindi makauwi mula sa pangingisda noong April 6.

Sa direktiba ni Governor Mel Go, agad na ipinakilos ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa pangunguna ni Maj. Juan Fernandez Jr., katuwang ang MDRRMO Gasan sa pamumuno ni Anthony Zoleta, kasama ang Philippine Coast Guard at Philippine National Police. Sa tulong ng kanilang mabilis na koordinasyon, natagpuan si Tatang Toto sa Mindoro matapos umanong maubusan ng krudo habang nasa laot, at ligtas na siyang nakauwi kinabukasan.

Ang insidenteng ito ay paalala sa lahat ng ating mangingisda na tiyaking handa ang bangka at sapat ang krudo bago pumalaot. Ang maayos na paghahanda ay mahalaga upang maiwasan ang panganib sa dagat.

Patuloy kaming nakaantabay upang tumugon sa ganitong mga sitwasyon at matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Iniimbitahan ko ang lahat para sa Talento Marinduqueño Grand Finale — ngayong gabi na!Marami tayong talento dito sa atin...
05/04/2026

Iniimbitahan ko ang lahat para sa Talento Marinduqueño Grand Finale — ngayong gabi na!

Marami tayong talento dito sa ating probinsya. Halina at sama-sama nating suportahan ang ating mga finalists.

📅 April 5, 2026
🕔 5:00 PM
📍 Expo Grounds

My dear Marinduqueños,On this glorious day of Easter Sunday, we rejoice in the Resurrection of our Lord Jesus Christ, a ...
05/04/2026

My dear Marinduqueños,

On this glorious day of Easter Sunday, we rejoice in the Resurrection of our Lord Jesus Christ, a triumph of love over suffering, of light over darkness, and of life over death. It is a moment of profound joy and gratitude, reminding us that hope is never extinguished and that grace is always possible.

As we celebrate this most sacred feast, let us carry the spirit of new beginnings: to rise above our own trials, to forgive as we have been forgiven, and to serve one another with renewed hearts.

To every family in our beloved province, may your homes be filled with the peace and joy of the Resurrection. He is risen. And in that promise, so are we.

A blessed and joyful Easter to all of Marinduque.

Gov Mel Go inspects  preparations for Passengers at Balanacan Port.
04/04/2026

Gov Mel Go inspects preparations for Passengers at Balanacan Port.

🔥🎤 TALENTO MARINDUQUE IS HERE! 🎶✨  This is the showdown you’ve been waiting for—25 finalists, one stage, endless talent!...
04/04/2026

🔥🎤 TALENTO MARINDUQUE IS HERE! 🎶✨
This is the showdown you’ve been waiting for—25 finalists, one stage, endless talent! 💥

📍 Expo Grounds
🕔 Starts at 5PM sharp
💸 Totally FREE

Don’t miss the energy, the passion, the pride of Marinduque’s finest! Let’s pack the place and cheer loud—because tomorrow, history and talent collide! 🚀💯

🔥✨ COUNTDOWN TO THE ULTIMATE SHOWDOWN! ✨🔥
From 25 finalists across three powerhouse categories—
🎤🎶 Talento Marinduqueño Grand Finale is here!

📅 April 5, 2026
🕔 5:00 PM
📍 Expo Grounds

The best of Voice, Dance, and Performance Arts will collide on one electrifying stage. 🌟

Three crowns, three champions, one unforgettable night. 👑

Marinduque, are you ready to witness history? 💥

𝐎𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐇𝐀𝐘𝐀𝐆𝐋𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐧𝐝𝐮𝐪𝐮𝐞 𝙃𝙞𝙣𝙜𝙜𝙞𝙡 𝙨𝙖 𝙈𝙤𝙧𝙞𝙤𝙣𝙚𝙨 𝙇𝙚𝙣𝙩𝙚𝙣 𝙍𝙞𝙩𝙚𝙨Ipinahahayag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ma...
04/04/2026

𝐎𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐇𝐀𝐘𝐀𝐆
𝐋𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐧𝐝𝐮𝐪𝐮𝐞
𝙃𝙞𝙣𝙜𝙜𝙞𝙡 𝙨𝙖 𝙈𝙤𝙧𝙞𝙤𝙣𝙚𝙨 𝙇𝙚𝙣𝙩𝙚𝙣 𝙍𝙞𝙩𝙚𝙨

Ipinahahayag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque ang matinding pag-aalala nito kaugnay sa kamakailang ulat ng TV Patrol ng ABS-CBN News hinggil sa pagdiriwang ng Moriones sa Pola, Oriental Mindoro, dahil sa kabiguang malinaw na kilalanin ang Marinduque bilang makasaysayan at kultural na pinagmulan ng Moriones, na sa aming lalawigan ay higit na kilala bilang Moryonan.

Bagaman iginagalang namin ang mahalagang papel ng midya sa pagtataguyod ng kultura at kinikilala na maaaring may mga kahalintulad na tradisyong isinasagawa sa iba’t ibang pook, nararapat lamang na palaging pairalin ang wastong pagkilala sa kasaysayan. Ang 𝙈𝙤𝙧𝙞𝙤𝙣𝙚𝙨 𝙇𝙚𝙣𝙩𝙚𝙣 𝙍𝙞𝙩𝙚𝙨 ay isang buhay na pamana ng Marinduque, na malalim na nakaugat sa pananampalataya, pagkakakilanlan, sining, at kasaysayan ng aming mamamayan.
Ang usaping ito ay hindi tungkol sa tunggalian laban sa alinmang lalawigan. Ito ay tungkol sa pangangalaga sa katotohanan, pag-iwas sa kalituhan ng publiko, at pagprotekta sa kultural na integridad ng isang tradisyong matagal nang kinikilala na kaakibat ng Marinduque.

Dahil dito, magalang na nananawagan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque sa ABS-CBN News na agad na maglabas ng paglilinaw sa ere at kaukulang erratum o pagwawasto sa mga kaugnay nitong plataporma, na hayagang kumikilala na ang Moriones o Moryonan ay nagmula at makasaysayang iniuugnay sa Lalawigan ng Marinduque. Hinihiling din namin sa himpilan na magpahayag ng angkop na pampublikong paghingi ng paumanhin sa naturang pagkukulang.

Nananatiling matatag ang Marinduque sa pagtataguyod ng pagkakaisa at pagpapahalaga sa kultura sa hanay ng mga pamayanang Pilipino, kasabay ng matibay nitong paninindigan na itaguyod at pangalagaan ang nararapat nitong pamana bilang tunay at orihinal na tahanan ng Moriones.

Inilathala ngayong ika-2 araw ng Abril 2026, sa Lalawigan ng Marinduque, Pilipinas.

PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG MARINDUQUE

03/04/2026
My dear Marinduqueños,  On this solemn day of Good Friday, we pause to reflect on the ultimate sacrifice of our Lord Jes...
03/04/2026

My dear Marinduqueños,

On this solemn day of Good Friday, we pause to reflect on the ultimate sacrifice of our Lord Jesus Christ—a sacrifice made out of boundless love and compassion for humanity. It is a time for prayer, humility, and renewal of faith, reminding us that true strength comes from selflessness and unity.

As we commemorate His passion and death, let us also embrace the values of forgiveness, kindness, and service to one another. May this holy day inspire us to walk with greater compassion, to uplift those in need, and to strengthen the bonds that make our province a community of faith and resilience.

Together, let us honor this sacred tradition with reverence and hope, carrying forward the light of Christ in our daily lives.

May peace and blessings be upon every home in Marinduque this Good Friday."

Address

Marinduque Provincial Capitol
Boac
4900

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gov Mel Go - Marinduque posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share