Brgy. Bungahan, City of Biñan

Brgy. Bungahan, City of Biñan News & Updates

𝗕𝗥𝗜𝗚𝗔𝗗𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗞𝗜𝗖𝗞-𝗢𝗙𝗙 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬Matagumpay na isinagawa ang Brigada Eskwela Kick-Off Ceremony ng Tomas A. Turalba ...
03/06/2026

𝗕𝗥𝗜𝗚𝗔𝗗𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗞𝗜𝗖𝗞-𝗢𝗙𝗙 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬

Matagumpay na isinagawa ang Brigada Eskwela Kick-Off Ceremony ng Tomas A. Turalba Memorial Elementary School sa pangunguna ng kanilang masipag na Punong-G**o, Ms. Ana Alma Ricafort, kasama ang mga g**o at kawani ng paaralan.

Nakiisa rin sa programa sina Punong Barangay Elmer Opiña at Kagawad Rogelio Dejan, na dumalo bilang suporta sa adhikain ng Brigada Eskwela para sa isang ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran sa pag-aaral.

Bilang simbolo ng kanilang pakikiisa at pangako sa tagumpay ng programa, sila ay lumagda sa Wall of Commitment, na nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon at pagpapanatili ng kaaya-ayang paaralan para sa ating mga mag-aaral.

Maraming salamat sa lahat ng mga katuwang, boluntaryo, at stakeholder na patuloy na sumusuporta sa Brigada Eskwela. Sama-sama nating isulong ang bayanihan para sa edukasyon!




𝐒𝐎𝐋𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐄𝐍𝐓 𝐄𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 | Barangay Bungahan, City of Biñan, LagunaNgayong araw ay matagumpay na naganap ang Solo Parent Ele...
29/05/2026

𝐒𝐎𝐋𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐄𝐍𝐓 𝐄𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 | Barangay Bungahan, City of Biñan, Laguna

Ngayong araw ay matagumpay na naganap ang Solo Parent Election sa Barangay Bungahan, sa pangunguna ng City Social Welfare and Development (CSWD) sa pamumuno ng kanilang Department Head na si Ms. Adora Pascual.

Sa isinagawang halalan, inihalal sina:
• 𝐂𝐡𝐞𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐚𝐞 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐨𝐳𝐚 bilang President
• 𝐋𝐞𝐢𝐝𝐞𝐞 𝐏𝐢𝐧𝐠𝐚𝐫𝐨𝐧 bilang Vice President

Lubos po nating ikinagagalak ang makasama at masuportahan ang mga bagong opisyal ng Solo Parent Association ng Barangay Bungahan, sa pangunguna ng ating mahal na Punong Barangay 𝐄𝐥𝐦𝐞𝐫 𝐎𝐩𝐢ñ𝐚.

Nawa’y maging matagumpay ang kanilang pamumuno at patuloy na magsilbing inspirasyon at katuwang sa pagsusulong ng kapakanan ng mga solo parent sa ating komunidad.



29/05/2026
Sa pagpaptuloy po ng prorgamang Nutrisyon para sa Edukasyon, muling nagsagawa ang ating Punong Barangay Elmer Opiña at B...
25/05/2026

Sa pagpaptuloy po ng prorgamang Nutrisyon para sa Edukasyon, muling nagsagawa ang ating Punong Barangay Elmer Opiña at BNS Lovely Niedo ng feeding prorgam sa ating mga mag aaral sa Tomas A. Turalba Memorial Elementary School sa pangunguna ng kanilang Punong G**o Maam Ana Alma Ricafort.



20/05/2026

📢 𝐌𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚, 𝐧𝐚𝐫𝐢𝐧𝐢𝐠, 𝐨 𝐧𝐚𝐩𝐚𝐧𝐬𝐢𝐧 𝐤𝐚 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠-𝐚𝐚𝐛𝐮𝐬𝐨 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐭𝐚? 𝐇𝐮𝐰𝐚𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐡𝐢𝐦𝐢𝐤.

24/7 na nakatutok ang Council for the Welfare of Children sa pamamagitan ng MAKABATA Helpline 1383 upang tumanggap ng mga ulat, magmonitor ng mga insidente, at agad na mag-refer ng mga kaso ng pang-aabuso laban sa mga bata sa tamang awtoridad.

Anumang uri ng pang-aabuso—pisikal, sekswal, emosyonal, verbal, exploitation, o neglect—ay dapat agarang isumbong. Hindi kailangang sigurado ka. Kapag may hinala, kumilos agad.

Maaaring tumawag, mag-text, o mag-message sa MAKABATA Helpline 1383 anumang oras—araw man o gabi. Bawat sumbong ay mahalaga. Bawat aksyon ay maaaring maging simula ng kaligtasan ng isang bata.

Ang iyong boses ay maaaring maging daan upang matigil ang pananakit at maprotektahan ang kinabukasan ng isang bata. Ibahagi ito at maging bahagi ng pagbabantay para sa kabataan.

𝓑𝓪𝓼𝓽𝓪 𝓑𝓪𝓽𝓪, 𝓣𝓪𝔂𝓸 𝓓𝓪𝓹𝓪𝓽 𝓪𝓷𝓰 𝓑𝓪𝓱𝓪𝓵𝓪!

18/05/2026

NAKAKITA NG AKSIDENTE SA KALSADA?

Itawag mo agad sa C3! Kung kinakailangan ng mabilisang "PAUNANG LUNAS" huwag galawin ang pasyente, Itawag mo agad sa aming tanggapan bukas ang aming HOTLINE 24/7. Kailangan namin ng tulong ng lahat ng mamamayan, kung may emergency ITAWAG AGAD SA C3! I-save ang maing mga numerong pangkaligtasan.

𝟐𝟒/𝟕 𝐁𝐈𝐍𝐀𝐍 𝐂𝐀𝐋𝐋 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑
𝐄𝐌𝐄𝐑𝐆𝐄𝐍𝐂𝐘 𝐇𝐎𝐓𝐋𝐈𝐍𝐄:
𝐒𝐌𝐀𝐑𝐓: 𝟎𝟗𝟎𝟖-𝟖𝟗𝟏-𝟗𝟕𝟏𝟏
𝐆𝐋𝐎𝐁𝐄: 𝟎𝟗𝟏𝟕-𝟏𝟐𝟎-𝟖𝟗𝟏𝟏
𝐈𝐍𝐓𝐄𝐋𝐂𝐎: (𝟎𝟒𝟗) 𝟓𝟏𝟑-𝟗𝟏𝟏𝟏
𝐀𝐃𝐌𝐈𝐍 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄: (𝟎𝟒𝟗) 𝟓𝟑𝟔-𝟐𝟔𝟐𝟐
𝐄𝐦𝐚𝐢𝐥 𝐮𝐬: 𝐛𝐢𝐧𝐚𝐧𝐝𝐫𝐫𝐦𝐨@𝐠𝐦𝐚𝐢𝐥.𝐜𝐨𝐦

18/05/2026

Maaring gumawa ng GO BAG sa inyong mga tahanan. Para sa oras ng kalamidad bitbit mo ito kaagad. Narito ang mha dapat laman ng bag.

𝟐𝟒/𝟕 𝐁𝐈𝐍𝐀𝐍 𝐂𝐀𝐋𝐋 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑
𝐄𝐌𝐄𝐑𝐆𝐄𝐍𝐂𝐘 𝐇𝐎𝐓𝐋𝐈𝐍𝐄:
𝐒𝐌𝐀𝐑𝐓: 𝟎𝟗𝟎𝟖-𝟖𝟗𝟏-𝟗𝟕𝟏𝟏
𝐆𝐋𝐎𝐁𝐄: 𝟎𝟗𝟏𝟕-𝟏𝟐𝟎-𝟖𝟗𝟏𝟏
𝐈𝐍𝐓𝐄𝐋𝐂𝐎: (𝟎𝟒𝟗) 𝟓𝟏𝟑-𝟗𝟏𝟏𝟏
𝐀𝐃𝐌𝐈𝐍 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄: (𝟎𝟒𝟗) 𝟓𝟑𝟔-𝟐𝟔𝟐𝟐
𝐄𝐦𝐚𝐢𝐥 𝐮𝐬: 𝐛𝐢𝐧𝐚𝐧𝐝𝐫𝐫𝐦𝐨@𝐠𝐦𝐚𝐢𝐥.𝐜𝐨𝐦

18/05/2026

Ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee

Mandato ng batas Republic Act 10121 o Philippine DRRM Act of 2010 ang pagiging LAGING HANDA ng bawat komunidad sa anumang sakuna at kalamidad.

Alam mo bang dapat ay merong Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) ang iyong Barangay?

Ito ang bumubuo sa iyong BDRRMC.

"PUNONG BARANGAY" ang BDRRMC Chairperson.

"ISANG KAGAWAD" para naman humawak ng Committee on Disaster Risk Reduction and Management.

Mga "VOLUNTEER GROUP" na handang magsilbi sa Barangay na may kaalaman sa RESCUE OPERATIONS.

Ano ang kanilang trabaho at mandato?

Ang PUNONG BARANGAY ang magsisilbing DISASTER CHAIRPERSON - Siya ang nagiging pinuno kapag nagkakaroon ng matinding sakuna at kalamidad sa kanyang nasasakupan. Siya din ang responsable sa mga desisyon para sa kaligtasan ng buong barangay DURING, BEFORE at AFTER ng isang sakuna at kalamidad.

Si Punong Barangay din ang nagmamandato na gawin ang mga Ordinansa Pangkaligtasan, mga plano tulad ng enhanced BDRRM Plan, Barangay Contingency Plan at paggamit ng pondo ng BDRRMC.

ISANG KAGAWAD - Mula sa elected official ng Barangay maaring pumili si PUNONG BARANGAY na hahawak sa Committee on Disaster Risk Reduction and Management. Si KONSI ang nagbabalangkas ng mga ordinansang pangbarangay na may kinalaman sa DRRMO.

Ano ang 4 na tematikong area na dapat isaalang-alang ng Barangay DRRMC.

1. DISASTER PREVENTION AND MITIGATION - Alamin anu-ano ang panganib ng kanyang lugar maaring ito ba ay LINDOL, BAHA, LANDSLIDE, BAGYO atbp. para ito ay maiwasan at makapagbalangkas ng PLANO ano ang tamang gawin.

2. DISASTER PREPAREDNESS - Ihanda ang barangay, indibidwal at komunidad sa mga natukoy na banta sa kanilang lugar. Maaring pagsasagawa ng TRAINING sa mga kawani ng BDRRMC o mga Volunteer Groups o kaya naman ay pagsasanay sa mismong komunidad. O kaya'y pagbili ng mga gamit na makakatulong para sa mga natukoy na banta at ito ay maiwasan.

3. DISASTER RESPONSE - May kakayanan na ang barangay na RUMESPONDE sa tulong ng mga Training at Gamit. Sa puntong ito ang BUHAY ang pinakamahalaga. Hal. pagresponde sa sunog, pagpapalikas ng mga tao sa ligtas na lugar (evacuation center) pamamahagi ng tulong at pagkain sa mga nasalanta.

4. DISASTER REHABILITATION AND RECOVERY - Dahil nagdaan na ang sakuna dito na papasok ang rehabilitasyon at pagbangon mula sa naranasang kalamidad.

Ang mga "VOLUNTEER GROUPS" naman ang magiging kawani ng Komite na siyang reresponde sa mga sakuna at kalamidad na maaring mangyari sa barangay.

May PONDO ba para dito?

OO, ayon sa batas 70% ay napupunta sa "DISASTER FUND" na ginagamit para sa Prevention and Mitigation sa loob ng isang taon, ibig sabihin inilalaan dapat ito sa mga tukoy na panganib na nailatag sa eBDRRM Plan at isinulat sa mga ORDINANSA at ang 30% naman ay Quick Response Fund (QRF) na inilalabas lamang kapag may DECLARATION NG STATE OF CALAMITY ang Mayor, Gobernador o ang Nasyonal na Pamahalaan.

Sa 70% Fund, maaring gamitin ang pondo na mapapakinabangan ng lahat ng mamayan tulad ng pagbili ng mga Sasakyan - Patient Transport Vehicle (PTV) o mga ambulansya at mga kagamitan pangkaligtasan sa sakuna tulad ng Lindol, Baha, Bagyo atbp.

Maari din itong gamitin sa Pagsasanay ng mga Komunidad at Kawani ng Barangay DRRMC at mga Volunteer Groups sa Incident Command System (ICS), Emergency Operation Center (EOC), Basic Life Support (BLS) Standard First Aid (SFA) Disaster Preparedness Orientation (DPO), sa mga Earthquake Drill, Fire Drill, Flood Drill at marami pang iba.

Sa tulong at malasakit ni Cong. Arman Dimaguila, matagumpay pong naipamahagi ang mga personal wheelchair para sa ating m...
16/05/2026

Sa tulong at malasakit ni Cong. Arman Dimaguila, matagumpay pong naipamahagi ang mga personal wheelchair para sa ating mga kabarangay na may kapansanan na tunay na nangangailangan ng suporta at tulong.

Sa pangunguna ni Punong Barangay Elmer Opiña, isinagawa ang paghahanap at pagtukoy sa mga kabarangay na higit na nangangailangan ng personal wheelchair upang matugunan ang kanilang kahilingan at mapagaan ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Lubos po ang aming pasasalamat kay Cong. Arman Dimaguila sa programang ito na malaking tulong sa ating mga kabarangay. Patunay lamang po ito ng patuloy na pagkakaisa at malasakit para sa kapakanan ng bawat mamamayan ng ating barangay.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang paglilingkod at pagmamalasakit!




Address

Brgy. Bungahan
Binãn
4024

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Bungahan, City of Biñan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share