13/05/2025
Sa 20,573 na Biñanense mula sa Barangay Bungahan, Santo Tomas, Canlalay, Casile, De La Paz, Ganado, San Francisco, Langkiwa, Loma, Malaban, Malamig, Mamplasan, Platero, Poblacion, Santo Niño, San Antonio, San Jose, San Vicente, Soro-Soro, Santo Domingo, Timbao, Tubigan, at Zapote — taos-puso po akong nagpapasalamat.
Pinakinggan ninyo ang aking adbokasiya at ipinagkatiwalaan ako sa inyong mga pangarap para sa Biñan. Ang inyong suporta ay isang napakahalagang bahagi ng ating laban. Dahil sa inyo, natutunan kong magpatuloy kahit sa gitna ng pagsubok, at hindi ko po ito makakalimutan.
Bagamat hindi natin nakuha ang inaasam na tagumpay, ang tiwala at pagmamahal ninyo ay magsisilbing gabay sa akin.
Muli, ako po si Edgar “Ga” Limosinero. Maraming salamat po sa inyong suporta at tiwala. Hindi po ito matutumbasan, at ang mga alaala ng ating laban ay mananatili sa aking puso magpakailanman. 💙