06/08/2024
Nitong ika-6 ng Agosto taong kasalukuyan
sa pinaigting na ugnayan ng Kapulisan at Pamayanan, at sa supporta ng LGU Binalonan sa pamumuno ng ating napakasipag na Hon. Mayor Ramon Ronald V. Guico IV, ay nagsagawa ng Anti-illegal Drug Operation (Buy Bust) ang kapulisan ng Binalonan PS at Opisyales ng Barangay Moreno, Binalonan, Pangasinan, na nag resulta sa pagka aresto ng isang Lalaki, 23 years old, at nakatira sa Brgy. Moreno, Binalonan, Pangasinan.
Nakumpiska sa kanyang kustodiya ang: tatlong (3) pakete ng shabu na nagkaka-halaga ng Php 5, 440.00; dalawang (2) sachet na tuyong dahon ng Ma*****na na nagkakahalaga ng Php 12, 240.00; isang (1) unit ng caliber 22 revolver na may karbang pitong(7) bala; buy-bust money; isang cellphone; at kulay itim na Yamaha NMAX.
Ang arestadong suspect ay pansamantalang nakapiit sa himpilang ito para sa tamang dokumentasyon at tamang disposisyon.