Sangguniang Barangay ng Sapang

Sangguniang Barangay ng Sapang BARANGAY SAPANG

๐Ÿ“ข PAALALA | DSWD UPLIFT ASSISTANCE PAYOUTMagandang gabi po, mga kabarangay ng Barangay SapangInaanyayahan po ang mga ben...
17/07/2026

๐Ÿ“ข PAALALA | DSWD UPLIFT ASSISTANCE PAYOUT

Magandang gabi po, mga kabarangay ng Barangay Sapang

Inaanyayahan po ang mga benepisyaryong kabilang sa listahan ng DSWD UPLIFT Assistance na dumalo sa payout sa:

๐Ÿ—“ Hulyo 20, 2026 (Lunes)
๐Ÿ•— 8:00 ng umaga
๐Ÿ“ Municipal Auditorium
๐Ÿ“Œ Paalala: Ang listahan ng mga benepisyaryo ay mula po sa Community-Based Monitoring System (CBMS) at hindi po ito pinili ng Pamahalaang Barangay ng Sapang.

โœ… Maaaring kunin ang application form sa Hulyo 18, 2026 (bukas po), 9:00 AM sa atin pong Barangay Hall.

Huwag ding kalimutang dalhin ang inyong Valid I.D mas maganda kung may National I.D po at kung wala naman pong National I.D ay pede po iyung nasa list sa larawan sa ibaba.

Maraming salamat po!

Pakibahagi na rin ang paalalang ito sa mga benepisyaryong inyong kakilala.

02/06/2026

๐Ÿ“ข PAANYAYA SA LAHAT NG RESIDENTE NG BARANGAY SAPANG! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ๐ŸŽจ

Ang Municipal Gender and Development (GAD) Office ng Binangonan ay nag-aanyaya sa lahat ng residente, estudyante at mga miyembro o kaalyado ng LGBTQIA+++ community na lumahok sa โ€œMahal Kong Binangonanโ€ LGBTQIA+++ Logo Making Contest.

๐Ÿ–Œ๏ธ Tema: โ€œPagkakapantay-pantay, Pagmamahal, at Pagkakaisa para sa Makabagong Binangonanโ€
Layunin ng patimpalak na makalikha ng opisyal na logo na sumisimbolo sa inclusivity, diversity, equality, pride, at pagmamahal sa ating bayan.

*Layunin*

>Itaguyod ang visibility ng LGBTQIA+++ community sa Binangonan.
>Hikayatin ang pagkamalikhain ng mga residente.
>Makagawa ng opisyal na logo na sumisimbolo sa inclusivity, diversity, equality, at pride.
>Suportahan ang Gender and Development (GAD) advocacy

*Sino ang Maaaring Sumali*

>Mga residente, estudyante at LGBTQIA+++ members/allies ng Binangonan.
>Individual entry lamang.
>Hindi maaaring sumali ang organizers, judges, at kanilang immediate family members.
>Mga Dapat Isaalang-alang sa Logo
Kumatawan sa diwa ng โ€œMahal Kong Binangonan.โ€
>Magpakita ng pride, inclusivity, equality, diversity, at empowerment.
>Isama ang mga simbolo ng kultura, tao, o pagkakakilanlan ng Binangonan

*Mga Kailangan sa Entry*

>Orihinal at hindi pa nailalathala.
>Hindi AI-generated at hindi kinopya.
>Walang copyright infringement.
>Maaaring digital illustration o hand-drawn (na idi-digitize para sa submission).

*Logo Specifications*

>Colored design.
>High-resolution PNG o JPEG.
>May kasamang concept/explanation (maximum 200 words).
>Isang entry lamang bawat participant.

*Isusumite*

>Logo Design
>Brief Description/Concept Paper
>Proof of Residency o School ID

*Pagsusumite*

๐Ÿ“ง [email protected]
๐Ÿ“ Municipal GAD Office

*Deadline*

>June 8, 2026
>Criteria for Judging
>Relevance to Theme โ€“ 35%
>Creativity and Originality โ€“ 30%
>Visual Impact and Artistic Quality โ€“ 20%
>Symbolism and Meaning โ€“ 15%

*Suggested Elements*

>Rainbow/Pride colors
>Heart symbol (โ€œMahalโ€)
>Fish o lake imagery (Laguna de Bay/Binangonan)
>Unity hands o human figures
>Sun, stars, o local cultural symbols

Hinihikayat namin ang lahat ng may talento sa pagguhit at pagdidisenyo na makiisa at ipakita ang kanilang pagkamalikhain para sa isang mas inklusibo at nagkakaisang Binangonan.

02/06/2026

๐Ÿ“ข PAANYAYA PARA SA PRIDE MONTH CELEBRATION 2026 ๐ŸŒˆ

Ang PRIDE Binangonan Inc. ay nag-aanyaya sa lahat ng kwalipikadong residente ng Binangonan na makilahok sa pagdiriwang ng Pride Month 2026!

โœจ BINANGONAN DRAG SUPERSTAR
๐Ÿ“Œ Para lamang sa mga residente ng Binangonan.
๐Ÿ“Œ Magpasa ng valid ID bilang patunay ng paninirahan at 2 minutong video na naka-drag makeup.
๐Ÿ“Œ Deadline ng pagsusumite: Hunyo 5, 2026
๐Ÿ“Œ Limitado ang slots at susundin ang "First Come, First Served" basis.
๐Ÿ“Œ Maghahanda ng 3 minutong kanta para sa lip sync battle.
๐Ÿ“Œ Gaganapin ang runway modeling at pag-aanunsyo ng mga mananalo sa Hunyo 20, 2026. ๐Ÿ† May nakalaang cash prizes para sa mga mananalo!

๐ŸŒŸ LGBTQIA++ RECOGNITION AWARDEES OF BINANGONAN 2026 Tumatanggap din ng nominasyon para sa mga natatanging miyembro ng LGBTQIA++ community na nagbigay ng karangalan at inspirasyon sa Binangonan.

Para sa karagdagang impormasyon at pagsusumite ng requirements, maaaring makipag-ugnayan sa: ๐Ÿ“ง [email protected]

๐Ÿ“ฃ Mula sa Barangay Sapang, hinihikayat namin ang mga kwalipikadong residente na makiisa at ipagdiwang ang pagkakaiba-iba, pagkakapantay-pantay, at pagmamalaki ng ating komunidad.

26/05/2026

๐Ÿ“ข ANUNSYO PARA SA MGA PWD NG BARANGAY SAPANG ๐Ÿ“ข

Magandang buhay po sa ating mga minamahal na PWD.

Ipinapaalam po namin na HINDI PO matutuloy bukas ang nakatakdang paanyaya para sa gaganaping election ng PWD dahil po sa holiday.

Magpapadala na lamang po kami muli ng panibagong paanyaya kapag mayroon na pong bagong schedule.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

09/05/2026

๐Ÿ“ข ๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐’๐€๐๐€๐๐† ๐Ÿ“ข

Wala po munang maglalabas ng ating mga basura dahil wala pong hakot ng basura ang Munisipyo ngayong linggo.

Ipapagawa po ang service o flat boat na ginagamit sa paghahakot ng basura.

Kaya naman po ay nakikiusap kami sa lahat na ๐ก๐ฎ๐ฐ๐š๐  ๐ฆ๐ฎ๐ง๐š ๐ฉ๐จ ๐ฆ๐š๐ ๐ฅ๐š๐›๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐›๐š๐ฌ๐ฎ๐ซ๐š, lalo na ang mga maaaring makasagabal sa mga daan.

Maaari po munang itabi ang basura sa kani-kanilang bakuran upang maiwasan ang pagkalat nito.

Umaasa po kami sa inyong pakikiisa at malawak na pang-unawa. Maraming salamat po. โ™ป๏ธ๐Ÿ™

โ€”Sangguniang Barangay ng Sapang

08/05/2026

๐ŸŒท MOTHERโ€™S DAY SPECIAL CELEBRATION ๐ŸŒท

Magandang araw po sa ating mga taga-Sapang! ๐Ÿ’ƒ๐Ÿ•บ

Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa ating Motherโ€™s Day Special Celebration bukas, simula 7:00 PM, na magsisimula sa isang masayang Zumba Session bilang pagpupugay at pasasalamat sa ating mga mahal na nanay. โค๏ธ

Ang selebrasyong ito ay bukas para sa lahat โ€” mga nanay, tatay, kabataan, matatanda, may asawa, binata at dalaga. Sama-sama po nating ipagdiwang ang okasyong ito bilang isang masaya at nagkakaisang komunidad. ๐ŸŽ‰

๐Ÿ“Œ Uniform: Red upper shirt lamang po
๐ŸŽŸ๏ธ Contribution / Entrance Fee: โ‚ฑ20 per head

Pagkatapos ng Zumba ay magkakaroon po ng Open Party para sa lahat ng nais mag-enjoy at makisaya. Maaari na rin pong magdala ng pampalit na damit para sa mga gustong dumiretso sa party pagkatapos ng activity. ๐ŸŽถโœจ

Tara na po at sama-sama nating gawing espesyal ang pagdiriwang para sa ating mga ilaw ng tahanan! โค๏ธ




๐Ÿ“ข ANUNSYO SA BARANGAY SAPANG ๐Ÿ“ขMagandang araw po sa lahat.Nais po naming ipaalam na may nawawalang portable speaker sa ba...
05/05/2026

๐Ÿ“ข ANUNSYO SA BARANGAY SAPANG ๐Ÿ“ข

Magandang araw po sa lahat.

Nais po naming ipaalam na may nawawalang portable speaker sa bandang Wawa, Purok 3.

๐Ÿ”Š Detalye ng speaker:
Kulay: Gray
Brand: DEVANT
Hugis: Cylinder (bilog na pahaba)
May ilaw na bilog sa harap (LED ring)

Kung sakaling may nakapulot o may impormasyon po kayo tungkol dito, maari po lamang makipag-ugnayan agad sa barangay.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon ๐Ÿ™

28/04/2026

๐Ÿ“ข PAANYAYA SA MGA TAGA-BARANGAY SAPANG ๐Ÿ“ข

Malugod po naming inaanyayahan ang lahat ng mamamayan ng Barangay Sapang na makiisa at makilahok sa pagdiriwang ng Kapistahan ng ating Patron na si San Jose Manggagawa.

Ito po ay isang espesyal na okasyon ng pananampalataya, pagkakaisa, at pasasalamat, kung saan sama-sama nating bibigyang pugay ang ating mahal na patron na si San Jose Manggagawa.

๐Ÿ“ ABRIL 30 โ€“ PAGODA SA DAAN
๐Ÿ•  5:30 AM โ€“ Pagtitipon at Pag-iipon sa Covered Court
๐Ÿ•• 6:00 AMโ€“ Pagsisimula ng Sama Samang Panalangin (SSP) at Pagpaparangal sa ating Patron na si San Jose Manggagawa na gaganapin sa Covered Court,

Pagkatapos ng pagpaparangal ay agad na susundan ng Pagoda sa kalsada na iikot sa mga daan ng ating barangay.

Wala pong pagoda sa dagat ngayong taon dahil sa kasalukuyang krisis at sa mataas na presyo ng krudo at gasolina.

๐Ÿ“ MAYO 1 โ€“ ARAW NG KAPISTAHAN
โ›ช 9:00 AM โ€“ Banal na Misa
Kasama na rin po rito ang pagbibinyag para sa mga batang bibinyagan.

๐Ÿ•• 6:00 PM โ€“ Prusisyon

Pagkatapos ng prusisyon ay susundan ito ng makulay na Fireworks Display na gaganapin sa Baywalk.

Inaanyayahan po namin ang bawat pamilya na makiisa sa pagdiriwang na ito bilang simbolo ng ating pagkakabuklod, pananampalataya, at pagmamahal sa ating patron.

Sama-sama po nating ipagdiwang ang Kapistahan ng ating Mahal na Patron na si San Jose Manggagawa!

Viva San Jose Manggagawaโคโคโค

Maraming salamat po at mabuhay ang Barangay Sapang! ๐Ÿ™โœจ

22/04/2026

๐Ÿ“ข PAALALA SA LAHAT NG TAGA-BARANGAY SAPANG ๐Ÿ“ข

Bukas na po ang pagdating ng LCR (Local Civil Registrar) at PSA para sa mga magpapa-late registration ng Birth Certificate.

Para naman po sa mga wala pang National ID, may kasama rin pong taga-National ID upang kayo ay makapag-asikaso.

๐Ÿ“ Lugar: Covered Court, Barangay Sapang
๐Ÿ•— Oras: 8:00 ng umaga
๐Ÿ“… Petsa: Abril 23, 2026

Inaanyayahan po ang lahat ng may kailangan sa late registration ng Birth Certificate at National ID na pumunta at magdala ng kanilang mga kinakailangang dokumento.

Maraming salamat po.

Address

SAPANG, BINANGONAN, RIZAL
Binangonan
1940

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Sapang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share