25/05/2026
Isinagawa nitong nakaraang linggo ang pruning o pagputol ng mga sanga ng puno na umaabot sa kalsada sa Dewey Street, Barangay Poblacion, bilang bahagi ng pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa nasabing lugar.
Pinangunahan ang aktibidad ng mga personnel ng MDRRMO katuwang ang mga opisyal ng barangay at mga residente ng Barangay Poblacion. Ang gawaing ito ay isinagawa upang maiwasan ang posibleng panganib at abala sa mga motorista at mamamayan.
Patuloy po ang pakikiisa ng ating pamahalaan at komunidad para sa mas ligtas at maayos na kapaligiran.