Ramon Mon-Mon Guico III

Ramon Mon-Mon Guico III 👨‍✈️ Captain | ❤️ Happily married to Maan Tuazon Guico | 🙍‍♂️ Father of 5 lovely kids
(22)

Robotics world champions! ✌🏻Kudos sa ating mga estudyante mula Juan G. Macaraeg, Binalonan, Pangasinan sa inyong galing ...
01/06/2026

Robotics world champions! ✌🏻

Kudos sa ating mga estudyante mula Juan G. Macaraeg, Binalonan, Pangasinan sa inyong galing sa 14th Annual Edition of Robotics Championship International Competition sa Romania! Proud ako sa inyo!

Happy Birthday, Mayor Iday! Salamat sa iyong patuloy na serbisyo at malasakit sa ating mga kabaleyan sa Lingayen. Mabuha...
30/05/2026

Happy Birthday, Mayor Iday!

Salamat sa iyong patuloy na serbisyo at malasakit sa ating mga kabaleyan sa Lingayen. Mabuhay ka at enjoy your special day!

29/05/2026

Hindi ako mapapagod.
‘Yan po ang nasabi ko sa aking sarili nang bisitahin ko ang magkapatid na may genetic disorder sa bayan ng Basista. Sila ang paalala kung bakit lalo nating pinagbubuti ang trabaho at patuloy na itinataas ang antas ng libreng serbisyong medikal sa buong Pangasinan.

Mas pinagaling na serbisyo publiko!Nakipagpulong tayo sa lahat ng provincial department heads para masigurong tuloy-tulo...
28/05/2026

Mas pinagaling na serbisyo publiko!

Nakipagpulong tayo sa lahat ng provincial department heads para masigurong tuloy-tuloy ang dekalidad at mas pinalakas na serbisyo para sa bawat Pangasinense.

Isang mapayapa at makahulugang Eid'l Adha sa lahat ng ating mga kapatid na Muslim sa Pangasinan!Nawa’y maging makahuluga...
26/05/2026

Isang mapayapa at makahulugang Eid'l Adha sa lahat ng ating mga kapatid na Muslim sa Pangasinan!

Nawa’y maging makahulugan ang pagdiriwang na ito at magdala ng kapayapaan, pagkakaisa, at masaganang biyaya sa bawat pamilya at sa ating lalawigan.

26/05/2026

Tikim dito, tikim doon...ang ending? Busog na busog po tayo sa masasarap at pang-world-class na food products ng Pangasinan! ✌

Happy Birthday, Mayor Leo De Vera! Salamat sa inyong dedikasyon at serbisyo publiko sa ating mga kabaleyan sa San Jacint...
26/05/2026

Happy Birthday, Mayor Leo De Vera!

Salamat sa inyong dedikasyon at serbisyo publiko sa ating mga kabaleyan sa San Jacinto. Nawa’y patuloy kayong pagpalain.

25/05/2026

Happiest wedding anniversary, my darling Maan! Salamat sa Diyos dahil ipinagkaloob ka niya sa amin. Mahal na mahal kita at ang mga anak natin! 😊

Masaya po ako na makasama ang ating tourism officers mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Pangasinan sa “Tongtongan: ...
24/05/2026

Masaya po ako na makasama ang ating tourism officers mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Pangasinan sa “Tongtongan: The Governor’s Listening Tour” at induction ng bagong PTOA Board Officers para sa 2026–2028.

Patuloy po nating palalakasin ang turismo ng ating lalawigan sa pamamagitan ng maayos na pakikipag-ugnayan, pagkakaisa, at mga programang magbibigay ng mas maraming oportunidad sa ating mga kababayan.

Congratulations po sa ating mga bagong opisyal at asahan ninyo ang buong suporta ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ipinagmamalaki po natin ang 11 MSMEs mula sa Pangasinan na lumahok sa IFEX 2026 sa World Trade Center Metro Manila sa pa...
22/05/2026

Ipinagmamalaki po natin ang 11 MSMEs mula sa Pangasinan na lumahok sa IFEX 2026 sa World Trade Center Metro Manila sa pamamagitan ng suporta ng ating Provincial Employment and Services Office at Project Abound.

Malaking pagkakataon po ito para maipakita sa mas malaking merkado ang kanilang galing, sipag, at kalidad ng mga produktong tunay na gawang Pangasinan.

Patuloy po nating susuportahan ang ating MSMEs dahil naniniwala tayo na kapag umuunlad ang maliliit na negosyo, mas maraming Pangasinense ang nakikinabang at nagkakaroon ng pagkakataong umasenso.

Address

Binalonan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ramon Mon-Mon Guico III posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Ramon Mon-Mon Guico III:

Share