19/05/2026
๐ฏ ๐ฆ๐๐ฆ๐ง๐๐ฅ๐ฆโ ๐๐ข๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ก๐๐ก๐ ๐๐๐๐ฃ๐ฆ, ๐๐๐ช๐๐ ๐ฆ๐๐๐ ๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก๐๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐ฆT
Ang Gawad Saka Award ay ang pinakamataas na taunang pagkilala ng Department of Agriculture para sa mga natatanging magsasaka, mangingisda, at agri-based institutions na nagpapakita ng kahusayan, inobasyon, at pagpapanatili sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Isang malaking karangalan para sa ating lalawigan na ang 3 Sistersโ Homemade Banana Chips ay kabilang sa mga National Finalists para sa Outstanding Microenterprise sa ilalim ng Gawad Saka Awards.
Dumating kahapon ang National Evaluation Team sa pangunguna ni Ms. Luzviminda Tolentino mula sa DA-AMAD para sa isasagawang field validation ngayong araw. Bilang pagsalubong, nagsagawa ng Welcome Dinner Program kagabi na sinimulan sa pamamagitan ng ating katutubong putong bilang simbolo ng mainit na pagtanggap at mayamang kulturang Marinduqueรฑo.
Ang lahat ng nominees ay sumailalim sa desk evaluation batay sa prescribed criteria ng National Technical Committee at susundan ng field validation upang higit pang mapatunayan ang kanilang mga naisumiteng impormasyon.
Nagbigay ng welcome remarks at inspirational message si Ms. Susana Arellano-Uy, OIC-Provincial Agriculturist. Tampok din sa programa ang audio-visual presentation (AVP) ng 3 Sistersโ Homemade Banana Chips kung saan ibinahagi ang pagsisimula, at kwento ng pag-unlad ng kanilang microenterprise.
Nagbigay din ng kanilang mensahe ng suporta sina:
๐น Ms. Rosette Pitero Sotta โ President, Philippine Chamber of Commerce and Industry โ Marinduque Chapter
๐น Mr. Joseph Malangis โ Vice President, Philippine Exporters Confederation, Inc. โ Marinduque Chapter
๐น Mr. Mark Dennis Cortez โ Representative, Department of Trade and Industry โ Marinduque
๐น Mr. Bernardo T. Caringal โ Provincial S&T Director, DOST-PSTO Marinduque
๐น Bokal Mark Angelo Jinang
๐น Bokal Primo Pamintuan
๐น Vice Governor Romulo A. Baccoro, Jr.
Kasama rin sa pagtitipon sina Mr. Richard Justin D. Lancion ng DICT Marinduque, Mr. Montecarlo L. Jao ng DOLE, at iba pang mga panauhin at katuwang sa programa.
Higit sa lahat, nagbigay ng taos-pusong mensahe si Ms. Rowena Globio, owner ng 3 Sistersโ Homemade Banana Chips. Ibinahagi niya kung paano nagsimula ang kanilang microenterprise mula sa simpleng pangarap, sipag, dedikasyon, at pusong paglilingkod para sa pamilya at komunidad.
Patunay lamang ito sa kakayahan, sipag, at husay ng mga magsasakang Marinduqueรฑo na makipagsabayan sa pambansang antas. Nawaโy magsilbi itong inspirasyon sa iba pang maliliit na negosyo, agricultural entrepreneurs, at mga katuwang sa pagpapaunlad ng agrikultura at pangisdaan sa ating lalawigan.
Congratulations at mabuhay ang 3 Sistersโ Homemade Banana Chips!