03/06/2026
DAY 16 | SEMINAR: RESPONSIBLE DIGITAL CITIZENSHIP
June 03, 2026
Ngayong araw ay ginanap ang seminar tungkol sa Responsible Digital Citizenship. Layunin ng seminar na palawakin ang kaalaman ng mga kabataan sa wasto, responsable, at ligtas na paggamit ng teknolohiya at social media.
Tinalakay sa seminar ang kahalagahan ng pagiging maingat sa pagbabahagi ng impormasyon online, paggalang sa kapwa sa digital na mundo, pag-iwas sa fake news, cyberbullying, at iba pang mga panganib na maaaring maranasan sa internet.
Sa pamamagitan ng seminar na ito, mas nahikayat ang mga kabataan na maging responsable at mapanuring digital citizens na gumagamit ng teknolohiya para sa pagkatuto, pag-unlad, at kabutihan ng komunidad.
Ang seminar na ito ay dinaluhan ng mga SPES Beneficiaries kasama ang ating mga panauhing sina SK Councilor Angela Pili, Kuya Redd League, at Ate Arianna na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan upang mas lalo pang maging makabuluhan ang talakayan.
Lubos din ang pasasalamat ng SPES Platero kina Kapitan Eliseo “Jun” L. Aurelio Jr., Konsehal Albert Anasao, at Konsehala Enri Lacson sa kanilang mga inspirasyonal at makabuluhang mensahe na nagsilbing gabay at motibasyon sa mga kabataan upang maging responsable at mabuting mamamayan, maging sa loob man o labas ng digital na mundo.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa gawaing ito para sa patuloy na paghubog ng kabataang responsable, maalam, at handang harapin ang mga hamon ng makabagong panahon.