LTO Boac District Office

LTO Boac District Office The Official Page of the Land Transportation Office (LTO) - Boac District Office, Boac, Marinduque.

πŽππ‹π€π ππ€π‹πˆπŠ π„π’πŠπ–π„π‹π€ πŸπŸŽπŸπŸ”Nakibahagi ang LTO MIMAROPA – Boac District Office at Torrijos Extension Office sa Brigada Eskwe...
05/06/2026

πŽππ‹π€π ππ€π‹πˆπŠ π„π’πŠπ–π„π‹π€ πŸπŸŽπŸπŸ”

Nakibahagi ang LTO MIMAROPA – Boac District Office at Torrijos Extension Office sa Brigada Eskwela 2026 bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Sa pakikipag-ugnayan sa ilang paaralan at pakikiisa sa mga g**o, magulang, at iba pang katuwang sa komunidad, nagsagawa ang mga kawani ng LTO ng paglilinis at pagsasaayos ng mga silid-aralan. Nagkaloob din ang tanggapan ng pintura upang makatulong sa paglikha ng isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga mag-aaral.

Ang pakikiisa sa Brigada Eskwela ay hudyat din ng opisyal na pagsisimula ng LTO Oplan Balik Eskwela 2026, isang programang naglalayong tiyakin ang ligtas, maayos, at handang pagbabalik-eskwela ng mga g**o, mag-aaral, at mga magulang. Bilang bahagi ng kampanyang ito, naglagay rin ang LTO ng mga Road Safety Posters sa mga gate ng paaralan upang paalalahanan ang mga mag-aaral at iba pang road users tungkol sa kahalagahan ng kaligtasan sa kalsada.

Sa pamamagitan ng bayanihan, pagkakaisa, at sama-samang pagkilos, patuloy nating pinagtitibay ang ating suporta sa edukasyon at sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat batang Pilipino.

π‘Ίπ’‚π’Žπ’‚-π’”π’‚π’Žπ’‚ 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 π’π’Šπ’ˆπ’•π’‚π’” 𝒏𝒂 π’‘π’‚π’ˆ-𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍, π’π’Šπ’ˆπ’•π’‚π’” 𝒏𝒂 𝒅𝒂𝒂𝒏, 𝒂𝒕 π’π’Šπ’ˆπ’•π’‚π’” 𝒏𝒂 π’Œπ’Šπ’π’‚π’ƒπ’–π’Œπ’‚π’”π’‚π’!

π‹π“πŽ π‚π‡πˆπ„π…, π‡πˆππƒπˆ ππˆππ€π‹π€πŒππ€π’ 𝐀𝐍𝐆 ππ€ππˆππ€π†πŽππ† π•πˆπ‘π€π‹ π‘πŽπ€πƒ 𝐑𝐀𝐆𝐄 πˆππ‚πˆπƒπ„ππ“; π‘πˆπƒπ„π‘ 𝐍𝐀 ππ€ππ†π†π”π‹πŽ 𝐒𝐀 πŠπ€ππ–π€ πŒπŽπ“πŽπ‘πˆπ’π“π€, ππˆππ€π“π€π–π€π 𝐍𝐆 ...
05/06/2026

π‹π“πŽ π‚π‡πˆπ„π…, π‡πˆππƒπˆ ππˆππ€π‹π€πŒππ€π’ 𝐀𝐍𝐆 ππ€ππˆππ€π†πŽππ† π•πˆπ‘π€π‹ π‘πŽπ€πƒ 𝐑𝐀𝐆𝐄 πˆππ‚πˆπƒπ„ππ“; π‘πˆπƒπ„π‘ 𝐍𝐀 ππ€ππ†π†π”π‹πŽ 𝐒𝐀 πŠπ€ππ–π€ πŒπŽπ“πŽπ‘πˆπ’π“π€, ππˆππ€π“π€π–π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ, πŒπŽπ“πŽπ‘π’πˆπŠπ‹πŽ πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€, π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ

Muling nagpakita ng mabilis na aksyon ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang Honda Click motorcycle rider na sangkot sa panibagong viral road rage incident na kumakalat sa social media.

Sa direktiba ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, agad na inilabas ng Intelligence and Investigation Division (IID) ang Show Cause Order (SCO) laban sa rider upang pagpaliwanagin kaugnay ng insidenteng nakuhanan ng video.

Batay sa nasaksihan na viral video, biglang lumipat ang rider ng Honda Click motorcycle mula sa kaliwang linya patungo sa kanang linya at napalapit sa isa pang rider na nasa parehong direksyon. Dahil dito, tumama umano ang paa ng kanyang babaeng angkas sa harapang bahagi ng motorsiklo ng kabilang rider. Kasunod nito, nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng mga sangkot, kung saan makikita ang Honda Click motorcycle rider na nakikipagtalo at gumagamit ng hindi angkop na pananalita laban sa kapwa motorista na nagre-record ng insidente.

Dahil dito, inatasan ang naturang rider at ang rehistradong may-ari ng Honda Click motorcycle na humarap sa itinakdang pagdinig ng LTO kaugnay ng mga pangyayaring nakapaloob sa viral video kung bakit hindi sila dapat papanagutin sa ilalim ng umiiral na mga batas ng LTO.

Kasabay nito, inilagay sa alarm status ang motorsiklong sangkot habang ipinataw ang 90-day preventive suspension ng driver's license ng rider at inatasan siyang isuko ang kanyang lisensya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

β€œPaulit-ulit po natin pinaaalalahanan ang bawat motorista na magpakita ng disiplina, respeto, at pananagutan sa lahat ng oras. Kapag may mga insidenteng nagpapakita ng iresponsableng pag-uugali sa lansangan, tungkulin nating tiyakin na ito ay agad na naaaksyunan at nabibigyan ng kaukulang proseso,” ani Lacanilao.

Patuloy na paiigtingin ng LTO ang kampanya nito laban sa road rage, reckless driving, at iba pang mapanganib na pag-uugali sa kalsada. Kaya naman, hinikayat ng LTO ang publiko na maging katuwang ng ahensya sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa mga lansangan sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang paglabag sa batas trapiko at iresponsableng pag-uugali sa pagmamaneho. Maaaring isumite ang mga ulat sa pamamagitan ng opisyal na mga plataporma ng LTO, kabilang ang β€œI-Report Mo kay LTO Chief” page at ang website na https://ireportmokayltochief.ph/, upang agad na maimbestigahan at maaksyunan.

πŒπ€π†πˆππ† πŒπ€πˆππ†π€π“ ππ†π€π˜πŽππ† 𝐓𝐀𝐆-𝐔𝐋𝐀𝐍!Idineklara na ng PAGASA ang simula ng tag-ulan sa bansa. Kaya mahalagang paalala mula sa...
05/06/2026

πŒπ€π†πˆππ† πŒπ€πˆππ†π€π“ ππ†π€π˜πŽππ† 𝐓𝐀𝐆-𝐔𝐋𝐀𝐍!

Idineklara na ng PAGASA ang simula ng tag-ulan sa bansa. Kaya mahalagang paalala mula sa Department of Transportation (DOTr), maging alerto at maingat sa pagmamaneho sa daan.

Para sa ating mga komyuter, magdala ng kapote, payong, o anumang gamit panangga sa ulan!

Ingat po sa biyahe!

πŸ‡΅πŸ‡­

π‹π“πŽ, 𝐏𝐍𝐏 𝐀𝐓 𝐏𝐂𝐆, 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐔𝐋𝐔𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐒𝐀 π€ππ“πˆ-π…πˆπ—πˆππ† πŽππ„π‘π€π“πˆπŽπ 𝐒𝐀 ππ€π’π€π˜; π’πˆπ˜π€πŒ 𝐍𝐀 ππˆππ€π†π‡πˆπ‡πˆππ€π‹π€π€ππ† π…πˆπ—π„π‘π’, π€π‘π„π’π“π€πƒπŽBilang bahagi ...
05/06/2026

π‹π“πŽ, 𝐏𝐍𝐏 𝐀𝐓 𝐏𝐂𝐆, 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐔𝐋𝐔𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐒𝐀 π€ππ“πˆ-π…πˆπ—πˆππ† πŽππ„π‘π€π“πˆπŽπ 𝐒𝐀 ππ€π’π€π˜; π’πˆπ˜π€πŒ 𝐍𝐀 ππˆππ€π†π‡πˆπ‡πˆππ€π‹π€π€ππ† π…πˆπ—π„π‘π’, π€π‘π„π’π“π€πƒπŽ
Bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa mga fixer at iba pang ilegal na gawain sa loob at paligid ng mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO), siyam na indibidwal na pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na fixing activities ang nahuli sa isinagawang anti-fixing operation ng mga tauhan ng LTO Field Enforcement Division-Law Enforcement Service (FED-LES), katuwang ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG), sa paligid ng LTO Pasay District Office nitong Huwebes, Hunyo 4.
Matapos ang operasyon, dinala ang mga nahuling indibidwal sa Pasay City Police Station para sa pagsasampa ng mga naaangkop na kaso.
Pinuri naman ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang matagumpay na koordinasyon ng mga law enforcement agencies na naging susi sa pagkakahuli ng mga pinaghihinalaang fixer.
β€œPatuloy nating paiigtingin ang ating kampanya laban sa mga fixer na sumisira sa integridad ng serbisyo ng pamahalaan at nananamantala sa ating mga kababayan. Hindi natin kukunsintihin ang anumang uri ng fixing sa loob at paligid ng mga tanggapan ng LTO. Sa tulong ng ating mga partner agencies, mas magiging agresibo ang ating mga operasyon upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas,” ani Lacanilao.
Muli ring pinaalalahanan ng LTO ang publiko na huwag makipagtransaksyon sa mga fixer at dumaan lamang sa mga lehitimong proseso ng ahensya. Binigyang-diin ng ahensya na ang lahat ng transaksyon sa LTO ay maaaring gawin sa pamamagitan ng mga itinakdang proseso nang hindi nangangailangan ng tulong ng mga fixer.

πŽππ‹π€π ππ€π‹πˆπŠ π„π’πŠπ–π„π‹π€ πŸπŸŽπŸπŸ”πŸšΈAs we welcome another school year, let’s make safety our top priority on the road. Remember to ...
05/06/2026

πŽππ‹π€π ππ€π‹πˆπŠ π„π’πŠπ–π„π‹π€ πŸπŸŽπŸπŸ”πŸšΈ

As we welcome another school year, let’s make safety our top priority on the road. Remember to follow traffic signs, stay alert, use sidewalks and pedestrian crossings, wear helmets when biking or riding motorcycles, and avoid distractions like mobile phones while walking or crossing.

Together, we can create safer roads, safer schools, and a brighter future for every learner.

Stop. Look. Listen. Think Safe. Act Safe.

04/06/2026
π•πˆπ‘π€π‹ π‘πŽπ€πƒ 𝐑𝐀𝐆𝐄 𝐒𝐀 π’π€πŒππ€π‹πŽπ‚, πŒπ€ππˆπ‹π€, π‡πˆππƒπˆ ππˆππ€π‹π€πŒππ€π’ 𝐍𝐈 π‹π“πŽ π‚π‡πˆπ„π…; π‘πˆπƒπ„π‘ 𝐍𝐀 ππ€ππ€πŠπˆπ“, ππˆππ€π“π€π–π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ, πŒπŽπ“πŽπ‘π’πˆπŠπ‹πŽ πˆππ€π‹π€...
04/06/2026

π•πˆπ‘π€π‹ π‘πŽπ€πƒ 𝐑𝐀𝐆𝐄 𝐒𝐀 π’π€πŒππ€π‹πŽπ‚, πŒπ€ππˆπ‹π€, π‡πˆππƒπˆ ππˆππ€π‹π€πŒππ€π’ 𝐍𝐈 π‹π“πŽ π‚π‡πˆπ„π…; π‘πˆπƒπ„π‘ 𝐍𝐀 ππ€ππ€πŠπˆπ“, ππˆππ€π“π€π–π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ, πŒπŽπ“πŽπ‘π’πˆπŠπ‹πŽ πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€, π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ
Agad na ipinag-utos ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang pag-isyu ng Show Cause Order (SCO) laban sa motorcycle rider na sangkot sa viral road rage incident sa Sampaloc, Maynila, bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng ahensya laban sa road rage at iresponsableng pagmamaneho.
Batay sa facebook video na in-upload ni "Real Ryan" sa social media, naganap ang insidente nang magkasalubong sa isang one-way street sa Sampaloc, Manila ang dalawang motorcycle rider. Makikita sa footage na ang rider na biktima ng pananakit ay nasa tamang direksiyon ng daloy ng trapiko nang sinundan umano ng kapuwa rider at backrider nito. Sa sumunod na komprontasyon, hinampas umano ng backrider ang biktima gamit ang helmet habang ang rider naman ay sumigaw ng mga pagmumura laban dito, na itinuturing na insidente ng road rage.
Ayon sa Show Cause Order (SCO) na inilabas ng Intelligence and Investigation Division (IID), ang nanakit na rider at ang kanyang backrider ay kinakailangang humarap sa IID upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa mga kasong Reckless Driving, Disregarding Traffic Signs, Failure to Wear the Standard Protective Motorcycle Helmet, at Operating a Motorcycle with Improper Footwear, gayundin kung bakit hindi sila dapat patawan ng suspensyon o pagbawi ng lisensya bilang Improper Person to Operate a Motor Vehicle.
Kasabay nito, inilagay sa alarm status ang nasabing motorsiklo at isinailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driver's license ng rider habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
β€œMahigpit naming kinukondena ang anumang uri ng karahasan at road rage sa ating mga lansangan. Ang pagmamaneho ay may kaakibat na responsibilidad, at ang sinumang mapapatunayang lumabag sa batas ay haharap sa kaukulang parusa. Patuloy naming titiyakin ang kaligtasan at kaayusan ng ating mga kalsada para sa lahat ng motorista,” ani Lacanilao.
Binigyang-diin ng ahensya na hindi nito kinukunsinti ang anumang uri ng road rage, agresibong pag-uugali, at paglabag sa batas trapiko na naglalagay sa panganib sa kapwa motorista at publiko. Nanawagan din ito sa publiko na manatiling mahinahon sa kalsada, sumunod sa mga batas trapiko, at maaaring i-report ang anumang insidente ng paglabag sa pamamagitan ng opisyal na plataporma ng LTO, kabilang ang β€œI-Report Mo kay LTO Chief” page o website (https://ireportmokayltochief.ph/) upang agad na maaksyunan.

π“πˆππ†ππ€π | Patuloy na pinalalakas ng LTO MIMAROPA Region, sa pamumuno ni OIC Regional Director PBGen. Roderick D. Minong ...
04/06/2026

π“πˆππ†ππ€π | Patuloy na pinalalakas ng LTO MIMAROPA Region, sa pamumuno ni OIC Regional Director PBGen. Roderick D. Minong (Ret.), ang ugnayan at koordinasyon sa mga katuwang na ahensya sa pagpapatupad ng batas-trapiko at pagsusulong ng kaligtasan sa kalsada sa pamamagitan ng isinagawang courtesy visit ng Regional Highway Patrol Unit (RHPU) MIMAROPA.

Pinangunahan ni PCOL Emmanuel P. Caquilala, Regional Chief, ang delegasyon ng RHPU MIMAROPA kasama sina PLT Ace Ryan RicaΓ±a, PSMS Jimmy Ganab, PCpl Rizza DV Bautista, at PCpl Angelbert Marasigan. Naging mahalagang pagkakataon ang pagpupulong upang higit pang pagtibayin ang pagkakaisa ng dalawang ahensya sa pagtataguyod ng disiplinadong paggamit ng kalsada, mas episyenteng pagpapatupad ng mga batas-trapiko, at pangangalaga sa kapakanan ng mga motorista at iba pang road users.

Sa pagpupulong, binigyang-diin ni Director Minong ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na pakikipagtulungan at matatag na koordinasyon sa pagitan ng LTO MIMAROPA at RHPU MIMAROPA upang mas epektibong maisakatuparan ang kanilang magkatuwang na layunin para sa mas ligtas, maayos, at responsableng sistema ng transportasyon sa rehiyon.

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽMagandang balita!Maaari nang gamitin ang Land Transportation Management System (LTMS) para sa inyong mga...
04/06/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ
Magandang balita!
Maaari nang gamitin ang Land Transportation Management System (LTMS) para sa inyong mga transaksyon.
Maari na po kayong magpatuloy sa inyong mga transaksyon tulad ng:
β€’ Renewal ng driver’s license
β€’ Rehistro ng mga sasakyan
β€’ Iba pang kaugnay na online services
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong pasensya at pag-unawa sa nangyaring technical issue. Nauunawaan namin ang abalang dulot nito.
Paalala: Maaari nang i-access ang LTMS Portal at ipagpatuloy ang inyong mga nakabinbing transaksyon. Para sa maayos na karanasan, siguraduhing stable ang inyong internet connection at i-refresh ang inyong browser bago mag-login.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikipagtulungan.

Address

Provincial Capitol Compound, Bangbangalon
Boac
4900

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639154721014

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO Boac District Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to LTO Boac District Office:

Share