03/12/2025
Mga minamahal naming Boakeño,
Nais po naming hilingin ang inyong mahalagang pananaw at saloobin hinggil sa nakatakdang proyekto ng NAPOCOR sa Boac Diesel Power Plant na matatagpuan sa Barangay Bantad, Boac, Marinduque.
Bahagi po ng proyekto ang pagdaragdag ng kapasidad o generating sets upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng demand sa kuryente sa buong lalawigan ng Marinduque.
Ang inyong kasagutan sa survey na ito ay magsisilbing mahahalagang batayan sa pagpaplano, lalo na pagdating sa maayos na operasyon ng planta at pangangalaga sa ating kapaligiran.
Google Form Link: https://tinyurl.com/npc-boac
Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong oras at pakikiisa para sa ikabubuti ng ating komunidad. Maraming salamat po!