City Population Office of BIÑAN

City Population Office of BIÑAN City Population Office of Binan.

Programs: Pre-Marriage Counselling; Responsible Parenthood: Adolescent Health and Development; Population Development Integration

Bilang suporta sa programa ng Biñan City Health Office (CHO), nakiisa ang City Population Office of Biñan sa isinagawang...
11/09/2026

Bilang suporta sa programa ng Biñan City Health Office (CHO), nakiisa ang City Population Office of Biñan sa isinagawang Buntis Party 2026 “Walang Nanay ang Dapat Mamatay sa Pagbibigay Buhay”sa Barangay Langkiwa.

Sa patnubay ng City Leadership Team Chairman at Mayor GEL Alonte, MPA, at sa gabay ng Acting City Population Officer Ms. Ma. Fritzie R. Javier, MPA, patuloy nating isinusulong ang Responsible Parenthood and Family Planning (RPFP) sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang kaalaman sa ligtas na pagbubuntis, wastong nutrisyon, prenatal care, at responsableng pagpapamilya upang matiyak ang kalusugan ng bawat ina, sanggol, at pamilya.

📍Barangay Langkiwa, City of Biñan






SETYEMBRE 11, 2026 | Sa ilalim ng pamumuno ng ating City Leadership Team Chairman at Punong Lungsod, Mayor GEL Alonte, M...
11/09/2026

SETYEMBRE 11, 2026 | Sa ilalim ng pamumuno ng ating City Leadership Team Chairman at Punong Lungsod, Mayor GEL Alonte, MPA, at sa pangunguna ni Gng. Ma. Fritzie R. Javier, Acting City Population Officer, nakiisa ang Panglungsod na Tanggapan ng Pampopulasyon ng Biñan sa 3rd Quarter Regional Population and Development Committee (RPDC) Meeting for CY 2026, na ginanap sa Seda Nuvali, Santa Rosa, Laguna.

Nakiisa ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang Local Population Offices ng buong CALABARZON sa pagpupulong upang talakayin at pag-ugnayin ang mahahalagang usapin hinggil sa populasyon at pag-unlad sa rehiyon.

Kabilang sa mga naging pangunahing agenda ang mga sumusunod:
• Office of the President Memorandum Circular (MC) No. 40, s. 2023
• Presentation of Regional Development Council (RDC) Resolution No. IV-A-45-2026
• Presentation of the Executive Order No. 141, s. 2021 Communication Plan
• Updates on the Regional Conference on Population and Development (RCPD)
• Sociological Insights: “Every Number Tells a Filipino Story”

Ang naturang pagpupulong ay nagsilbing mahalagang plataporma para sa pagbabahagi ng mga programa, updates, pananaw, at mahahalagang impormasyon na makatutulong sa higit na pagpapalakas ng mga inisyatiba para sa populasyon at pagpapaunlad sa CALABARZON.

Taos-puso ang aming pasasalamat kay Regional Director Marilyn F. Ogaya, MADem, ng CPD-CALABARZON, at sa lahat ng kawani nito. Gayundin, lubos kaming nagpapasalamat kina Hon. Arlene B. Arcillas, City Mayor, Hon. Arnold B. Arcillas, City Vice Mayor, at sa buong Sangguniang Panglungsod ng Santa Rosa, Laguna, gayundin sa City Population Office, sa pangunguna ni Ms. Soledad Rosanna C. Cunanan, MD, para sa kanilang mahalagang suporta at sa matagumpay na pagsasagawa ng pagpupulong.

Patuloy tayong magkaisa tungo sa isang mas maayos, inklusibo, at population-responsive na pagpaplano para sa patuloy na pag-unlad ng ating mga pamayanan.




SETYEMBRE 11, 2026 | Sa ilalim ng pamumuno ng ating City Leadership Team Chairman at Punong Lungsod, Hon. Angelo “GEL” B...
11/09/2026

SETYEMBRE 11, 2026 | Sa ilalim ng pamumuno ng ating City Leadership Team Chairman at Punong Lungsod, Hon. Angelo “GEL” B. Alonte, MPA, at sa pangangasiwa ni Gng. Ma. Fritzie R. Javier, Acting City Population Officer, matagumpay na isinagawa ang Adolescent Pregnancy Prevention Symposium para sa mga kabataan ng Barangay Malaban, na ginanap sa kanilang Teen Center.

Layunin ng nasabing programa na mabigyan ang mga kabataan ng sapat at wastong kaalaman hinggil sa adolescent pregnancy prevention, reproductive health, at responsableng pagpapasya. Sa pamamagitan nito, hinihikayat ang mga kabataan na gumawa ng mga desisyong makatutulong sa kanilang kalusugan, kapakanan, at kinabukasan.

Lubos din ang aming pasasalamat kay Hon. Dennis Salandanan, kasama ang mga opisyal ng Barangay Malaban at Sangguniang Kabataan (SK), sa kanilang patuloy na pakikipagtulungan, suporta, at pakikiisa sa mga programa at inisyatiba ng Panlungsod na Tanggapang Pampopulasyon para sa kapakanan, kalusugan, at pag-unlad ng mga kabataan.

Patuloy nating palakasin ang kaalaman, kamalayan, at kakayahan ng bawat kabataan tungo sa isang malusog, responsable, at mas matatag na kinabukasan.






Nakilahok ang Panlungsod na Tanggapang Pampopulasyon sa pagsasagawa ng 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Dr...
10/09/2026

Nakilahok ang Panlungsod na Tanggapang Pampopulasyon sa pagsasagawa ng 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong ika-10 ng Setyembre 2026, na ginanap sa harap ng Biñan City Hall.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kahandaan at kamalayan ng mga kawani sa wastong pagtugon sakaling magkaroon ng lindol o iba pang sakuna. Sa pamamagitan ng sama-samang pakikilahok, naipamalas ang kahalagahan ng pagiging handa, maagap, at disiplinado sa oras ng emergency upang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng bawat isa.



10/09/2026

𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬 | 𝗔𝗟𝗧𝗘𝗥𝗡𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗪𝗢𝗥𝗞 𝗔𝗥𝗥𝗔𝗡𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗙𝗢𝗥 𝗟𝗚𝗨 𝗕𝗜Ñ𝗔𝗡

Alinsunod sa ipatutupad na Alternative Work Arrangement ngayong Setyembre 10, 2026, mananatiling bukas ang mga tanggapan ng LGU Biñan na nagbibigay ng mahahalagang serbisyo sa publiko.

Narito ang listahan ng mga tanggapan na mananatiling bukas (business as usual) at magpapatupad ng skeletal work setup para sa support services.

SETYEMBRE 8, 2026 || Sa ilalim ng pamumuno ng ating City Leadership Team Chairman at Punong Lungsod, Hon. Angelo “GEL” B...
08/09/2026

SETYEMBRE 8, 2026 || Sa ilalim ng pamumuno ng ating City Leadership Team Chairman at Punong Lungsod, Hon. Angelo “GEL” B. Alonte, MPA, matagumpay na isinagawa ng Tanggapang Pampopulasyon ng Lungsod ng Biñan ang Pre-Marriage Orientation (PMO) sa pamamahala ni Gng. Ma. Fritzie R. Javier, Acting City Population Officer.

Pinangunahan ang sesyon ng mga akreditadong kasapi ng Pre-Marriage Orientation and Counseling (PMOC) Team, na kinabibilangan nina:G. Hilario D. Pantua, Jr., MPA – PPO III;Gng. Gladeewyn F. Decena – CSWDO;Gng. Ma. Aiza A. Alcantara, RN – City Health Office (CHO); Gng. Gemma Nieto, Civil Registrar Officer lll; at si G. Genaro Reyes – Administrative Aide II

Sa isinagawang oryentasyon, tinalakay ng PMOC Team ang mahahalagang paksa bilang paghahanda ng mga magkapareha sa buhay may-asawa, kabilang ang:
Marriage and Relationships
Responsible Parenthood and Home Management
Family Planning, Maternal, Newborn, Child Health and Nutrition (MNCHN), at HIV/AIDS Awareness
Violence Against Women and Children (VAWC)
Application for Marriage License

May kabuuang labing-lima (15) na magkapareha na nagnanais magpakasal ang nakiisa sa nasabing programa. Layunin ng PMO na mabigyan ang mga prospective couples ng sapat na kaalaman, gabay, at paghahanda upang harapin ang mga responsibilidad ng buhay may-asawa at pagiging magulang.

🏆 Family Planning Olympics 2026Bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Buwan ng Pagpaplano ng Pamilya 2026, matagumpay na...
08/09/2026

🏆 Family Planning Olympics 2026

Bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Buwan ng Pagpaplano ng Pamilya 2026, matagumpay na isinagawa ang Family Planning Olympics, na dinaluhan ng mga Midwife at Barangay Health Workers (BHW) mula sa 24 na barangay ng Lungsod ng Biñan.

Sa patnubay ng City Leadership Team Chairman at Mayor GEL Alonte, MPA, at sa gabay ni Concurrent Acting City Population Officer na si Ms. Ma. Fritzie R. Javier, MPA, naging makabuluhan at masigla ang gawain sa pamamagitan ng mga laro at pagsasanay tungkol sa tamang proseso, mga pamamaraan, at mahahalagang kaalaman ukol sa Pagpaplano ng Pamilya.

Naging daan ang aktibidad upang pagsamahin ang pagkatuto, pagtutulungan, at pagkakaisa ng ating mga tagapaglingkod sa kalusugan — bilang pangunahing katuwang sa pagsusulong ng Responsableng Pagiging Magulang at Pagpaplano ng Pamilya sa bawat barangay.

Family Planning Olympics — Kaalaman, Katuwaan, at Pagkakaisa para sa Matatag at Masaganang Pamilya! 💚🏆







03 Setyembre 2026 || Sa patnubay ng City Leadership Team Chairman at Mayor GEL Alonte, MPA, at sa pangunguna ni Concurre...
03/09/2026

03 Setyembre 2026 || Sa patnubay ng City Leadership Team Chairman at Mayor GEL Alonte, MPA, at sa pangunguna ni Concurrent Acting City Population Officer Ms. Ma. Fritzie R. Javier, MPA, matagumpay na naisagawa ang naturang aktibidad na nilahukan ng mga mag-aaral ng paaralan.

Isinagawa ng Biñan City Senior High School - San Antonio Campus ang seminar na pinamagatang “Malusog na Kabataan, Matatag na Kinabukasan,” kung saan inimbitahan ang City Population Office bilang katuwang sa pagbibigay ng mahahalagang kaalaman at impormasyon para sa mga kabataan.

Kasabay rin ng aktibidad ang pagpapakilala ng Walking Teen Kiosk, isang inisyatiba ng City Population Office na naglalayong ilapit sa mga kabataan sa bawat paaralan ang mga makabuluhang impormasyon, programa, at serbisyong nakatuon sa kanilang kalusugan, kapakanan, at pag-unlad.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa mga g**o at pamunuan ng Biñan City Senior High School - San Antonio Campus sa kanilang mainit na pagtanggap at pakikipagtulungan, lalo na kina Ms. Eleonofebiatriz A. Marasigan, Assistant Principal II; Ms. Johnelie I. Abrera, Assistant School Principal; Ms. Precy C. Calvez, RGC, LPT, Guidance Counselor, Teen Center Coordinator, at Mental Health Coordinator ng paaralan, at kay Mr. Sam A. Marcellana, PhDN, RN, DM, CMHA, HACT Coordinator ng Biñan City Hospital.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, patuloy nating mabibigyan ang kabataan ng tamang kaalaman, suporta, at serbisyong kinakailangan upang maging malusog, responsable, at handa sa pagharap sa kinabukasan.






SETYEMBRE 3, 2026 || Sa ilalim ng pamumuno ng ating City Leadership Team Chairman at Punong Lungsod, Hon. Angelo “GEL” B...
03/09/2026

SETYEMBRE 3, 2026 || Sa ilalim ng pamumuno ng ating City Leadership Team Chairman at Punong Lungsod, Hon. Angelo “GEL” B. Alonte, MPA, matagumpay na isinagawa ng Tanggapang Pampopulasyon ng Lungsod ng Biñan ang Pre-Marriage Orientation (PMO) sa pamamahala ni Gng. Ma. Fritzie R. Javier, Acting City Population Officer.

Pinangunahan ang sesyon ng mga akreditadong kasapi ng Pre-Marriage Orientation and Counseling (PMOC) Team, na kinabibilangan nina:G. Hilario D. Pantua, Jr., MPA – PPO III; Bb. Gladys Caspe – Agricultural Technologist I;Gng. Gladeewyn F. Decena – CSWDO;Gng. Raquel San Pascual, RN – City Health Office (CHO); G. Genaro Reyes – Administrative Aide II

Sa isinagawang oryentasyon, tinalakay ng PMOC Team ang mahahalagang paksa bilang paghahanda ng mga magkapareha sa buhay may-asawa, kabilang ang:
Marriage and Relationships
Responsible Parenthood and Home Management
Family Planning, Maternal, Newborn, Child Health and Nutrition (MNCHN), at HIV/AIDS Awareness
Violence Against Women and Children (VAWC)
Application for Marriage License

May kabuuang labing-anim (16) na magkapareha na nagnanais magpakasal ang nakiisa sa nasabing programa. Layunin ng PMO na mabigyan ang mga prospective couples ng sapat na kaalaman, gabay, at paghahanda upang harapin ang mga responsibilidad ng buhay may-asawa at pagiging magulang.

🌿 Pakikilahok ng City Population Office sa Simultaneous Clean-up Drive  Nakikiisa ang City Population Office sa Simultan...
03/09/2026

🌿 Pakikilahok ng City Population Office sa Simultaneous Clean-up Drive

Nakikiisa ang City Population Office sa Simultaneous Clean-Up Drive ngayong September 3, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 120th Philippine Civil Service Anniversary.

Sama-sama sa bayanihan para sa malinis at maayos na pamayanan. 🧹🌱

Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan! 🇵🇭

Address

City Hall Bldg
Binãn
4024

Telephone

63495135070

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Population Office of BIÑAN posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to City Population Office of BIÑAN:

Shortcuts

Share

Category