ESIB Russel Callanta Ynares and Binangonan Action Center Volunteers

ESIB Russel Callanta Ynares and Binangonan Action Center Volunteers Official FB page of Vice Mayor Russel Callanta Ynares
(652)

11/05/2026
🏀 MVP ng Binangonan, Bumisita kay Vice Mayor RusselBumisita ang Team Binangonan player na si Shawn Antazo kay Vice Mayor...
11/05/2026

🏀 MVP ng Binangonan, Bumisita kay Vice Mayor Russel

Bumisita ang Team Binangonan player na si Shawn Antazo kay Vice Mayor Russel Guiller Ynares, kung saan nagkaroon sila ng pagkakataong makapagkuwentuhan tungkol sa basketball at buhay.

Sa kanilang pag-uusap, nagbahagi si Vice Mayor Russel ng mga payo kay Shawn, lalo na tungkol sa pagiging mapagpakumbaba at pagpapanatiling kalmado sa loob ng laro—mga katangiang mahalaga hindi lamang sa basketball kundi pati sa personal na pag-unlad.

Si Shawn Antazo, na tubong Binangonan, ay kinilala bilang MVP ng nakaraang Governor’s Cup Basketball Tournament.

Patuloy namang sinusuportahan ni Vice Mayor Russel ang youth development at sports, bilang bahagi ng paghikayat sa mga kabataan na gamitin ang kanilang talento at disiplina para sa kanilang pag-unlad.

11/05/2026

To keep pace with modern times, Binangonan has turned what was once a storage room for books and learning materials into a digital library, widening access and...

🦅 Pagpupugay sa Bagong Miyembro: Induction Ceremony ng Fraternal Order of the EaglesDumalo si Vice Mayor Russel Guiller ...
30/04/2026

🦅 Pagpupugay sa Bagong Miyembro: Induction Ceremony ng Fraternal Order of the Eagles

Dumalo si Vice Mayor Russel Guiller Ynares sa ginanap na induction ceremony ng mga bagong miyembro ng Fraternal Order of Eagles.

Sa kanyang mensahe, binati ng Bise Alkalde ang mga bagong inductees at ipinahayag ang kanyang suporta sa kanilang samahan. Kinilala rin niya ang organisasyon bilang isang grupo na kilala sa matibay na pagpapahalaga sa pagkakaisa, pagkakapatiran, at paglilingkod sa komunidad.

Patuloy ang pakikiisa ni Vice Mayor Russel sa mga organisasyong nagsusulong ng malasakit at bolunterismo para sa kapakanan ng Binangonan.

🏀 Malakas na Simula: Team Mahal Kong Binangonan, Panalo sa Opening ng Governor’s CupMatagumpay na sinimulan ng Team Maha...
30/04/2026

🏀 Malakas na Simula: Team Mahal Kong Binangonan, Panalo sa Opening ng Governor’s Cup

Matagumpay na sinimulan ng Team Mahal Kong Binangonan ang 5th Season ng Governor’s Cup Rizal Intertown Basketball League matapos talunin ang Team Antipolo sa iskor na 84-69.

Sa opening ng liga, nakiisa ang koponan sa parade kasama ang iba pang participating teams, na sinundan ng isang maikling programa at presentasyon bago tuluyang sinimulan ang mga laban.

Kasama ng koponan sa nasabing okasyon sina Mayor Rhea Ynares, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Sports Office, at mga masigasig na tagasuporta mula sa Binangonan.

Congratulations, Team Mahal Kong Binangonan!

🤝 Sama-samang Paninindigan para sa Mapayapa at Ligtas na BinangonanIsinagawa ngayong Abril 27, 2026 ang paglagda sa Pled...
27/04/2026

🤝 Sama-samang Paninindigan para sa Mapayapa at Ligtas na Binangonan

Isinagawa ngayong Abril 27, 2026 ang paglagda sa Pledge of Commitment to Insurgency-Free Status ng Pamahalaang Bayan ng Binangonan, bilang bahagi ng muling pagpapatibay ng Stable Internal Peace and Security (SIPS) Status ng bayan.

Nakiisa si Vice Mayor Russel Guiller Ynares kasama ang Sangguniang Bayan at iba’t ibang stakeholders sa makabuluhang aktibidad na ito.

Sa pamamagitan ng sama-samang paninindigan, patuloy na sinusuportahan ni Vice Mayor Russel at ng Sangguniang Bayan ang mga inisyatibang nagtataguyod ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad para sa kapakanan ng buong komunidad.

🤝 Mga Bagong Opisyal ng MCDC, Nag-Courtesy Call kay Vice Mayor RusselBumisita ang mga bagong halal na opisyal ng Municip...
21/04/2026

🤝 Mga Bagong Opisyal ng MCDC, Nag-Courtesy Call kay Vice Mayor Russel

Bumisita ang mga bagong halal na opisyal ng Municipal Cooperative Development Council (MCDC) kay Russel Guiller Ynares para sa isang courtesy call, bilang bahagi ng kanilang pakikipag-ugnayan at koordinasyon sa pamahalaang bayan.

Dito ay ipinahayag ni Vice Mayor Russel ang kanyang patuloy na suporta sa mga kooperatiba, kinikilala ang mahalagang papel ng mga ito sa pag-unlad ng kabuhayan at ekonomiya ng komunidad.

🤝 Pakikipag-ugnayan ng mga Bise Alkalde para sa Mas Maayos na Pamamahala – Vice Mayors’ League of the Philippines – Riza...
21/04/2026

🤝 Pakikipag-ugnayan ng mga Bise Alkalde para sa Mas Maayos na Pamamahala – Vice Mayors’ League of the Philippines – Rizal Chapter Meeting sa Baras, Rizal

Dumalo si Vice Mayor Russel Guiller Ynares sa ginanap na pagpupulong ng Vice Mayors’ League of the Philippines – Rizal Chapter, kung saan sila ay mainit na tinanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Baras.

Sa naturang pagpupulong, tinalakay ang mga mahahalagang usapin tulad ng State of Energy Emergency at ang mga paghahanda para sa nalalapit na VMLP CALABARZON regular meeting na gaganapin sa Rizal.

Sa pamamagitan ng ganitong pagtitipon, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga bise alkalde na makipag-ugnayan, magbahagi ng kaalaman, matuto mula sa isa’t isa, at mapakinggan ang mga karanasang maaari nilang magamit sa patuloy na paglilingkod at pagpapaunlad ng kani-kanilang bayan.

📚 Team LAMPARA, Nagbigay-Inspirasyon sa Pagbisita kay Vice MayorMainit na tinanggap ni Vice Mayor Russel Guiller Ynares ...
20/04/2026

📚 Team LAMPARA, Nagbigay-Inspirasyon sa Pagbisita kay Vice Mayor

Mainit na tinanggap ni Vice Mayor Russel Guiller Ynares ang Team LAMPARA sa kanilang courtesy visit, kung saan ibinahagi ng grupo ang kanilang adbokasiya sa pagsusulong ng pagbabasa at pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan tulad ng paggamit ng costumes at interactive na pagtuturo.

Ikinagalak ni Vice Russel ang pagkilala sa grupo, lalo na’t kaakibat nito ang kanyang patuloy na suporta sa edukasyon, kabataan, at paglinang ng kaalaman sa komunidad ng Binangonan.

Sa naturang pagbisita, nakausap din niya sina Dr. Marilou M. Ventura, Principal III ng Binangonan Elementary School, na isang masugid na tagasuporta ng Team LAMPARA, at si Aileen D. Sto. Domingo, Project Lead ng grupo, kasama ang kanilang mga volunteers na binubuo ng mga g**o mula sa iba’t ibang paaralan, mga magulang, at mga mag-aaral.

Ipinakilala rin sa Bise Alkalde ang Hiraya Artists, bilang isang grupo na maaaring makatuwang sa mga susunod na inisyatiba para sa pagsusulong ng sining at kultura sa bayan.

Address

National Road, Calumpang
Binangonan
1940

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ESIB Russel Callanta Ynares and Binangonan Action Center Volunteers posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to ESIB Russel Callanta Ynares and Binangonan Action Center Volunteers:

Share