City Community Affairs Office - Biñan

City Community Affairs Office - Biñan The official FB Page of the City Community Affairs Office - Biñan.

10/07/2026

JUST IN‼️ DAHIL BUKAS (SABADO) INAASAHAN ANG MALAKAS NA ULAN . WALANG PO PASOK ANG MGA COLLEGE AT SENIOR HIGH STUDENT NA MAY PASOK NG SABADO.

10/07/2026
Hulyo 9, 2026Nakiisa ang City Community Affairs Office (CCAO) sa isinagawang Clean-Up Drive kasama ang mga empleyado ng ...
09/07/2026

Hulyo 9, 2026

Nakiisa ang City Community Affairs Office (CCAO) sa isinagawang Clean-Up Drive kasama ang mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-52 National Nutrition Month.





July 07, 2026Umboy, Barangay San AntonioJuly 08, 2026Sona 4, Barangay San VicenteHalos araw-araw ay nagsasagawa ng declo...
08/07/2026

July 07, 2026
Umboy, Barangay San Antonio

July 08, 2026
Sona 4, Barangay San Vicente

Halos araw-araw ay nagsasagawa ng declogging operations ang Declogging team ng City Community Affairs Office (CCAO) sa kautusan ng ating Punong Lungsod Gel Alonte at sa pamumuno ni sir Darwin Almarines-City Community Affairs Officer, sa iba’t ibang barangay bilang bahagi ng ating patuloy na pagsisikap na mapanatiling malinis ang mga kanal at estero. Layunin nitong maiwasan ang pagbabara ng daluyan ng tubig na maaaring magdulot ng pagbaha, lalo na sa panahon ng malalakas na pag-ulan.

Sa sama-samang pagkilos at disiplina ng bawat mamamayan, mas mapapanatili nating malinis ang ating kapaligiran at mababawasan ang panganib ng pagbaha.




07/07/2026
𝗪𝗘𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬Mga minamahal kong mga Biñanense, ayon sa abiso ng 𝗣𝗔𝗚𝗔𝗦𝗔, inaasahang palalakasin ng 𝗕𝗮𝗴𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗱𝗮𝘆 (𝗕𝗮𝘃𝗶...
04/07/2026

𝗪𝗘𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬

Mga minamahal kong mga Biñanense, ayon sa abiso ng 𝗣𝗔𝗚𝗔𝗦𝗔, inaasahang palalakasin ng 𝗕𝗮𝗴𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗱𝗮𝘆 (𝗕𝗮𝘃𝗶) ang Habagat sa mga susunod na araw. Dahil dito, inaasahan ang madalas hanggang malalakas na pag-ulan sa ating lungsod.

Mag-ingat po tayo, ihanda ang emergency kit, iwasan ang pagtawid sa baha, at sundin lamang ang mga 𝗼𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗮𝗯𝗶𝘀𝗼 ng 𝗣𝗔𝗚𝗔𝗦𝗔 at ng 𝗟𝗼𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗕𝗶ñ𝗮𝗻.

Nakaantabay ang ating mga tanggapan at emergency response teams upang agad na tumugon sa anumang pangangailangan. 𝗦𝗮 𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗕𝗶ñ𝗮𝗻, 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮, 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗶𝗶𝘄𝗮𝗻. Mag-ingat po tayong lahat.🙏💗



Ang paghakot ng basura sa Pamilihang Bayan at sa palibot ng Biñan Plaza, ay isa sa mga mahalagang gawain ng ating mga St...
03/07/2026

Ang paghakot ng basura sa Pamilihang Bayan at sa palibot ng Biñan Plaza, ay isa sa mga mahalagang gawain ng ating mga Street Sweeper ng City Community Affairs Office (CCAO), upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan at kalusugan ng ating komunidad. Sa pamamagitan ng regular na pagkolekta at maayos na pagtatapon ng mga basura, naiiwasan ang pagkalat ng dumi at napipigilan ang pagdami ng mga insektong maaaring magdala ng sakit.

Ang isang malinis na kapaligiran ay bunga ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan at ng bawat mamamayan. Kaya naman hinihikayat ang lahat na patuloy na maging responsable sa pagtatapon ng basura.




July 2-3, 2026Zone 2, 3, 5 & 6Barangay Soro-soroNagsagawa ng declogging ang City Community Affairs Office (CCAO) sa kaut...
03/07/2026

July 2-3, 2026
Zone 2, 3, 5 & 6
Barangay Soro-soro

Nagsagawa ng declogging ang City Community Affairs Office (CCAO) sa kautusan ng ating Punong Lungsod Gel Alonte at sa pamumuno ni Sir Darwin Almarines-City Community Affairs Officer, bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan, patuloy na nagsasagawa ng mga hakbang ang Pamahalaang Lungsod upang mabawasan ang panganib ng pagbaha at mapanatili ang kalinisan sa mga komunidad. Kabilang dito ang declogging ng mga kanal, estero, at iba pang daluyan ng tubig upang matiyak ang maayos na pagdaloy ng tubig-ulan.

Mahalaga rin ang pakikiisa ng bawat mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang paligid. Ang wastong pagtatapon ng basura at pag-iwas sa pagtatapon nito sa mga kanal at estero ay malaking tulong upang maiwasan ang pagbabara at pagbaha sa panahon ng malalakas na pag-ulan.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at paghahanda, masisiguro natin ang kaligtasan ng bawat pamilya at ang pagkakaroon ng malinis at maayos na komunidad sa panahon ng tag-ulan.




Sa loob ng isang taon, marami na tayong naisakatuparan. Mga proyektong natapos.Mga programang nailunsad.Mga pangarap na ...
01/07/2026

Sa loob ng isang taon, marami na tayong naisakatuparan.
Mga proyektong natapos.
Mga programang nailunsad.
Mga pangarap na unti-unti nang nagiging realidad.

𝟯𝟲𝟱 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 #𝗧𝗮𝘁𝗮𝗸𝗚𝗘𝗟—𝗔𝘁 𝗦𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗣𝗮 𝗟𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗜𝘁𝗼.💗



Address

2nd Floor, City Hall Building, Brgy. Zapote
Binãn
4024

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Community Affairs Office - Biñan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share