Sangguniang Barangay ng Ginoong Sanay

Sangguniang Barangay ng Ginoong Sanay Bagong Liderato para sa Bagong Ginoong Sanay

Kung sino man pong nawawalan ng ganitong Cellphone Vivo Y02t model. Mangyari lang po makipag ugnayan sa Sangguniang Bara...
18/04/2026

Kung sino man pong nawawalan ng ganitong Cellphone Vivo Y02t model. Mangyari lang po makipag ugnayan sa Sangguniang Barangay ng Ginoong Sanay ganun nadin po sa manok na kulay GOLD.

17/04/2026

MAG-INGAT SA MAGNANAKAW!🚨
Mangilan-ngilan na ang nakawan sa ating Barangay kaya isang paalala mula sa ating Sangguniang Barangay;

🔐 - Siguraduhing nakakandado ang bahay
💡- Mag-iwan ng ilaw sa labas o gumamit ng timer
👀- Makipag-ugnayan sa mapagkakatiwalaang kapitbahay
🚫- iwasang magpost na wala ka sa bahay
📞- ireport agad ang kahina-hinalang kilos o tao

Maging mapagmasid. Laging nakaabang ang mga magnanakaw. Gusto nilang biktimahin ang mga walang kamalay-malay. Kaya maging mapagbantay sa iyong paligid at sa mga taong nagmamasid sa iyo.

Sama-sama po tayo para sa kaligtasan ng komunidad‼️

07/04/2026

REAL PROPERTY TAX OF PAYMENT
Pakikuha po sa Barangay or makipag-ugnayan po kay Sec. Marleth M Celebre

1. SERGIO VERZA
2. NICOLAS OLVIDA
3. MARTIN ARAGONES
4. RICARDO ARAGONES
5. BASILIO LERONA
6. SEVERINO CERNERO
7. DEMETRIO ARAGONES
8. LUCAS AÑAIN
9. SINFOROSO BELISON
10. HRS. OF MATIAS OLVIDA
11. EUGENIO CELEBRE
12. CANUTO ARAGONCILLO
13. MARIANO LERONA
14. JOSE CERNERO
15. ANGEL ARAGONCILLO
16. FLORENCIO ARAGONCILLO
17. PEDRO AÑAIN
18. MAXIMO SILAYAN
19. VICTORIO ERASGA
20. FRANCISCA VERZA
21. FRANCISCO BUEZA
22. VALENTIN ARAGONES
23. PIOQUINTO LERONA
24. FELIX CERNERO
25. DOMINGO ANORE
26. LORENZO SAN ANTONIO
27. SPS. ROSALINO PERONA AND ROSALINA PERONA

This is to inform that the real property tax(es) due and payable for the year(s) 2026 on the property located at Barangay Ginoong Sanay and ownership stated named above for taxation purposes.

Please coordinate with Barangay Secretary to claim your notice. Thank you.😊

06/04/2026

BAWAL NA‼️~ DILG
* Inuman sa Kalsada
* Naka-topless sa kalye
* Late night videoke (10pm)

MAY mahigpit na babala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa mga pasaway sa kalye!

Mula sa inuman sa kalsada, paglalakad nang walang suot na pang-itaas o topless, hanggang sa pagbi-videoke lampas alas-10 ng gabi…lahat ‘yan ay bawal na!

Sa isang press briefing sa Quezon City, diretsahang sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla: “Bawal na ang mag-inom sa kalye. Bawal na ang maglatag ng mga silya at mga lamesa sa mga kalye at mag-inuman.”

Doon na nanggagaling number one ang away, number two ang sexual harassment,” paliwanag niya.

Giit niya sa mga matigas ang ulo, “‘Pag kayo mag-inuman sa kalye, huhulihin namin kayo. ‘Pag nasa loob kayo, walang problema. Pero sa labas, sa kalye, public spaces, bawal na ang inuman.”

Hindi rin lusot ang mga palaboy na walang suot na pang-itaas.

Ayon kay Remulla, ang pagsusuot ng damit sa publiko ay simpleng paggalang at disiplina bilang mamamayan.

Samantala, tigil na rin ang kantahan sa kalsada kapag sumapit na ang 10:00 p.m. 💙

Happy Birthday po sa ating butihing Kagawad Alvin Belison Alarcon na napaka-matulungin sa mga nangangailangan, genuine s...
06/04/2026

Happy Birthday po sa ating butihing Kagawad Alvin Belison Alarcon na napaka-matulungin sa mga nangangailangan, genuine service and unwavering dedication to our barangay.🫰🏻💙

More Bdays to come and May you always be blessed with strength, wisdom, and a heart full of purpose.🥳🎉 Cheers for more Years!!🥂

LIBRENG GAMOT at SOLAR STREET LIGHTS‼️At pamamahagi ng JETMATIC WATER PUMP‼️Maraming Salamat Po Kapitan Derick Lerona at...
30/03/2026

LIBRENG GAMOT at SOLAR STREET LIGHTS‼️
At pamamahagi ng JETMATIC WATER PUMP‼️

Maraming Salamat Po Kapitan Derick Lerona at sa lahat ng mga Kagawad sa napakagandang proyektong ito. 🫰🏻💙

Unang Batch pa lamang po ito ng 2026.
Bagamat may mga bahagi pa pong kulang, makakaasa po tayo na patuloy po tayong magsusupply ng serbisyong may malasakit para sa nasasakupan ng ating Barangay.

Pupunan din po natin ang ilang mga area/lugar na kulang pa sa SOLAR STREET LIGHTS, ng sa ganon po ay mas maliwanag, mas ligtas, at mas maayos ang ating mga daraanan lalo na sa gabi.

Namahagi din po ng JETMATIC WATER PUMP upang masolusyunan ang kakulangan sa supply ng tubig sa kahilingan ng ating mamamayan. Makatutulong ito upang may mapagkunan ng malinis at magagamit na tubig ang ating mga kakabayan sa kanilang araw-araw na pangangailangan.

Lubos po ang ating pasasalamat sa ating mahal na
Punong Barangay at mga Kagawad, sa patuloy na suporta sa mga programang LIBRENG GAMOT at proyektong nagbibigay liwanag at seguridad sa ating komunidad. Maraming salamat din sa lahat ng tumulong sa pagkabit ng mga solar lights at jetmatic water pump.

Patuloy po tayong magtulungan para sa mas malusog na pangangatawan, mas maliwanag na kapaligiran at mas ligtas na komunidad..

Mabuhay Barangay Ginoong Sanay!🙏🏻😍

Happy Birthday po Kapitana LOIDA🎂🎈🎁🥳
29/03/2026

Happy Birthday po Kapitana LOIDA🎂🎈🎁🥳

📍Isinagawa sa ating Barangay ang Validation and Assessment ng mga programang;* HAPAG* KALINISAN* BaRCO Ito ay pinangunah...
29/03/2026

📍Isinagawa sa ating Barangay ang Validation and Assessment ng mga programang;
* HAPAG
* KALINISAN
* BaRCO

Ito ay pinangunahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) katuwang ang PNP at BFP, upang matiyak na ang mga programa sa barangay ay may tunay at positibong epekto sa komunidad.😊

Sa pamamagitan ng assessment at on-site inspections, tinitiyak ng DILG na ang mga proyekto ay maayos na naipapatupad, ang pondo ay nagagamit nang wasto, at ang benepisyo ay direktang nararamdaman ng mga residente.

Maraming salamat po sa ating napakasipag at mapgkalingang AMA ng ating Barangay, Punong Barangay Hon. Derick Lerona kasama ang lahat ng mga barangay officials na patuloy na katuwang sa pagtataguyod ng ating HAPAG project, KALINISAN at BaRCO para sa ligtas, mas masagana at mas maunlad na Barangay Ginoong Sanay.💙🫰🏻

BINALAYAN GRAND CIVIC PARADE 🎊💙March 28, 2026Dumalo ngayong araw ang Sangguniang Barangay ng Ginoong Sanay sa Pangunguna...
28/03/2026

BINALAYAN GRAND CIVIC PARADE 🎊💙
March 28, 2026

Dumalo ngayong araw ang Sangguniang Barangay ng Ginoong Sanay sa Pangunguna ng ating magiting na Punong Barangay Hon. Derick Lerona sampu ng mga kasamahan ng SB-Council, kasama ang Womens Group ng BYLM headed by BYLM-Pres. Rosemarta A. Galang, bilang pagtugon sa makulay na programa ng Binalayan Festival Grand Civic Parade. Isang sabayang pagdiriwang ng "Pista ng Lawa at Kawayan" at ng ika-126 na Araw ng Binangonan.💙

Sa bawat hakbang ng parada, dala ng bawat isa ang kwento ng Binangonan bilang isang bayang sama-samang bumabangon, nagdiriwang, at patuloy na nagmamahalan.





💙

Barangay Assembly Day done! 👌💙Maraming salamat po sa lahat ng mga dumalo sa Barangay Assembly Day natin kahapon! 🙏 🙏🏻Isa...
23/03/2026

Barangay Assembly Day done! 👌💙

Maraming salamat po sa lahat ng mga dumalo sa Barangay Assembly Day natin kahapon! 🙏 🙏🏻

Isang taos-pusong pasasalamat din po sa lahat ng Departments sa Barangay, Barangay Officials, Barangay Employees and Staffs, at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan na aktibong nakiisa at naging bahagi ng matagumpay na pagpupulong.

Sa pangunguna ng ating napakasipag na Punong Barangay HON. Derick Lerona, layunin ng Barangay Assembly na maiparating sa bawat mamamayan ng Ginoong Sanay ang mga programa, proyekto, at adhikain para sa patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.

Ang inyong presensya, suhestiyon, at pakikilahok ay patunay ng pagkakaisa at malasakit para sa kapakanan ng bawat isa. Sa tulong din po ng bawat sektor — mula sa pamunuan ng Sanggunian hanggang sa Sangguniang Kabataan — patuloy nating naipapakita ang diwa ng bayanihan, tapat at may malasakit na serbisyo. 💪🏽🏘️

Muli, maraming maraming salamat po sa lahat ng nakibahagi sa 1st Semester - Barangay Assembly 2026!😊

Sama-sama nating itaguyod at abutin ang isang mas maayos, mas ligtas, at mas maunlad na Barangay ng GINOONG SANAY‼️ 🙌



Isang mapagpalang araw po ang aming inihahatid sa inyo!🙏🏻🙏🏻Bilang pagsunod po sa DILG Memorandum Circular No. 2026-102, ...
21/03/2026

Isang mapagpalang araw po ang aming inihahatid sa inyo!🙏🏻🙏🏻

Bilang pagsunod po sa DILG Memorandum Circular No. 2026-102, ang layunin ng pagpupulong na ito ay pagsama-samahin ang komunidad upang pag-usapan ang mga mahahalagang isyu at maghanap ng mga solusyon para sa ikabubuti ng ating barangay.

Theme: "Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran."

Kayo po ay malugod naming inaanyayahan para sa gaganaping:

WHAT: Barangay Assembly Day
WHEN: ika-22 ng Marso, 2026 | 3pm hapon
WHERE: Multi-Purpose Covered Court.

Dito po ay tatalakayin natin ang mga programa, proyekto at mga pagawain at mga naipagawa na para sa ikauunlad, kaligtasan at kaayusan ng ating Barangay.

Kaisa ng buong Sanggunian, Inaasahan po namin ang inyong presensya para sa gaganaping pagtitipon.

Maraming Salamat Po!💙

Lubos na Gumagalang,

HON. RODERICK C. LERONA
Punong Barangay

Mga Kabarangay💙🫰🏻
18/03/2026

Mga Kabarangay💙🫰🏻

Address

Ginoong Sanay Binangonan Rizal
Binangonan
1940

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Ginoong Sanay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share