Sangguniang Kabataan ng Mataas na Bayan - BOAC

Sangguniang Kabataan ng Mataas na Bayan - BOAC Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Kabataan ng Mataas na Bayan - BOAC, Government Organization, Mataas na Bayan, Boac.

The Sangguniang Kabataan of Brgy. Mataas na Bayan proudly presents our court for the upcoming Mayflower Sportsfest 2026....
08/04/2026

The Sangguniang Kabataan of Brgy. Mataas na Bayan proudly presents our court for the upcoming Mayflower Sportsfest 2026. β€οΈπŸ€

A healthy mind builds a stronger future. The Sangguniang Kabataan stands for mental health and the well-being of every y...
28/03/2026

A healthy mind builds a stronger future. The Sangguniang Kabataan stands for mental health and the well-being of every youth

Today we shared not just accomplishments, but the collective efforts of the youth working together for a better communit...
14/03/2026

Today we shared not just accomplishments, but the collective efforts of the youth working together for a better community. ❀️


CLEAN-UP DRIVE ACTIVITY πŸƒβ€œAng tunay na malasakit sa bayan ay nagsisimula sa simpleng pag-aalaga sa ating kapaligiran.”Sa...
07/03/2026

CLEAN-UP DRIVE ACTIVITY πŸƒ

β€œAng tunay na malasakit sa bayan ay nagsisimula sa simpleng pag-aalaga sa ating kapaligiran.”

Sa paghahanda sa nalalapit na Mahal na Araw, nagsama-sama ang mga kabataan ng Mataas na Bayan upang magsagawa ng Clean-Up Drive Activity sa ating barangay. Sama-samang naglinis ng mga kalsada, kanal, at mga paligid upang masigurong malinis, maayos, at kaaya-aya ang ating komunidad para sa lahat.

Sa bawat hakbang ng paglilinis at pagtutulungan, naipapakita ng kabataan ang kanilang malasakit sa kapaligiran at sa kapakanan ng buong barangay.

Layunin ng Aktibidad:
β€’ Mapangalagaan ang kalinisan at kaayusan ng barangay
β€’ Hikayatin ang kabataan na makiisa sa pangangalaga ng kapaligiran
β€’ Makapaghanda ng malinis at maayos na komunidad bilang paggunita sa Mahal na Araw

β€œMalinis na kapaligiran, maayos na pamayanan.”

Patuloy nating ipakita na ang Kabataan ng Mataas na Bayan ay may malasakit, pagkakaisa, at handang kumilos para sa ikabubuti ng ating barangay.


✨Kabataan ng Mataas na Bayan! ✨Your presence made our Christmas gift-giving more meaningful and joyful. Thank you for sp...
21/12/2025

✨Kabataan ng Mataas na Bayan! ✨
Your presence made our Christmas gift-giving more meaningful and joyful. Thank you for spending your time with us and for sharing your smiles, laughter, and holiday spirit. You truly are the hope and light of our community. πŸŽ„πŸ’–


β€œSK Mataas na Bayan Christmas Gift Giving”This Christmas season, let us come together as one community to share love, ki...
17/12/2025

β€œSK Mataas na Bayan Christmas Gift Giving”
This Christmas season, let us come together as one community to share love, kindness, and joy. Through this simple gift-giving activity, we aim to spread smiles and remind everyone of the true spirit of Christmasβ€”giving from the heart.

We warmly invite everyone to join us and celebrate this meaningful occasion with us.

πŸ—“ December 20, 2025
⏰ 4:00 PM
πŸ“ Barangay Hall

Let’s make this Christmas more meaningful together. See you there! πŸŽ„πŸŽβœ¨

πŸŽ„ PAROL PARA SA PASKO!(PPP) ✨Habang papalapit na ang Pasko, gusto ng SK Mataas na Bayan na iparamdam sa bawat kabahayan ...
27/11/2025

πŸŽ„ PAROL PARA SA PASKO!(PPP) ✨

Habang papalapit na ang Pasko, gusto ng SK Mataas na Bayan na iparamdam sa bawat kabahayan ang saya at kulay ng holiday season. Kaya naglagay kami ng mga parol na magsisilbing simbolo ng liwanag, pag-asa, at good vibes para sa lahat.

Sa simpleng pagbitin ng parol, gusto naming ipakita na kahit maliit, kaya nating magbigay liwanag sa isa’t isa. Pasko ang panahon ng kwentuhan, bonding, saya, at pagmamahalan at para narin madagdagan ng parol namin ang ngiti ng bawat dumaraan.

🌲Layunin ng Proyekto:
❄️ Iparamdam ang holiday spirit sa buong komunidad
❄️ Magbigay liwanag at kulay sa bawat kanto
❄️ Isulong ang pagkakaisa at saya ngayong Pasko

πŸ’‘ "Small light, big impact."
Let’s keep spreading joy and making this season brighter for everyone! 🌟

🌟 β€œKalinga sa Bawat Tahanan: Medikal na Alalay Para sa Kabataan!” 🩺 Bilang bahagi ng adbokasiya ng SK Mataas na Bayan sa...
16/11/2025

🌟 β€œKalinga sa Bawat Tahanan: Medikal na Alalay Para sa Kabataan!” 🩺

Bilang bahagi ng adbokasiya ng SK Mataas na Bayan sa kalusugan at kahandaan, isinagawa ang house-to-house distribution ng Medical Kits upang masiguro na ang bawat kabataan at pamilya ay may pangunahing kagamitan sa simpleng pangunang lunas.

Hindi lang medical kits ang aming dala, kundi pagtiyak na ang bawat kabataan ay may akses sa simpleng tulong pangkalusugan sa oras ng pangangailangan. ✨

Ang house-to-house distribution ng Medical Kits ay isa sa mga hakbang ng SK upang ipadama na ang kalusugan ay hindi dapat maging hadlang sa pag-unlad ng kabataan. Sa maliit na pabaon na ito, band-aids, alcohol, cotton, at iba pang essential first-aid items ay nananatiling buhay ang pangako ng aming serbisyo.

🎯 Layunin ng Proyektong ito:
βœ… Matulungan ang bawat pamilya na maging handa sa minor emergencies
βœ… Magbigay ng accessible first-aid essentials sa kabataan
βœ… Palakasin ang awareness at kahalagahan ng kalusugan

πŸ’‘ Sa pinakasimpleng paraan, ang pag-abot ng isang kit ay pag-abot din ng pag-asa.
Ito ay paalala na may kabataang handang kumilos, maglingkod, at magpunyagi para sa mas ligtas at mas malusog na Mataas na Bayan.
Sama-sama tayong gagawa ng komunidad na hindi lamang masiglaβ€”kundi tunay na may puso. πŸ’š

πŸ‘» β€œSnacks, Screams, and Nightmares: Takutan para sa Kabataan! Sulong Mataas na Bayan!” 🎬 Ang SK Mataas na Bayan ay matag...
02/11/2025

πŸ‘» β€œSnacks, Screams, and Nightmares: Takutan para sa Kabataan! Sulong Mataas na Bayan!” 🎬

Ang SK Mataas na Bayan ay matagumpay na naisakatuparan ang Horror Movie Marathon bilang paraan upang bigyan ng kakaibang bonding ang komunidad na puno ng saya, kilig, at mga alaala.

🎯 Layunin ng Proyektong ito:

βœ… Magbigay ng ligtas na espasyo para sa healthy social interaction
βœ… Hikayatin ang kabataan na makibahagi sa mga community activities
βœ… Linangin ang confidence at sense of belonging ng bawat dumadalo

πŸ’‘ Hindi lang ito tungkol sa takot, ito ay tungkol sa kwentuhan, tawanan, samahan, at pagpapahalaga sa kabataan ng ating barangay.
Sa bawat tili at tawa, may alaala kang babaunin!

Sa simpleng bonding activity na ito, ating naipapakita na ang kabataan ay malikhain, masayahin, at solid ang suporta sa mga programang pang-komunidad!



π€πππŽπ”ππ‚π„πŒπ„ππ“ | 𝐊𝐊 π€π’π’π„πŒππ‹π˜π–π‡π€π“: Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly𝐖𝐇𝐄𝐍: October 5, 2025 | 3:30 PM - onward𝐖𝐇𝐄𝐑𝐄: Barang...
03/10/2025

π€πππŽπ”ππ‚π„πŒπ„ππ“ | 𝐊𝐊 π€π’π’π„πŒππ‹π˜
𝐖𝐇𝐀𝐓: Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly
𝐖𝐇𝐄𝐍: October 5, 2025 | 3:30 PM - onward
𝐖𝐇𝐄𝐑𝐄: Barangay Hall
π–π‡πŽ: Youths of Barangay Mataas na Bayan - BOAC (15 - 30 years old)

β€œTamang Tapon, Ginhawa sa Hamon: Linis para sa Bayan! Disiplina sa Mataas na Bayan!β€πŸŒΏSa bawat basurang itinatapon ng tam...
15/09/2025

β€œTamang Tapon, Ginhawa sa Hamon: Linis para sa Bayan! Disiplina sa Mataas na Bayan!β€πŸŒΏ

Sa bawat basurang itinatapon ng tama, may ginhawang naghihintay sa buong pamayanan. ✨

Ang SK Mataas na Bayan ay buong puso at tapang na isinusulong ang Trash Bin Project isang konkretong hakbang tungo sa mas malinis, disiplinado, at responsableng komunidad.

🎯 Layunin ng Proyektong ito:
βœ… Maglagay ng tamang basurahan sa mga lugar na kailangan
βœ… Hikayatin ang bawat isa sa tamang pagtatapon at disiplina sa basura
βœ… Panatilihin ang kalinisan, kaayusan, at kalusugan ng ating barangay

πŸ’‘ Maliit man ang tapong tama, ito'y hakbang patungo sa malaking pagbabago.

Sa simpleng pagkilos, sa disiplina ng bawat isa, at sa malasakit sa kapwaβ€”maaari nating itaas ang antas ng ating bayan! Sama-sama nating linisin, alagaan, at ipagmalaki ang Mataas na Bayan!

Let’s build a cleaner, greener, and prouder communityβ€”one bin at a time! πŸ’š

πŸ“£ Makialam. Makisama. Magmalasakit.

Address

Mataas Na Bayan
Boac

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Mataas na Bayan - BOAC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share