05/09/2026
𝗡𝗔𝗡𝗚𝗬𝗔𝗬𝗔𝗥𝗜 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡: Isinasagawa ngayong unang Sabado ng Setyembre ang Refresher Training and Capability Enhancement for Barangay Tanods sa Biñan People’s Center, sa pangunguna ng City Peace and Order Council ng Lungsod ng Biñan.
Nagsilbing mga tagapagsanay ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa pagsasanay na dinaluhan ng mahigit 200 barangay tanod mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod.
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kaalaman, kasanayan, at kapasidad ng mga barangay tanod sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Lungsod ng Biñan.