Ang inyong City of Biñan Disaster Risk Reduction and Management Office (CBDRRMO) ay naitatag sa panunungkulan ni ngayoy’y Punong Lungsod Atty. Alonte noong PEBRERO 5, 2016 na mas kilala nating sa tawag na C3. Ngunit saan nga ba nagsimula at ano ang kasaysayan ng CBDRRMO at ang Biñan Emergency Response Unit (BERU) na isang sangay ng City of Biñan Disaster Risk Reduction and Management Office sa lar
angan ng Emergency Response? Panahon noon ng panunungkulan ni dating Punong Alkalde Marlyn “Len-Len” Alonte-Naguiat at Pangalawang Punong Alkalde Atty. Walfredo Dimaguila Jr. nang simulang mabuo ang organisasyong Biñan Emergency Response Unit (BERU) taong 2009 na nasa pangangasiwa ng opisina ng Punong Alkalde. Wala pa mang CBDRRMO ay meron na palang Emergency Response Unit ang Biñan? Ang sagot ay meron na! sa pamumuno noon ni ngayoy'y Congresswoman Marlyn Alonte-Naguiat ngunit hindi pa naitatatag ang kagawaran na DRRMO noon kaya naman sa volunteer muna nagsimula ang lahat. Taong 1990’s, nang magkaroon ng tatlong organisadong volunteer group ang noo’y Bayan pa ng Biñan. Ito ay ang Laguna Assistant Group o LAG (1993) na may 30 aktibong miyembro, Scan Incorporated (1993) na may 70 aktibong miyembro at Biñan Mountaineering Group o BMC (1996) na may 20 aktibong miyembro. Sila ang nagpasimula ng mga aktibidad sa Biñan na may kinalaman sa kalikasan at usaping pangkaligtasan, sila din ang mga grupong bumababa at boluntaryong nagtuturo sa mga komunidad, na kung saan tinatalakay nila ang ibat-ibang panganib na meron sa Bayan ng Biñan. Habang dumadaan ang panahon unti-unting nakikilala ang mga grupong ito, ang iba sa kanilang mga miyembro ay naging volunteer-instructor ng Philippine Red Cross-Laguna Chapter at nagtapos ng ibat-ibang Rescue Training na inoorganisa ng gobyerno at iba pang pribadong sector. Ibat-ibang pagsubok ang dumaan sa tatlong grupong ito na kung saan nasubok ang katatagan ng kanilang pagiging isang volunteer group. Hanggang pumasok ang taong 2009 nang dumating ang dalawang magkasunod na Bagyong Nando (September 9) at Bagyong Ondoy (September 22). Nagpatawag noon ng sesyon o pagpupulong si dating Pangalawang Punong Bayan Atty. para pagusapan ang mga bagay na kung saan may kakulangan ang Bayan ng Biñan pagdating sa pagharap sa sakuna at kalamidad. Kasabay nito ang pagtalakay sa mga panganib na maaring kaharapin ng Bayan sa pagdating ng dalawang magkasunod na Bagyong Nando at Ondoy. Sa kanyang pakiusap, pinatawag ang mga pinuno ng mga organisadong volunteer group na ito at kabilang sa mga ipinatawag ay ang mga Kagawaran ng Municipal Environment and Natural Resources, Municipal Health Office at Sangguniang Bayan. Pinagusapan ang mga maaring mangyari at kahihinatnan ng Bayan kung sakaling manalasa ang magkasunod na Bagyong ito at sa mga hinaharap. Dito nabuo ang pangalang Biñan Emergency Response Unit (BERU) na nasa pangangasiwa ng Office of the Municipal Mayor at ang bagong talagang Chairperson ng BERU na si Municipal Health Officer Mirabelle Benjamin. Bago dumating ang dalawang magkasunod na Bagyong Nando at Ondoy ay mabilis na inihanda ng BERU ang lahat ng kanilang kakailanganin sa pagresponde sa mga tatamaan ng kalamidad. Ang Bayan ng Biñan ay malapit sa Lawa ng Laguna kaya naman lubugin sa baha ang mga Barangay na malapit dito kasama pa nito ang madaling pag-apaw ng tubig sa Ilog Biñan na nagpapalala sa sitwasyon. Sa utos ng noo’y Punong Bayan Len Alonte-Naguiat agad niyang inatasan si Dra. Benjamin at G. Ramon Belizario, EMT-B na pansamantalang naging Operations Officer na pamunuan ang BERU kasama ang mga pinuno ng tatlong volunteer group ng Biñan. Natapos ang dalawang magkasunod na Bagyo at ito ay nag-iwan ng walang nasawing buhay ngunit mataas ang pinsala dulot ng baha na naitala pinakamalala sa historya sa Bayan ng Biñan, batay din sa mga datos walang naitalang malaking pinsala sa imprastraktura at agrikultura. Inaasahan na ang malaking pinsala ng pagbaha dahil ang Bayan ng Biñan ay may malaking Ilog at malapit pa sa Lawa ng Laguna, pero dahil sa maagap na pagtugon ng BERU ay naiiwas ang mamamayan sa matinding pinsala at pagkasawi. Bago matapos ang taon, naitalagang Training Director at OIC si G. Belizario ng BERU na pinamumunuan parin ni Dra. Mirabelle Benjamin. Taong 2015 ng magbitiw si G. Belizario sa kanyang posisyon, at pansamantalang humalili sa posisyun bilang OIC ng BERU si G. Eugene Reyes na Team Leader din ng Laguna Assistant Group o LAG noon din ay secretariat na ng BERU si Ginang Maria Bonacua. Nagsisimula naman nang mabuo ang Kagawaran ng DRRMO, Pebrero 5 taong 2016 nang maitatag ang Kagawaran ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CBDRRMO) na pinamumunuan ng ngayo’y kasalukuyang Department Head Gng. Maria R. Bonacua MAEd. Masaya itong yugto sa kasaysayan ng Biñan dahil kasabay ng pagkakatatag ng CBDRRMO na isang bagong kagawaran ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ay ang selebrasyon din ng ARAW NG BIÑAN!. Nang mahalal na bilang Punong Lungsod si Atty. Walfredo "Arman" Dimaguila Jr. una niyang mandato ang pagsasaayos ng CBDRRMO. Ipinatayo ang gusali ng Biñan City Command, Control and Communication Center o mas kilalang C3 ng mga mamayan sa harap mismo ng Munisipyo dating Congressional District Office ang C3 ng dating Congressman Dan Fernandez at naging Commission on Election Building din ito bago maging CBDRRMO. Dito nagsimulang umusbong ang ibat-ibang sangay ng dibisyon ng CBDRRMO dahil narin sa BERU, nariyan naitatag ang Floating Command Center-Team Habagat na nasa Lawa ng Laguna sa may parteng Barangay malaban at Dela Paz na ang responsibilidad ay ang pangangalaga ng mga baybayin nang Lawa at ng Ilog Biñan kasabay na pangangasiwa sa kaayusan at pagbabantay sa mga mangingisdang Biñanense at daluyang tubig ng Lungsod. Ikalawa, ang Biñan City Fire Auxiliary Unit (BCFAU) na ang pangunahing responsibilidad ay tulungan ang ating mga kawani sa Pamatay Sunog ng Biñan (Biñan BFP), Ang ikatlo, CCTV Monitoring Division at 24/7 Biñan Emergency Hotline - Call Center para sa kaayusan at seguridad ng buong Lungsod. Hindi nawala sa CBDRRMO ang BERU sapagkat pinayabong pa ito para maging isang matatag na samahan. Ngayon ang Biñan Emergency Response Unit o BERU ay nahahanay na sa isa sa mga mahuhusay na Emergency Medical Services sa unang distrito ng Probinsya ng Laguna. Sa kasalukuyan, ang Biñan Emergency Response Unit (BERU) ay isa sa mga matatag na dibisyon ng CBDRRMO na may 5 na grupo ang BERU Team Alpha, BERU Team Bravo, BERU Team Charlie, BERU Team Delta at BERU Team Support. Taong 2020 ng sinubok tayo ng panahon dahil sa pagdating ng Pandemanyang kinatakutan ng lahat ang CORONAVIRUS, isa ang Biñan Emergency Response Unit (BERU) EMS Division sa mga nanguna sa pagsugpo nito. Binuo ni G. Bonacua at Mayor Dimaguila ang Men in White, sila ang mga grupo na taga BERU na kung saan nakatutok sa pagkuha ng ating mga kababayang dinapuan ng COVID19 para dalhin sa ibat-ibang Quarantine Facility sa Biñan naging pagsubok din ito dahil hindi maaring umuwi sa kani-kanilang pamilya ang mga kawani ng DRRMO dahil sa banta rin ng nakakahawang sakit. Ang BERU din ang nakatalaga sa pagkuha ng mga biktimang binawian na ng buhay dulot ng COVID19 para dalhin sa mga purinarya sa Biñan. Naging hamon pa dito ang ikalawang bugso ng sakit dahil mas tumaas ang mga nahawa nito sa Biñan. Kaya inilunsad din ng Lokal na pamahalaan ng Biñan ang “HOME SERVICE SWAB TEST” at “PARK AND SWAB TEST” na kung saan CDRRMO – Biñan Emergency Response Unit ang nanguna kasama ng City Health Office sa pagswab ng libre sa mga hinihinalang dinapuan ng sakit. Dahil sa mga inisyabitong ito ng ating Lokal na Pamahalaan talaga naming hinangaan ang pagpapalakad natin ng maayos sa pagsugpo sa Pandemya simula sa pamimigay ng AYUDA hanggang sa pagsugpo sa nakakamatay at nakakahawang sakit na COVID19. Masasabing sa paglipas ng panahon ay ibat-ibang pagsubok na ang nalagpasan ng CDRRMO-BERU. Kasabay ng makabagong henerasyon ay sumasabay na rin ang dibisyon ng CDRRMO-BERU sa hamon ng teknolohiya at digital na pamamaraan. Noong 2021 ay inilunsad ng CDRRMO-BERU ang AGILA Application ito ay isang mobile application na kung saan libreng mai-dodownload ng mamamayan para gamitin bilang isang mobile emergency application. Ang nilalaman ng AGILA Application ay mga numerong pangkaligtasan ng Lungsod meron din itong mga option na kung saan maaring picturan ng mga naka-saksi ang tunay na nangyayari sa isang tagpo, maaring ito ay aksidente sa kalsada, aksidente sa tahanan, sunog sa pamayanan at marami pang iba. Masasabing hindi napag-iwanan ang CDRRMO-BERU sa mga bagay na kailangang paghahanda para sa sakuna at kalamidad, bagkus ay umiisip pa tayo ng mga makabagong pamamaraan para ihatid sa mamayan ng Biñan ang libreng impormasyong pangkaligtasan at mga serbisyong maasahan. Sa patuloy na pagusad ng panahon ang hamon sa CDRRMO ay ipagpatuloy ang mga nasimulan, pagandahin ang hinaharap, ihanda ang mamamayan para sa LAGING HANDA at LAGING LIGTAS na pamumuhay.