26/10/2025
Barangay Assembly Day 2025
Sa temang “Ang Araw ng Pakikibahagi: Solusyon at Aksyon ating talakayin ngayong Barangay Assembly!” matagumpay na naisagawa ang Barangay Assembly Day na pinamunuan ng Punong Barangay Ernesto Facundo at ng Sangguniang Barangay.
Dinaluhan ang naturang pagtitipon ng mga kagalang-galang na panauhing sina Ms. Lenie Bautista, ABC President Kapitan Manong Catalon, Bokal B**g Bejasa, Konsehal Titus Bautista, Bokal Jigcy Pecaña, Ginoong Mar Sigue, Allan "Miss A" Gonzales, at mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Layunin ng nasabing pagpupulong na talakayin ang mahahalagang usapin, solusyon, at mga konkretong aksyon para sa patuloy na pag-unlad at kaayusan ng ating barangay. Isa itong patunay ng aktibong pakikibahagi ng pamahalaang barangay at ng mamamayan tungo sa sama-samang pag-unlad ng komunidad.