Doc Jun Bacorro

Doc Jun Bacorro The Official page of Vice Governor Doc Jun Bacorro, Province of Marinduque, Philippines.

Kaalaman para sa Kaligtasan ng KomunidadMatagumpay na naisagawa ang Provincial Basic Life Support (BLS) Capacity Buildin...
10/04/2026

Kaalaman para sa Kaligtasan ng Komunidad

Matagumpay na naisagawa ang Provincial Basic Life Support (BLS) Capacity Building Program 2026 noong Abril 8 at 9, 2026 sa Buliasnin Covered Court, Boac, Marinduque.

Layunin ng dalawang araw na pagsasanay na mahasa ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa mga paunang hakbang sa pagsagip ng buhay bilang pundasyon ng epektibong pagtugon sa mga kritikal na sitwasyon. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang barangay ng bayan ng Boac na aktibong nakiisa para sa mas ligtas at handang pamayanan.

Naging matagumpay ang aktibidad sa pangunguna nina Dra. Rachel Rowena R. Garcia, Provincial DOH Officer ng PDOHO Marinduque, at Engr. Joel J. Maling, Engr. III ng PHO, na magkatuwang na nagbigay ng gabay at suporta sa pagpapatupad ng nasabing programa. Katuwang din ang mga kawani ng Tanggapan ng Bise Gobernador na buong pusong sumuporta sa aktibidad.

Ipinapahayag din ang patuloy na suporta ng Tanggapan ng Bise Gobernador sa mga ganitong makabuluhang programa na naglalayong mapalakas ang kakayahan ng bawat komunidad sa pagligtas ng buhay at pagpapanatili ng kaligtasan ng bawat mamamayan.

Ligtas na barangay, ligtas na lalawigan tungo sa mas handa at matatag na Marinduque!




Maligayang pagdating po sa Marinduque!Abril 07, 2026 | Governor's HallNoong Martes, sinalubong po natin ng isang putong ...
10/04/2026

Maligayang pagdating po sa Marinduque!
Abril 07, 2026 | Governor's Hall

Noong Martes, sinalubong po natin ng isang putong o tubong sina G. Alex A. Centena; Commissioner of the National Commission on Indigenous Peoples at si G. Lorenzo “Jun” G. Sagucio Jr.; Assistant Secretary for the Office of the Special Assistant to the President sa Governors Hall, Boac, Marinduque.

Ang Putong (o Tubong) ay hindi lamang isang simpleng tradisyon dito sa Marinduque; ito ay isang banal na ritwal ng pasasalamat at pagkilala. Sa bawat awit at indak, bawat panauhin ay itinatangi bilang hari at reyna, isang pagpapakita ng wagas na pagmamahal mula sa tunay na Puso ng Pilipinas.

Araw ng KagitinganAng tunay na kabayanihan ay wala sa laki ng armas, kundi sa lalim ng pag-ibig sa bayan.Ngayong Araw ng...
09/04/2026

Araw ng Kagitingan

Ang tunay na kabayanihan ay wala sa laki ng armas, kundi sa lalim ng pag-ibig sa bayan.

Ngayong Araw ng Kagitingan, binibigyang-pugay natin ang mga bayaning lumaban sa Bataan at ang mga "modern-day heroes" na patuloy na nagtataguyod sa ating bansa. 🫡❤️💙💛

Provincial Basic Life Support (BLS) Capacity Building Program 2026Handa ka na ba maging isang trained FIRST AIDER?! 🩹Lig...
07/04/2026

Provincial Basic Life Support (BLS) Capacity Building Program 2026

Handa ka na ba maging isang trained FIRST AIDER?! 🩹

Ligtas na barangay, ligtas na lalawigan! Para sa mas handa at matatag na pamayanan, iniimbitahan po ang inyong barangay na lumahok sa training na ito.

​Magkita-kita tayo bukas para sa ating 2-Day Training Program ngayong April 8 at 9, 2026 sa Buliasnin Covered Court, Boac, Marinduque!

​Magsisimula ang programa sa ganap na 8:00 AM hanggang 5:00 PM para sa Batch 1 ng ating Basic Life Support Training. 💊

Sa BLS Training, LIBRE ang:
• Foods
• Accommodation
• Certificate

Sino ang pwedeng sumali?
• 24–45 years old
• Physically fit
• No thyroid issues
• No asthma
• No history of surgery
• Current barangay official
• Bona fide resident ng inyong barangay

Para sa karagdagang impormasyon at submission ng participants, mag-message o tumawag lamang kay:

​Mr. Paul Andrene Sto. Domingo (OVG Community Programs Focal)
Mobile: 0951-115-9036

Kita-kits tayo bukas!

30th Regular Session17th Sangguniang PanlalawiganAbril 6, 2026 | SP Session HallIsinagawa ang ika-30 na Regular Session ...
06/04/2026

30th Regular Session
17th Sangguniang Panlalawigan
Abril 6, 2026 | SP Session Hall

Isinagawa ang ika-30 na Regular Session ng 17th Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Romulo “Doc Jun” Bacorro.
Tinalakay sa sesyon ang municipal ordinance ng Sangguniang Bayan ng Gasan para sa review at approval, gayundin ang mga ulat ng iba’t ibang komite kaugnay ng human resources, batas at ordinansa, at appropriation.

Napag-usapan din ang mungkahing paglikha ng plantilla position at ang planong pakikipagkasundo sa DOST-PHIVOLCS para sa pagpapalakas ng disaster risk management ng lalawigan.

Kasabay nito, binigyang-diin din ang kahalagahan ng patuloy na pagsusulong at pangangalaga sa mga usaping may kinalaman sa ating tradisyon at kulturang mga pamana ng ating nakaraan na nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat Marinduqueño, tulad ng mga makasaysayang pagdiriwang na dapat ipagmalaki at maipamana sa mga susunod pang henerasyon.

Patuloy ang Sangguniang Panlalawigan sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa kapakanan ng bawat Marinduqueño.



Holy Wednesday ParadeAbril 1, 2026 | Moriones Arena, Boac​𝗠𝗮𝗴𝗻𝗶𝗹𝗮𝘆. 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻. 𝗠𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮. 🕯️​Muli tayong nagsama-sama pa...
06/04/2026

Holy Wednesday Parade
Abril 1, 2026 | Moriones Arena, Boac

​𝗠𝗮𝗴𝗻𝗶𝗹𝗮𝘆. 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻. 𝗠𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮. 🕯️

​Muli tayong nagsama-sama para sa ating Community Lenten Parade na ginanap noong Abril 1, 2026, sa Moriones Arena, Boac, Marinduque. Sa bawat hakbang ng ating parada, nawa’y higit nating mapagnilayan ang sakripisyo at pagmamahal ng ating Panginoon.

​Nakiisa sa nasabing aktibidad ang ating Bise Gobernador Romulo Bacorro Jr., kasama ang iba’t ibang lokal at pambansang tanggapan. Maging gabay sana natin ang pagpapakumbaba at debosyon sa ating bayan.

Magandang araw!​Sa pagdagsa ng mga turista ngayong Semana Santa, ipakita natin ang tunay na Pusong Marinduqueño. Maging ...
02/04/2026

Magandang araw!

​Sa pagdagsa ng mga turista ngayong Semana Santa, ipakita natin ang tunay na Pusong Marinduqueño. Maging patas sa singil, laging handang tumulong, at laging may ngiti sa mga labi.

​Gawing makulay at puno ng magandang alaala ang kanilang pagbisita! 🥥🌴

Moryonan sa MarinduqueMainit ang panahon pero mas mainit ang pagtanggap ng Marinduque sa mga bisita ngayong Mahal na Ara...
31/03/2026

Moryonan sa Marinduque

Mainit ang panahon pero mas mainit ang pagtanggap ng Marinduque sa mga bisita ngayong Mahal na Araw.

Tara na’t makisaya sa makulay na tradisyon ng Moryonan! Siguradong mamamangha ka sa ganda ng ating kultura at sa mainit na pagtanggap ng mga Marinduqueño. 🥥❤️




Moryon Heritage: Bawat ukit sa Maskara, may kwento itong dinadala! 🎭Marso 28, 2026 | Governor's HallNoong Sabado, ginana...
31/03/2026

Moryon Heritage: Bawat ukit sa Maskara, may kwento itong dinadala! 🎭
Marso 28, 2026 | Governor's Hall

Noong Sabado, ginanap ang isang symposium tungkol sa Moryonan sa ating lalawigan sa Governor's Hall. Ito ay pinamagatang "Heritage Symposium on Moryonan" kung saan tinalakay ang kahalagahan ng kultura sa lalawigan ng Marinduque.

​Dumalo ang ating Bise Gobernador Romulo Bacorro Jr. at nagbigay ng pangwakas na mensahe. Sa kanyang talumpati, binigyang-halaga niya ang Moryonan bilang isa sa mga pangunahing pagdiriwang sa ating lalawigan tuwing Semana Santa.

​Ang Moryonan ay hindi lamang isang sining kundi isang malalim na panata at angkla ng pagkakakilanlan ng mga Marinduqueno sa gitna ng modernong panahon. Hamon ito sa mga kabataan na isabuhay ang disiplina at debosyong kalakip ng tradisyon upang hindi ito maging anino na lamang ng nakaraan.

​Sa bawat maskara, ipinapaalala ang ating pananagutan sa Diyos at sa susunod na salinlahi na panatilihing buhay at may saysay ang ating pambihirang pamana.




MAKULAY NA PAGBUBUKAS NG AGRO-TOURISM, TRADE, & FOOD FAIR 2026‎Marso 30, 2026 | Marinduque Expo, Boac‎‎Pormal na pinasin...
30/03/2026

MAKULAY NA PAGBUBUKAS NG AGRO-TOURISM, TRADE, & FOOD FAIR 2026
‎Marso 30, 2026 | Marinduque Expo, Boac

‎Pormal na pinasinayaan nitong Lunes (Holy Monday), matapos ang misa at makabuluhang prusisyon, ang pagbubukas ng Agro-Tourism, Trade, & Food Fair 2026 sa Marinduque Expo—isang selebrasyon ng yaman ng agrikultura, lokal na produkto, at masasarap na pagkaing tunay na gawang Marinduqueño.

‎Pinangunahan ang Grand Opening sa pamamagitan ng ribbon cutting at blessing of booths, na dinaluhan nina Vice Governor Romulo “Doc Jun” Bacorro Jr., Governor Melecio Go, at Honorable Congressman Reynaldo Salvacion, kasama ang mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Panlalawigan: Hon. Antonio Mangcucang III, Hon. Joam Merano-Morales, Hon. John Pelaez, at Hon. Gilbert Daquiaog. Dumalo rin ang ilang mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan upang makiisa sa nasabing okasyon.

‎Isang makulay at makabuluhang simula para sa patuloy na pagsuporta sa ating mga lokal na magsasaka, negosyante, at turismo. Sama-sama nating tangkilikin ang sariling atin!





TURNOVER OF ENVIRONMENTAL SUPPORT MATERIALSMarch 29, 2026 | Barangay Laylay, BoacMasaya po nating ibinabalita ang matagu...
30/03/2026

TURNOVER OF ENVIRONMENTAL SUPPORT MATERIALS
March 29, 2026 | Barangay Laylay, Boac

Masaya po nating ibinabalita ang matagumpay na turnover ng mga bakal na waste bins sa Barangay Laylay, kasunod ng Shore It Up! Weekend 2026 Coast Cleanup at Mangrove Enhancement Activities na ginanap noong Linggo, 29 Marso 2026.

Ang mga kagamitang ito ay magsisilbing pangmatagalang suporta sa wastong pamamahala ng basura at patuloy na pangangalaga sa ating mga baybayin, isang mahalagang hakbang tungo sa mas malinis at mas ligtas na kapaligiran.

Lubos po tayong nagpapasalamat ang Pamahalaang Panlalawigan sa Metro Pacific Investments Foundation (MPIF) sa kanilang pangunguna at walang sawang suporta sa programang ito. Taos-puso ring kinikilala ang aktibong pakikilahok ng Barangay Laylay, kasama ang iba pang katuwang na barangay, mga volunteers, at mga sektor na nakiisa sa sama-samang adhikain para sa kalikasan.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, at komunidad, patuloy nating pinagtitibay ang pangangalaga sa ating likas-yaman para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon ng Marinduqueño.

Sa iisang araw, iisang dagat, at iisang layunin, 197 volunteers ang nagsama-sama sa Laylay Beach, Boac, Marinduque para ...
29/03/2026

Sa iisang araw, iisang dagat, at iisang layunin, 197 volunteers ang nagsama-sama sa Laylay Beach, Boac, Marinduque para sa Shore It Up! Weekend 2026. Para sa malinis na baybayin. Para sa bakawan. Para sa kinabukasan. 🌊🌱

Kasabay natin ngayon ang iba’t ibang coastal sites sa buong Pilipinas, patunay na kapag pinili nating kumilos, sabay-sabay din nating mapapangalagaan ang inang kalikasan.

Maraming salamat sa lahat ng masisipag na volunteers, sa barangay ng Laylay, sa katuwang na mga ahensya, at sa Metro Pacific Investments Foundation sa patuloy na pagsuporta sa mga gawaing nagbibigay-buhay sa ating mga baybayin at komunidad.

Ito ang lakas ng bayanihan. Ito ang malasakit na umaabot sa dagat, baybayin, at mga komunidad.

Address

Boac
4900

Telephone

+639173282825

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doc Jun Bacorro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Doc Jun Bacorro:

Share