Barangay Mamplasan City of Biñan

Barangay Mamplasan City of Biñan Barangay Mamplasan Contact No. : 0947-113-1019
BHERT Conctact No. : 0906-374-6816

Hunyo 2, 2026 | MARTESCERTIFICATE OF APPRECIATION, IGINAWAD SA MGA BENEPISYARYO NG MAMPLASAN FINANCIAL ASSISTANCE AND SC...
02/06/2026

Hunyo 2, 2026 | MARTES

CERTIFICATE OF APPRECIATION, IGINAWAD SA MGA BENEPISYARYO NG MAMPLASAN FINANCIAL ASSISTANCE AND SCHOLARSHIP PROGRAM BILANG PAGKILALA SA KANILANG SERBISYO SA 20-DAY DEPED ARAL PROGRAM – READING

Ginawaran ng Certificate of Appreciation ang mga benepisyaryo ng Mamplasan Financial Assistance and Scholarship Program (MFASP) bilang pagkilala sa kanilang mahalagang serbisyo bilang volunteer-tutors sa pagtatapos ng 20-Day ARAL Program – Reading, alinsunod sa DepEd Memorandum No. 064, s. 2026, in partnership with DepEd Tayo Mamplasan NHS- Biñan City.

Ang kanilang naging ambag ay nagsilbing patunay ng diwa ng bayanihan, malasakit, at aktibong pakikilahok ng kabataang Mamplasan sa pagpapalakas ng kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng kanilang panahon, tiyaga, at kaalaman, naipakita nila na ang tunay na halaga ng pagiging iskolar ay hindi lamang nasusukat sa pagtanggap ng tulong, kundi pati na rin sa pagbabalik-serbisyo sa kapwa at sa komunidad.

Ang gawaing ito ay patunay rin na ang Sangguniang Barangay ng Mamplasan ay patuloy na magiging kabalikat ng mga paaralan, mag-aaral, at mga g**o sa mga programang nagtataguyod ng edukasyon. Patuloy ang aming suporta sa mga inisyatibang humuhubog sa mas matatag, mas handa, at mas may malasakit na kabataang Mamplasan.

Mabuhay ang mga benepisyaryo ng MFASP, at maraming salamat sa inyong makabuluhang paglilingkod! Mula sa sangguniang barangay ng Mamplasan at ni Kap. Evelyn Dicdican.

Maraming salamat po, Congressman Atty. Arman R. Dimaguila, sa inyong patuloy na malasakit at suporta sa mga mamamayan ng...
30/05/2026

Maraming salamat po, Congressman Atty. Arman R. Dimaguila, sa inyong patuloy na malasakit at suporta sa mga mamamayan ng Barangay Mamplasan, lalo na sa mga residente nating higit na nangangailangan.

Lubos din po ang aming pasasalamat kay Ma’am Des Dimaguila sa inyong kabutihang-loob at pakikiisa sa adhikaing makapaghatid ng tulong at pag-asa sa ating komunidad.

Ang inyong ipinagkaloob na mga wheelchair at iba pang mahahalagang supplies ay malaking tulong upang maibsan ang pangangailangan ng ating mga kabarangay at maiparamdam sa kanila na sila ay hindi nalilimutan.

Mula po sa Sangguniang Barangay ng Mamplasan, sa pangunguna ni Kap. Evelyn Dicdican maraming salamat po sa inyong walang sawang serbisyo, malasakit, at suporta para sa mamamayan.

Isang maligayang kaarawan sa isa sa mga miyembro ng sting Street sweepers, Marites Casuga. Maraming salamat sa inyong de...
30/05/2026

Isang maligayang kaarawan sa isa sa mga miyembro ng sting Street sweepers, Marites Casuga. Maraming salamat sa inyong dedikasyon at serbisyo upang mapanatiling malinis ang ating daanan. Pagbati mula sa sangguniang barangay at ni Kap. Evelyn Dicdican.

Isang maligayang kaarawan po sa ating Day Care Center Teacher, Ma'am Erica Reyes. Maraming salamat po sa iyong dedikasyo...
29/05/2026

Isang maligayang kaarawan po sa ating Day Care Center Teacher, Ma'am Erica Reyes. Maraming salamat po sa iyong dedikasyon at serbisyo para sa bawat kabataan ng ating barangay. Pagbati mula sa ating sanggunian at Kap. Evelyn Dicdican.

29/05/2026

ANUNSYO SA PUBLIKO

Para po sa mga residente na kasalukuyang apektado ng kawalan ng suplay ng kuryente, maaari po kayong magtungo sa Unang Palapag ng Barangay Hall upang pansamantalang makapag-charge ng inyong mga cellphone at iba pang mahahalagang devices.

Patuloy po ang pakikipag-ugnayan ng Barangay Mamplasan sa MERALCO kaugnay ng kasalukuyang sitwasyon upang agarang matugunan ang inyong mga pangangailangan.

Hinihikayat po ang lahat na makipagtulungan, maging maingat, at unahin lamang ang mahahalagang kagamitan na kinakailangang i-charge upang mabigyan din ng pagkakataon ang iba pang nangangailangan.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at kooperasyon.

28/05/2026

911 ang nationwide emergency hotline ng Pilipinas.

Tawagan kung may emergency at kailangan ng agarang responde sa krimen, sunog o aksidente

Tawagan sa cellphone o landline ito ay libre
Tawagan kahit walang load ito ay makokontak

BIÑAN PNP HOTLINE:
Landline Number: (049) 513-5113
Mobile Number: 0916-261-9833 / 0998-598-5631
FOLLOW, COMMENT, LIKE AND SHARE:
page: Biñan Component City Police Station





28/05/2026

SAVE OUR EMERGENCY NUMBERS

28/05/2026

ANUNSYO SA PUBLIKO: Naitawag na po ng ating Tanggapan ng Punong Barangay ang kasalukuyang kaganapan sa Purok 7. Maaari lang po na makipagtulungan sa ating Biñan City C3 upang matanggal ang mga road obstruction papasok sa nasabing purok. Maraming salamat po.

Happy Birthday, Ate Marissa,Masang! 🎉🎂Nawa’y mapuno ng saya, pagmamahal, at maraming biyaya ang iyong espesyal na araw. ...
23/05/2026

Happy Birthday, Ate Marissa,Masang! 🎉🎂
Nawa’y mapuno ng saya, pagmamahal, at maraming biyaya ang iyong espesyal na araw. Salamat sa kabutihan, pagiging masayahin at pagmamalasakit mo sa ating mga ka-barangay na nangangailangan ng suportang medikal at iba pa. Hiling namin ang mabuting kalusugan, tagumpay, at katuparan ng lahat ng iyong pangarap. Enjoy your day and God bless! 💖

Happy Birthday to an amazing and intelligent girl! 🎉📚✨ Your kindness, wisdom, and bright mind inspire everyone around yo...
23/05/2026

Happy Birthday to an amazing and intelligent girl! 🎉📚✨ Your kindness, wisdom, and bright mind inspire everyone around you. May this special day bring you happiness, success, and endless opportunities to achieve your dreams. Keep shining, learning, and being the wonderful person you are. Have a fantastic birthday Baby Girl we love you😘💖🎂

Address

Purok 1 Brgy. Mamplasan
Binãn
4024

Telephone

+639958966374

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Mamplasan City of Biñan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Mamplasan City of Biñan:

Share