02/06/2026
ππ Ngayong araw ay personal na nagpunta ang ating Mayora Hon. Rhea Ynares sa DepEd Tayo Blue Rizal- Darangan Elementary School upang magbigay ng mga School Supplies sa ating mga Estudyante.
Lubos ang pasasalamat ng ating butihing kapitan Kap Oggie Delmundo sa ating Mahal na Mayora Hon. Rhea Ynares sa kanyang walang sawang suporta at malasakit sa edukasyon at kapakanan ng ating mga kabataan. Nawa'y maging inspirasyon at makatulong ang mga simpleng kagamitang ito sa kanilang pag-aaral at pag-abot ng kanilang mga pangarap.
Ang inyong dedikasyon sa paglilingkod ay tunay na nagbibigay pag-asa at inspirasyon sa ating komunidad.
Sama-sama nating itaguyod ang mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat batang mag-aaral. ππβ¨