12/09/2025
Isang Malugod na Pagbati ng Maligayang Kaarawan
para sa Mahal na Mayora ng Binangonan, Hon. Rhea Ynares
Mula po sa buong Sangguniang Barangay ng Habagatan, sa pangunguna ni Kapitan Marzen Binaluyo, at ng lahat ng mamamayan ng aming barangay, kami po ay taos-pusong bumabati sa inyo ng isang maligayang kaarawan!
Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng malusog na pangangatawan, masayang puso, at matibay na pananampalataya. Hiling po namin ang inyong walang humpay na tagumpay sa paglilingkod, at nawa'y manatili ang inyong malasakit lalo na sa mga kapwa nating nasa laylayan ng lipunan.
Ipinagdiriwang po namin hindi lamang ang inyong kapanganakan, kundi pati na rin ang inyong katapatan, kabutihan, at serbisyong may puso para sa bayan ng Binangonan.
Mabuhay po kayo, Mahal na Mayora!
Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal.
Maligayang Kaarawan!
– Barangay Habagatan Family