30/05/2026
Tingnan!
Ang DepED Marinduque ay nakiisa sa malawakang pagpapatupad ng Oplan Balik Eskwela (OBE) 2026 mula ika-1 hanggang ika-11 ng Hunyo, 2026. Magbubukas po ang aming tanggapan ng isang Public Assistance Division Command Center na tatanggap sa publiko para sa kanilang mga katanungan at mga isyu patungkol sa paghahanda para sa pagbubukas ng klase sa Taong Panuroan 2026-2027. Maari din pong tumawag sa mga numero na nakasaad sa post na ito. Ang aming tanggapan ay matatagpuan sa Brgy. Malusak, Boac, Marinduque.