Ang Poet ng Isla

Ang Poet ng Isla Buhay Ng Mga Tao Sa Isla

14/07/2023

TULA NG ISANG KURIPOT
Ako ay isang kuripot
Ako ay hindi madamot
Sa paggastos ako ay natatakot
Dahil pera ko ay hindi pinupulot
Kuripot ako at ipinagmamalaki ko
Na hindi ako umaasa kahit kanino
Ok lang kung magkuripot man ako
Dahil pera ko naman ang sinisinop ko.
Ang pagiging kuripot ay hindi masama
Hanggat di ka nanloloko ng kapwa
Kaya wala akong dapat ikahiya
Kung naiinggit sa akin ang madla
Kuripot man ako sa inyong paningin
Kinabukasan ko ang aking iisipin
Mga paninira ng iba ay diko diringgin
Dahil ang makikinabang nito ay ako rin.
Hindi kasalanan na maging kuripot ako
Ang masama ay ang pagiging maluho
Huwag magpasikat kung hindi naman totoo
Lalo na kung sa utang nanggaling ito.
Ako ay kuripot magpakailan man
Pera ko ay aking papahalagahan
Upang may magamit sa kinabukasan
At hindi na ako kailangang mangutang.
~master~ CTTO

13/07/2023

Kuryente sa Isla Natin
Parang Bula sa Labahin
Sa Ulan at konting Hangin
Biglang Dilim ng paningin
Sanay na kami sayo oh ilaw
Na lagi kang bumibitaw
Kaya lahat kamiy napapasigaw
At pagbalik mo kamiy napapahiyaw
Kelan ba magbabago, systema mo
Na ikay hinde na maglalaho
Umulan mat Bumagyo
Matagal man ang proceso
Kamiy aasang itoy magbabago
Sa lahat ikay malaking kawalan
Paghinde nasilayan at naramdaman
Paligid namiy nababalot ng alinsangan
At pag gabiy puro kadiliman
Kawawang mga bata pagsapit ng gabi
Sa Init ay hinde matulog at mapakali
Ang Nanay At Tatay ay hinde mapalagay
Magdamag din silang Nagpapaypay
Kuryente sa Isla ay patatagin
Dahil itoy lubhang kelangan namin
Matagal ng suliranin
Sanay masolusyanan at Lutasin

11/04/2023

Sarap talaga makita mga klasmeyt mo nung Elementary iba ang bonding hani? REUNION uLIT sarap ng KULITAN :)

01/03/2023

Kmzta mga Ka isla?
Simpleng Buhay pero Marangal

Address

Isla Talim
Binangonan
1940

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Poet ng Isla posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share