Francis ISKO Jacinto

Francis ISKO Jacinto The official page of Francis 'Isko' Jacinto.

07/09/2026
May mga taong kayang gumawa ng sariling himig, paulit-ulit itong awitin, at iparinig sa buong Boac hanggang ang kasinung...
05/09/2026

May mga taong kayang gumawa ng sariling himig, paulit-ulit itong awitin, at iparinig sa buong Boac hanggang ang kasinungalingan ay magmukhang katotohanan.
Ngunit ang alingawngaw, gaano man kalakas, ay hindi nagiging katotohanan.

Hindi ko kailangang makipagsabayan sa kanilang awit. Hindi ko kailangang patunayan ang sarili ko sa bawat paratang. Ngunit nang ang aking pangalan ay gawing instrumento ng paninira, pipiliin kong magsalitaโ€”hindi sa pamamagitan ng ingay, kundi sa pamamagitan ng katotohanan.

Eto ang result: NEGATIVE.

(Based on the results tested at Healthway Multi-Specialty Center, located on the 4th level of One Ayala)

Hindi ito sagot para sa iilang taong pilit gumagawa ng kuwento. Ito ay sagot para sa mga Boakeรฑong may karapatang malaman ang totoo.

At sa mga matagal nang umaawit ng maling himig tungkol sa akinโ€”maaaring maulit ang awit, ngunit hindi nito mababago ang katotohanan.

Sa huli, ang maling himig ay mawawala rin sa alingawngaw. Ang katotohanan ang mananatili.

๐—›๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—˜๐—Ÿ ๐—•๐—œ๐— ๐—•๐—ข ๐—š๐—”๐—ช๐—”๐—— ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐Ÿ†Isang makabuluhan at masayang gabi po ng pagkilala, inspirasyon, at pagmamalaki ang...
02/09/2026

๐—›๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—˜๐—Ÿ ๐—•๐—œ๐— ๐—•๐—ข ๐—š๐—”๐—ช๐—”๐—— ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐Ÿ†

Isang makabuluhan at masayang gabi po ng pagkilala, inspirasyon, at pagmamalaki ang ating nasaksihan noong Hulyo 31, bilang pagpupugay sa mga kabataang patuloy na nagbibigay karangalan sa Barangay Laylay.
Bilang isang lingkod-bayan, tunay pong nakakatuwang masaksihan ang bunga ng kanilang sipag, tiyaga, at walang sawang pagpupursigi.

Higit po sa mga parangal, ipinagdiwang natin ang sipag, sakripisyo, at mga pangarap na naging daan sa kanilang tagumpay. Nawaโ€™y magsilbi po kayong inspirasyon sa kapwa kabataan na patuloy na mangarap at magsikap.

Taos-puso pong pasasalamat sa Sangguniang Kabataan ng Laylay, sa pangunguna ni SK Chairperson John Joseph โ€œOwtepโ€ Moncada, at sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay at makabuluhang gawain na ito.

Maraming salamat sa inyong malasakit at patuloy na pagtataguyod sa ating kabataan..

๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿฏ๐Ÿฐ ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ ๐—ฆ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก | ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—œ๐—•๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—ฆ ๐—”๐—ง ๐—ข๐—ฅ๐——๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”Isang makabuluhang araw ng paglilingkod po ang isinagawa sa I...
01/09/2026

๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿฏ๐Ÿฐ ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ ๐—ฆ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก | ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—œ๐—•๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—ฆ ๐—”๐—ง ๐—ข๐—ฅ๐——๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”

Isang makabuluhang araw ng paglilingkod po ang isinagawa sa Ika-34 Regular Session ng 12th Sangguniang Bayan ng Boac, kung saan masusing tinalakay ang mga panukalang ordinansa, resolusyon, at mahahalagang usapin para sa ikabubuti ng ating mga Boakeรฑo.

Sa bawat sesyon, pinaiigting po ang pakikinig, maayos na talakayan at pagkakaisa upang makabuo ng mga desisyong tumutugon sa pangangailangan ng ating komunidad.
Batas na makabuluhan. Serbisyong responsable. Pamamahalang para sa bawat mamamayan.

Patuloy po tayong magtulungan at maglingkod nang buong puso para sa mas maayos, mas maunlad at mas nagkakaisang Boac.

๐—™๐—จ๐—ก ๐—๐—ข๐—š ๐—›๐—˜๐—ฅ๐—œ๐—ง๐—”๐—š๐—˜ ๐—ฅ๐—จ๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐Ÿƒโ€โ™‚๏ธ๐Ÿญ๐Ÿฎ๐Ÿฒ๐˜๐—ต ๐—–๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—น ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—”๐—ป๐—ป๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—–๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ปIsang masigla at makabuluhang pagdiriwang po ng...
01/09/2026

๐—™๐—จ๐—ก ๐—๐—ข๐—š ๐—›๐—˜๐—ฅ๐—œ๐—ง๐—”๐—š๐—˜ ๐—ฅ๐—จ๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐Ÿƒโ€โ™‚๏ธ
๐Ÿญ๐Ÿฎ๐Ÿฒ๐˜๐—ต ๐—–๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—น ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—”๐—ป๐—ป๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—–๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป

Isang masigla at makabuluhang pagdiriwang po ng 126th Civil Service Anniversary ang isinagawa sa pamamagitan ng Fun Jog Heritage Run 2026, na pinangunahan ng ating Ina ng Bayan Mayor Armi DC. Carrion at Vice Mayor Kuya Mark Seรฑo.

Higit pa po sa simpleng pagtakbo, naging pagkakataon ito upang magsama-sama ang ating mga lingkod-bayan at buong komunidad para sa kalusugan, pagkakaisa, at malasakit sa serbisyo publiko. Sa bawat hakbang at kilometro, ipinapakita po natin na ang malusog na pangangatawan ay mahalagang katuwang sa mas mahusay at epektibong paglilingkod sa ating mga kababayan.

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at nakibahagi sa makabuluhang aktibidad na ito.

Mabuhay po ang ating mga Civil Servants!
Tuloy ang takbo, tuloy ang serbisyo!

โ€œ๐— ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐—ธ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด, ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—”๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด: ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฑ ๐—ฎ๐˜ ๐— ๐—ฎ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ž๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป.โ€Bilang ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ถ...
29/08/2026

โ€œ๐— ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐—ธ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด, ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—”๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด: ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฑ ๐—ฎ๐˜ ๐— ๐—ฎ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ž๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป.โ€

Bilang ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ป ๐—ฃ๐—ผ๐—ฝ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป, ๐—ช๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ป, ๐—–๐—ต๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป, ๐—™๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—š๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜, masaya po akong nakasama at nakibahagi sa ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—–๐—ต๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐—ปโ€™๐˜€ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€ na naglalayong palakasin ang kaalaman, kumpiyansa, at responsibilidad ng ating mga kabataan.

Sa pamamagitan po ng ganitong mga programa, nabibigyan natin sila ng pagkakataong matuto, maipahayag ang kanilang mga saloobin, at higit sa lahat, maramdaman na mahalaga ang kanilang boses at mga pangarap. Naniniwala po tayo na ang paghubog sa ating mga kabataan ngayon ay mahalagang bahagi ng pagbuo ng mas maayos na kinabukasan.

Maraming salamat po sa ๐— ๐—ฆ๐—ช๐——๐—ข, sa pangunguna ni ๐— ๐—ฟ๐˜€. ๐—›๐—ฎ๐˜‡๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ๐—ป ๐—š๐—ผ๐—ป๐˜‡๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐˜‡, kasama ang ating mga resource speakers, partner agencies, at lahat ng naging bahagi ng makabuluhang programang ito.

Sa ating mga kabataan, tandaan po ninyo na hindi kailangang malaki agad ang inyong gawin. Sa pagiging mabuti, responsable, magalang, at maalaga sa kapwa, nagsisimula na po ang inyong mahalagang ambag.

Patuloy po nating suportahan at pakinggan ang ating mga kabataan, dahil sa bawat ๐—บ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—ธ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด nila ay may malaking posibilidad para sa kinabukasan ng ating bayan.

Francis Jacinto

Address

Isok 1, Kasilag Street
Boac
4900

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Francis ISKO Jacinto posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share