01/06/2026
𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗣𝗜𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗚
Bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng mga serbisyong pangkomunidad, magkakaroon ng Libreng Gupit para sa mga residente ng Barangay Malamig.
Petsa: Hunyo 5, 2026
Oras: 8:00 AM hanggang 12:00 NN
Lugar: Barangay Hall ng Malamig
Ang serbisyo ay ibibigay sa first come, first served basis. Hinihikayat ang mga nagnanais magpagupit na dumating nang maaga upang mabigyan ng pagkakataong mapagsilbihan.
Patuloy ang Sangguniang Barangay ng Malamig sa pamumuno ni Punong Barangay Mario V. Rosqueta sa pagsasagawa ng mga programang naglalayong makapagbigay ng kapaki-pakinabang na serbisyo para sa kapakanan ng bawat residente.